Chapter 83

297 6 0
                                    

"Sure ka ba?" tanong ni Sandra sa anak nung magkasabay silang nag di-dinner.  "Pupunta ka sa States? Gano katagal ka naman don?"

"Kahit one week lang Mommy.. na mimiss ko na rin kasi si Lola tsaka si Harold, miss ko na rin maka bonding yung pinsan kong 'yon." sabi ni Kobi.

"Dahil ba hindi kayo okay ni Eli kaya gusto mong umalis?" tanong pa ni Sandra.

Tahimik lang si Kobi na nagpatuloy na lang siya sa pagkain..

"Okay anak.. kung gusto ikaw ang bahala..." sabi na lang ni Sandra.  "Kelan mo ba gustong umalis?" tanong pa niya..

"As soon as posible po.." sagot ni Kobi..  "Feeling ko kasi, malapit ko ng mapabayaan ang sarili ko. Tingin ko kailangan ko din munang mag refresh.." seryosong sabi ni Kobi..

****

Si Eli naman ay busy sa paggawa ng homework habang nakadapa siya sa kama. Nakapatong lang din sa kama yung phone niya na maya't maya niyang tinitingnan.. Baka kasi magtext si Kobi or tumawag. Pero natapos na niya ang homework niya pero wala pa ring paramdam mula kay Kobi. Eh bakit pa ba siya naghihintay na magparamdam si Kobi? E dinededma lang naman niya ang mga text at tawag ni Kobi.

Kinuha nalang niya ang laptop niya at nag online siya. Nakita niyang may post si Miko..

@MikoLoko : Wah! Ma mi-miss kita Bro @KobiSaavedra

Napakunot ang noo niya.. Bakit ganun ang post ni Miko?? Aalis ba siya? Nag comment si Eli sa post ni Miko.

@EliDM : Sa'n ang punta mo Miko?

@MikoLoko : Hindi ako aalis ah.. si Kobi!

Lalong napakunot ang noo niya! Aalis si Kobi? At saan naman pupunta si Kobi? Eh bat hindi niya alam? Bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Icha-chat niya dapat si Kobi pero hindi niya na tinuloy. Nakita naman niyang naka online si Kobi pero hindi naman nag chat sakanya. Napahinga siya ng malalim..

May LQ nga sila ni Kobi pero dapat ay nagsasabi pa rin ito sa kanya. Dapat kung aalis nga ito ay dapat ngang magpaalam din sa kanya. Pero bakit wala? Bakit wala man lang sinasabi si Kobi sa kanya?

Hindi na siya nakatiis kaya agad niyang kinuha ang phone niya at agad na tinawagan si Kobi..Mabilis namang sumagot ang boyfriend niya.

ELI: Aalis ka pala?

KOBI: Hm.. oo..

ELI: Saan ka pupunta?

KOBI: Kina lola... Sa States...

Natahimik bigla si Eli at hindi na siya nakasagot. Para kasing bumigat bigla yung dibdib niya sa narinig niya. Aalis si Kobi at napakalayo ng pupuntahan nito..

ELI: Hanggang kelan ka don?

Naiiyak ng tanong ni Eli..

KOBI: Ewan..

Di na napigilan ni Eli ang lumuha.

ELI: Ah okay..

Yun nalang ang sinabi ni Eli at binaba na niya ang call.. Sumubsob na lang siya sa kama at umiyak ng umiyak. Bakit aalis si Kobi? Bakit iiwan na siya ni Kobi? Bakit ba kasi? Basang basa na ang mukha niya at hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak..

****

Nasa salas ng bahay nina Yohan si Myler.. Nakaupo duon si Myler habang si Yohan naman ay sa sahig naka upo dahil nililinisan niya ng kuko si Myler.

"Ayusin mo ah.. baka magka ingrone ako.." natatawang sabi ni Myler sa napaka sweet niyang boyfriend.

"Don't worry.. marunong ako mag pedicure.." natatawang sabi ni Yohan habang busy pa rin maglinis ng kuko ni Myler sa paa.  "Pasalamat ka mahal kita!" sabi ni Yohan.. "Sa'yo ko pa lang 'to nagawa ah.. ang maglinis ng kuko!" natatawang sabi ni Yohan at natatawa rin si Myler..

"Hayaan mo! Mamaya bubunutin ko yang tumutubo mong balbas!" sabi ni Myler.

"Balbas? Wala akong balbas ah!" natatawang sabi ni Yohan
"Massage mo na lang ako.." malambing na sabi ni Yohan.

"Okay sige! Mamasahihin kita.." nakangiting sabi ni Myler.

"Sa kwarto ko.." bulong ni Yohan.

"Sira!! Ayoko nga no!" sabi ni Myler.  "Dito nalang sa salas!"

Ngumiti naman si Yohan..

"Okay!" sabi ni Yohan na patuloy pa rin sa paglilinis ng kuko ng mahal niya.

After niyang linisin ang kuko ni Myler ay naupo na rin siya sa sofa..

"Massage mo na 'ko ah.." nakangiting sabi ni Yohan sabay hubad ng shirt niya. Napanganga naman si Myler nung maghubad ng damit si Yohan sa harapan niya..

Juice Colored! Nakikita ko ng naka topless si Yohan kapag nags-swimming kami! Pero hindi yung ganitong napakalapit niya sa'kin!!! ---- bulong ni Myler sa isip niya at napalunok nalang siya bigla..

"Dadapa ba 'ko dito sa sofa?" tanong ni Yohan..

"O..kay.. si...ge... " natatarantang sabi ni Myler.

Dumapa na nga si Yohan sa sofa at unti unti na niyang dinikit ang dalawang palad niya sa likod ni Yohan..

"Yan...." bulong pa ni Yohan kaya lalo siyang kinilabutan.

Tinry niyang mag relax para maging okay ang pagmamasahe niya.. Huminga siya ng malalim bago niya sinimulang masahihin ang hot niyang boyfriend!

Hanggang sa naging kumportable na siya at naging relax kaya namasahe niya ng maayos si Yohan. Hindi na nga niya namalayan kung gaano katagal na siyang nagmamasahe.. Nakita nalang niya na nakatulog na pala si Yohan. Sinilip niya ang mukha ng boyfriend niya at napangiti siya nung makita niyang mahimbing na ang tulog nito.

****

Nung magising si Yohan ay bahagya siyang nagulat at inalala kung ano ba ang nangyari.. Ah oo nga pala,minasahe siya ni Myler kaya nakatulog siya. Bigla tuloy siyang tumayo at hinanap ng mga mata niya ang girlfriend niya..

"Manang where's Myler?" tanong niya sa dumaang katulong..

"Umuwi na Yohan.. ayaw ka na kasi niyang gisingin." sabi nito at napatango nalang si Yohan.

****

Galing sa trabaho si Popoy nung may humarang na kotse sa tapat niya. Agad itong nagbaba ng salamin at tumambad sa kanya ang isang magandang babae.

"Sa'n dito yung pinaka malapit na Hospital? Pwede mo ba kong samahan?" tanong nito.

"Diretso mo lang 'to.. tapos iliko mo sa kanan.." pagtuturo ni Popoy.

"Pwede bang samahan mo nalang ako?" pamimilit nung babae.. "Please?" sabi pa nito..

"Ah.. okay sige!" sabi nalang ni Popoy at agad binuksan nung babae yung pinto ng kotse.

"Pasensya ka na kung naabala pa kita ah.. Salamat at pumayag ka.." sabi nung babae at tumango lang si Popoy. Nasan naman kasi ang kunsensya niya kung hindi niya sasamahan ang humihingi ng pabor sa kanya tapos sa Ospital pa.

Maya maya ay nakaramdam ng pagkahilo si Popoy na hindi niya maintindihan. Meron bang inispray yung babae na hindi niya napansin? Lumabo na ng lumabo ang paningin niya hanggang sa nawalan na siya ng malay. Yung babae naman ay parang walang paki alam..

****

Nasa isang hotel na si Popoy at walang malay siyang nakahiga sa malaki at puting kama. Naka top less na lang siya at naka kumot ang pangibabang parte niya. Yung babae naman ay naka tapis lang ng tuwalya at agad siyang tumabi sa walang malay na si Popoy.

Naki kumot ang babae sa kumot ni Popoy at tinanggal na niya ang tuwalya niya.

"Okay..." sabi nung lalaking nasa may pinto..  "Kiss him!" utos nung lalaki sa babae at 'yon naman ang ginawa ng babae sa tulog na si Popoy. Hinalikan niya ito sa lips!

Yung lalaki naman ay panay lang kuha ng litrato sa sitwasyon ni Popoy at ng babae..

Pinicturan niya pang nakayakap ang babae kay Popoy habang nakahiga sa kama at parehong walang suot na damit.

Napapangisi lang ang lalaki habang tinitingnan niya ang mga pictures... Alam niyang magkakaroon ng malaking pagbabago sa mga buhay nila sa mga pictures na nakuhanan niya. . .

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon