Mahigpit parin ang yakap ni Jia kay Yohan habang patuloy ito sa pag iyak.
"Yohan i love you so much.. Wag mo kong iiwan.." umiiyak na sabi ni Jia.
Nung bumitaw na si Jia ay agad kinuha ni Yohan ang pagkaing nasa mesa..
"Kailangan mong kumain.." sabi ni Yohan at agad niyang sinubuan si Jia. Si Jia naman ay nakinig talaga kay Yohan..kumakain na siya at napangiti ang Mommy ni Jia sa nangyari sa anak niya.
Si Yohan naman ay iniisip niya si Myler na nasa labas at naghihintay sa kanya..
Naubos ni Jia ang soup at napangiti naman dun si Yohan.
"Dapat lagi kang kumakain.. Tingnan mo.. ang payat mo na agad.." nag aalalang sabi ni Yohan.
"Basta ba ikaw ang magpapakain sa'kin.. kakain talaga 'ko.." sabi ni Jia at napalunok naman si Yohan.
"Teka lang ah.. may kukunin lang ako sa kotse...naiwan ko kasi yung phone ko." pagpapaalam ni Yohan kay Myler.
"Bumalik ka ah..." naiiyak na sabi ni Jia at tumango naman si Yohan.
Parang wala siya sa sarili habang palabas na siya sa bahay at nilapitan niya si Myler sa kotse..
"Anong nangyari? Uuwi na ba tayo?" tanong ni Myler.
"Hindi pa muna Myler.. hihintayin kong makatulog si Jia.." sabi ni Yohan at tumango naman si Myler..
"Kung... mauna na kaya akong umuwi?" sabi ni Myler.
"No Myler.. sabay na tayo.. Mag didinner pa tayo after nito." sabi ni Yohan.. "Aakyat lang ako sa itaas at kakausapin ko na yung Mommy ni Jia. Alam kong pagod ka sa trabaho at kailangan mo na ring magpahinga.." sabi ni Yohan.
Nung muling pumasok si Yohan sa loob ng bahay ay nanlumo talaga si Myler. Ano bang nangyayari? Bakit ba ayaw tumigil ni Jia.. Ewan niya kung bakit feeling niya pakana lang naman 'to lahat ni Jia. Hindi lang talaga maka hindi si Yohan dahil na rin sa Mommy ni Jia..
****
Tinawagan ni Eli si Drich para ayain sila ni Popoy para sa triple date nila..
ELI: Okay diba? Atleast magiging okay yung date natin..wala na yung mga panggulo..
DRICH: Magandang idea yan Eli ah! Sige.. gusto ko yan.. at alam kong magugustuhan din yan nina Myler at Yohan.. Eh kelan ba ang plano? Tsaka saan ba yung date natin?
ELI: Actually wala pa nga kong maisip eh.. San kaya?
DRICH: May naisip ako!! Mag yate tayo! Mas tahimik don..
ELI: Yate?? Payagan kaya tayo nina Daddy at nina Tito Drake?
DRICH: Papayag 'yon! Ano namang magsama kung magyate tayo! Hindi naman tayo matutulog kasama ng mga Boyfriends natin. Pero.. pwede rin...
ELI: Luka loka! Okay sige.. sasabihin ko na kay Kobi.. sabihin mo nalang din kay Popoy tsaka ikaw na rin ang bahalang magsabi kina Yohan at Myler.
DRICH:Okay! Exciting 'to ah.. Na excite na 'ko bigla..
ELI: Okay bye na Drich..
After ng Call ay na excite na bigla si Eli. Maganda yung naisip ni Drich ah.. tapos wala pa silang makakasamang mga istorbo..
****
Nagkita kita muna silang anim sa bahay nina Eli.. Nasa salas sila at nag memeryenda sila ng cupcake na si Eli mismo ang nag-bake.
"Nice one Eli ah.. ang sarap ng cupcake mo.." pamumuri ni Popoy.
"Mas masarap ang cupcake ko!!" sagot naman ni Drich.
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...