Chapter 3

362 12 0
                                    

"Kayo nalang Mommy!" sabi ni Eli nung yayain siya ng Mommy at Daddy niya na lumipat sa kabilang bahay dahil nga sa Wedding Anniversary daw nina Sandra at Lucio..

"Eli, tara na.. Hahanapin ka ng Ninang Sandra mo.." sabi ng Mommy niyang si Agnes.. 

"E kaso ang dami ko pang kailangang gawin Mommy, itong article sa Students Report, bukas na deadline nito.. Kayo nalang po.. Paki sabi nalang kina Ninang na congrats !"

Maya maya pa ay pumasok na rin sa kwarto niya ang Daddy niyang si Bench..

"Eli , halika na.. " aya nito..

"Kayo nalang Dad.. Please ?!"

"Eli hindi pwede.." sabi ng Daddy niya..  "Kahit saglit ka lang don, magpakita ka lang sa Ninang mo tapos umuwi ka na dito.. "

Maya maya pa ay dumating na din si Bree, 13 years old na sister ni Eli..

"Okay Tara na.. " aya ng Mommy niya at naiiling iling na tumayo si Eli . .

"Magbibihis lang po ako. 10 minutes.  . " at agad ng dumiretso sa dresser si Eli.

****

Nasa bahay na nga nga mga Saavedra ang ilang bisita. . Nandon na ang mag asawang sina Yuan at Eya at kasama din nila ang anak na si Yana, 13 .

"Tita asan po si Yohan?" tanong ni Kobi nung makita niyang hindi kasama si Yohan ng mga magulang niya..

"Susunod yon ! Nag papa-gwapo lang !" sagot ni Yana.

At natawa naman si Kobi . .

Maya maya pa ay dumating naman sina Eli , nakatingin agad sa kanila si Kobi na medyo napanganga pa nung makita niya si Eli na napaka ganda sa simpleng floral dress.

Nakita ni Kobi na kausap ng Mommy niya ang mga magulang ni Eli..

"Hi Bree!!" si Bree ang binati niya nung lumapit siya kina Eli.

"Hi kuya Kobi !!" bati din nito..

"Tara ! Punta tayo sa Chocolate fountain , " alok ni Kobi kay Bree at tumingin din siya kay Eli na busy sa phone..    "Tara Celestina, sama ka..." medyo nahiya niya pang tanong..

"Kayo nalang ." cold na sagot ni Eli na hindi man lang tumitingin kay Kobi..

Parang na disappoint naman si Kobi kaya sila na lang ni Bree ang pumunta sa Chocolate Fountain..

****

Ini-off talaga ni Drich ang phone niya para hindi siya matawagan ng Daddy niya.. Yung perang pinangbayad niya sa Ospital ay allowance niya yon for 1 month na nakalagay sa ATM card niya...

Maya maya pa ay nakita niya ng palabas na ng kwarto si Popoy, discharge na ito dahil okay na siya. .

"So.. pwede na rin akong umuwi!" sabi ni Drich at agad tumayo..

"Oh di umuwi ka !" sabi ni Popoy  "Ay teka ! pano yung mga gamot ko?!"

"Wala na kase akong pera eh !" sagot ni Drich  "Inubos ko na yung nasa ATM ko ! Okay ganito na lang.. Magkita nalang tayo bukas para maihatid ko sa'yo yung mga gamot . ."

"Puntahan mo ko sa bahay !" sabi ni Popoy..

"Okay ! Saang sulok ba ng Impyerno yung bahay mo ? "

"Hoy ikaw ah ! Hindi nakakatuwa yang mga pananalita mo.. Mukha ba kong Demonyo?  "

"Wag ka ngang sensitive ! Sabihin mo na kung san ka nakatira ! And warn me din kung nakakatakot ba sa lugar niyo para makapag dala ko ng Security ! "

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon