Chapter 76

256 6 0
                                    

Kausap ni Popoy si Drich sa phone..

POPOY: Wag kang lalabas sa kwarto niyo ah.. Nasa mini bar lang sina Clyde, nag iinom.. baka mamaya magpapansin na naman sa'yo.

DRICH: Okay po!! Tsaka hindi naman talaga ko lalabas dito. Maliban nalang kung mag C-CR ako.. wala kasing CR tong kwarto namin...

POPOY: Itext mo 'ko pag mag C-CR ka...

DRICH: Ay grabe naman!

POPOY: Basta itext mo ko pag lalabas ka dyan...

DRICH: Okay sige na nga...

POPOY : Sige na, baba mo na yung line..

DRICH: Okay bye...

Napailing naman si Drich after nung call nila ni Popoy. May tensyon na tuloy sa pagitan nila nina Clyde.

Nakatulog na sina Myler, Eli at Drich sa kwarto nilang 'yon habang magkakatabi silang tatlo sa malaking kama.

Nagising si Drich na nakaramdam siya na naiihi siya. Lalabas na sana siya pero tinawagan na muna niya si Popoy pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya. Malamang na nakatulog na si Popoy dahil ala una na pala ng umaga. Lumabas na lang siya para pumunta sa pinaka malapit na CR nung makita niyang nasa mini bar sina Kenji at Clyde. Dinedma niya ang dalawa at nag dire-diretso siya sa paglalakad. Kunwari ay hindi niya nakita si Clyde.

Medyo nakalayo na siya sa dalawa nung marinig niya ang boses ni Clyde at nasa likod na pala niya ito ng hindi niya namamalayan..

"Drich!" tawag ni Clyde.

"Anong kailangan mo? Wag mo na muna kong pansinin okay?" inis na sabi ni Drich..  "Baka mamaya biglang dumating si Popoy at magalit na naman siya sa'yo!" pagtataray ni Drich at dumiretso na siya ulit sa paglalakad pero sinundan pa rin siya ni Clyde.

"Hey Drich!"  at pinigilan siya ni Clyde at hinawakan nito ang braso niya.  "I LIKE YOU!" diin ni Clyde at halatang lasing na ito. 

Nagulat naman si Drich sa sinabi ni Clyde sa kanya.

"You're damn drunk!! Kaya tigilan mo 'ko!" bulyaw ni Drich.  "And what the hell are you talking about?!?"

"GUSTO KITA!" ulit pa ni Clyde. "Uulit ulitin ko pa ba??" diin ni Clyde..  "I LIKE YOU DRICH!!!"

"Shut up Clyde!" sabi pa ni Drich at agad na siyang naglakad palayo pero sinundan pa rin siya ni Clyde kaya nilingon niya ito bigla.  "STAY AWAY FROM ME CLYDE!!" diin ni Drich..

Nanlaki ang mga mata ni Drich nung nakita niyang palapit na si Popoy sa kanila.. Nakatalikod si Clyde sa banda ni Popoy kaya wala siyang kamalay malay na nasa likuran na niya si Popoy.

Hinila ni Popoy ang braso ni Clyde at iniharap ito sa kanya. Agad niyang binigyan ng malakas na suntok sa mukha si Clyde at muntik matumba.

"Popoy!!" sigaw ni Drich at nakita niyang gumanti ng malakas na suntok si Clyde . Nag papambuno na ang dalawa at sigaw ng sigaw si Drich..   "Stop it!!! Tama na yan! Tama na yan Popoy! Clyde!!" sigaw niya at lumapit si Kenji para umawat pero hindi maawat awat ni Kenji ang dalawa. Napahiga na si Clyde at nakadagan si Popoy habang patuloy niyang pinapaliguan ng suntok ang mukha ni Clyde..

"Popoy tama na!!!" umiiyak ng sigaw ni Drich dahil nakikita niyang duguan na ang mukha ni Clyde na nakahiga na sa tiles. "Tama na!!! Popoy tama na!!" sigaw pa rin niya pero hindi tumitigil si Popoy sa paggulpi sa mukha ni Clyde.  "Stop it Popoy!!" sigaw ni Drich habang pilit niyang pinipigilan si Popoy pero wala siyang nagawa. Hindi niya kaya ang lakas ni Popoy at nakikita niyang galit na galit ito habang sumusuntok kay Clyde..   "KENJI tawagin mo sila!!!" pag hihingi ng tulong ni Drich at agad namang tumakbo si Kenji upang tawagin ang iba pa nilang kasama..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon