Chapter 52

269 5 0
                                    

Natulala pareho sina France at Popoy sa sinabi ni Drich.

"Joke lang !"  nakatawang sabi ni Drich..  "Ang lagay ba e ikaw lang ang pwedeng mag Joke !" sabi ni Drich kay France at napahinga ng malalim si Popoy.. Na tetensyon siya kay Drich..

"Ahm... 18 years old na ko, May 3 ang birthday ko , at hindi kami mag be-break.. Papakasalan ko na si Drich after 5 years !" seryosong sabi ni Popoy at agad siyang tumingin kay Drich. Para matuwa tuwa naman ang wala na sa mood niyang girlfriend !

Marami pang tinanong si France at mag kikita raw sila ulit kinabukasan para mapuntahan din ni France ang bahay nina Popoy..

Nasa kotse na silang dalawa at seryoso si Drich..

"Ano bang nangyari sa'yo kanina?" tanong ni Popoy..

"Ang landi kasi nung France na yun eh ! NAIIRITA KO !!" sabi ni Drich.  "Halata namang nag papa cute siya sa'yo eh !"

"Mukhang hindi naman ah.. " sabi ni Popoy.

"E pano ! Mukhang ine-enjoy mo naman !!" inis na sabi ni Drich..

"Grabe ka Drich ah.. " natatawang sabi ni Popoy..  "Narinig mo naman yung sinagot ko ah , sabi ko pakakasalan na kita after 5 years.. Hindi ka ba natuwa don ?" tanong ni Popoy..

"Ay ewan ! ! Wala ako sa mood Popoy ! ! " inis na sabi ni Drich.

"Ang selosa mo ! " natatawang sabi ni Popoy.   "E mas maganda ka naman don !" sabi pa niya pero seryoso pa rin si Drich.. Hinawakan ni Popoy ang mukha ni Drich..

"I love you ! " sabi ni Popoy at agad niyang hinalikan si Drich..

Si Drich naman ay gumaan na ang loob sa ginawang pag halik ni Popoy..

"Isa pa!" sabi pa ni Drich at muli siyang hinalikan ni Popoy..

They were kissing passionately. Ipina paramdam nila ang pag mamahal nila sa isa't isa.

****

Busy si Kenji sa pag gawa ng article niya at naka tambay lang siya sa bench.. Napatingin siya kay Kobi nung lumapit ito sa kanya.

"May kailangan ka ba sakin?" tanong pa ni Kenji.

"Malamang ! Lalapit ba ko kung wala !" sabi ni Kobi.   "Anyway , gusto ko lang mag sorry sa'yo about last week.." sabi ni Kobi..

"Ah yun lang ba ?" tanong ni Kenji..   "About last week lang ? E pano naman yung mga pam-bu-bully mo sakin nung elementary pa tayo ?" tanong pa ni Kenji..

"Jusko naman ! Ang tagal na non ! Hindi ka pa rin ba nakakapag moved on ? Mga bata pa tayo non.. Malamang , pang asar pa tayo non.." sabi ni Kobi..

"Ikaw lang ! Kahit kelan hindi ako nang asar o nambully ng kahit na sino ."  sabi ni Kenji.

"Okay ! Ako na ang pinaka makasalanan ! Sorry.. Okay na ba yun sa'yo?"  tanong ni Kobi..

"Eh bakit ka ba kase nag so-sorry ? Parang hindi naman totoo.. " sabi pa ni Kenji.

Takte to ah ! Kung pektusan ko nalang kaya 'to para hindi na umaarte ! Kalalaking tao.. PABEBE ! ! ----- inis na bulong ni Kobi sa isip niya.

Pero kailangan niya lang talaga yung gawin para ma -good shot na siya kay Eli !

"Ano Kenji , sorry na.. " sabi ni Kobi.

"Okay ! " nakangiti nalang na sabi ni Kenji.

"Salamat bro ah !" nakangiting sabi ni Kobi at agad na siyang tumayo para ibalita kay Eli na nag sorry na siya kay Kenji.

****

Sa Cafeteria ay sabay ng kumakain sina Myler at Yohan.
Malaki ang tiwala ni Yohan kay Myler pero hindi mawala sa isip niya yung fact na nahalikan na ni Jerwin si Myler. At nalaman na rin niyang type pala ni Jerwin ang girlfriend niya...

Masaya naman silang kumain ni Myler , at walang kamalay malay si Myler sa namumuong plano ni Yohan sa isip niya..

****

"Sure ka bro ?" tanong ni Kiel kay Yohan..

"Oo , gusto kong ipagulpi si Jerwin !" seryosong sabi ni Yohan..

"Madali lang yan Yohan , marami dyang pwedeng bayaran para gulpihin si Jerwin.. Pero sure ka na ba ?" tanong ni Paulo.. 

"Oo nga ! Ipapagulpi ko lang naman eh ! Hindi ko naman ipa-pa-patay ! "  sabi pa ni Yohan..   "Gusto ko lang siyang maturuan ng leksyon !" inis na sabi ni Yohan.

"Bro , pag nalaman 'to ni Myler , baka mag away na naman kayo.. " sabi ni Kiel..

"Hindi naman niya malalaman !" sabi pa ni Yohan.. Ayaw niyang gawin, hindi naman talaga siya masamang tao.. Pero tuwing maiisip niya ang ginawang paghalik ni Jerwin kay Myler ay umaakyat bigla ang dugo niya sa ulo .

Pauwi na non si Jerwin nung may humarang sa kanyang tatlong lalaki at walang sabi sabiy pinag gugulpi siya at pinag tulungan ! Hindi naman makalaban si Jerwin dahil ano nga naman ang laban niya sa tatlong masasamang lalaki.

Suntok at sipa ang inabot niya sa mga lalaki at wala siyang nagawa.. Nakahiga na lang si Jerwin at tinatanggap nalang niya ang bawat sakit ng sapak at sipang ibinibigay sa kanya.

Masakit na ang buong katawan ni Jerwin.. At hinang hina na siya.. Unti unti nalang lumabo ang paningin niya hanggang sa mawalan na siya ng malay !

****

"Oh Drich.. " nakangiting bati ni Eli nung pumunta sa kanila ang pinsan niya..

"Gusto ko lang mag sleep over.. " sabi ni Drich..   "Tsaka marami akong ike-kwento sa'yo.. " sabi ni Drich..

"Ah ganon ba ? Tara na.. Pasok ka.. " sabi ni Eli.

Nagluto muna ng popcorn si Eli bago sila umakyat sa kwarto ni Drich.

"Ano namang ike-kwento mo ?" tanong ni Eli kay Drich..

"Eh kase.. Naiimbyerna ko dun sa researcher ! Feeling ko type niya si Popoy ! E hindi naman ako papayag no ! " asar na sabi ni Drich sabay kain ng Popcorn

"Magiging part na talaga yun ng kwento niyo ni Popoy.. lalo kapag naging singer na siya.. Marami siyang makakasalamuha, marami siyang makikilala.. Pero ang importante naman ay yung security niyo sa isa't isa diba ? " sabi ni Eli..

"Tama ka naman dyan.. Na pi-feel ko naman na secure na ko kay Popoy kaya lang siyempre diba ? mahirap i-resist ang temptation ? " sabi ni Drich..

"Tiwala ! Pagkatiwalaan mo lang si Popoy.. okay na yun.. " sabi ni Eli..

"Nga pala Eli ! Kumusta naman ang manliligaw mo ?" tanong ni Drich..

"Kagaya pa rin ng dati... makulit parin... " nakangiting sabi ni Eli..

Tumayo naman si Drich at tinanaw niya ang bahay nina Kobi.  .

"Siguro , madalas kayong mag sulyapan dito ni Kobi !" pang aasar ni Drich..

"Hindi ah !" nakangiting sabi ni Eli..

"Hindi mo pa ba talaga sasagutin si Kobi ? Okay naman siya ah !" sabi pa ni Drich..

"Hindi naman ako nag mamadali. Actually sinabihan ko na siya na mag back out na pero mapilit siya.." sabi ni Eli..

"E kasi nga mahal ka ! " diin ni Drich at napangiti lang si Eli..

****

Pauwi pa lang galing sa Celestine's si Myler nung malaman niya ang balita na nagulpi si Jerwin at nag madali naman siya , kailangan niya ng puntahan si Jerwin !

Hindi niya na hinintay si Yohan , nag text nalang siya at nag sabing pupunta siya sa Ospital.

Nag aalala kasi siya kay Jerwin. Hindi naman kasi basagulero ang kaibigan niya..

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon