Mabilis na bumaba si Yohan sa kotse niya nung tumigil na siya sa tapat ng bahay nina Myler. Kailangan niyang malaman kung ano na ba ang nangyayare sa girlfriend niya.
Pero naka padlock ang bahay..
"Shit ! Where's Myler ?" asar niyang tanong.. Hindi niya makontak si Myler dahil naka off ang phone nito. Napahawak siya sa ulo niya. Hindi niya malaman kung ano na bang nangyari kay Myler. At saka bakit nag leave si Myler na hindi man lang niya alam ang dahilan.
Hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Ang dami na niyang tanong sa isip niya at para na siyang mapa-praning.
Sumakay nalang si Yohan sa kotse niya at halu halo na ang nararamdaman niya. Nalulungkot siya , naiinis , nag aalala at kung anu-ano pang pakiramdam.. Agad nalang niyang pina andar ang kotse at hindi niya alam kung saan siya pupunta.
****
Nakarating na sina Drich sa bahay nina Popoy..
"Maliit lang ang bahay namin.. " sabi ni Popoy nung binuksan na niya yung pintuan.
"Okay lang !" sagot ni Drich..
Pagbukas ni Popoy ay agad na silang pumasok at binuksan niya ang ilaw..
"Nasan yung family mo?" tanong ni Drich na umupo na sa upuang kawayan.
"Baka nasa palengke pa si Nanay.. Yung kapatid ko , baka gumagawa ng project sa bahay ng classmate niya.. " sabi ni Popoy habang binubuksan niya ang mga bintana. "Mahihirapan ka dito Drich , napakaliit ng bahay namin. Bukas umuwi ka na sa inyo ah.. Tsaka itetext ko ang Daddy mo at sasabihin kong nandito ka.." sabi ni Popoy..
"Wag na !! Baka bigla ako nung sunduin dito !" angal ni Drich..
"Ayokong sirain ang pangalan ko sa Daddy mo. Gusto ko pagkatiwalaan niya ko. Drich , kung talagang mahal mo ko , hindi mo hahayaang ma disappoint sakin si Sir Drake.." paliwanag ni Popoy.
"Okay Fine ! " sabi nalang ni Drich na agad tumayo at lumapit kay Popoy. "Kiss me !" utos ni Drich kay Popoy..
"Ang flirt mo na !" sabi ni Popoy kay Drich.. "Halika nga dito , pupunasan ko ng basang bimpo yang mukha mo tsaka ipag titimpla na rin kita ng kape. " sabi ni Popoy para maka iwas sa ginagawang pang aakit ni Drich.
"Mamaya na ! Kiss mo muna ko Popoy ! " utos pa ni Drich.
"Lasing na lasing ka Drich , kailangan mo munang makatulog.. " sabi ni Popoy at lumayo na muna siya kay Drich para magtimpla ng kape..
Habang nagtitimpla siya ng kape ay muling lumapit sa kanya si Drich. Tumabi ito sakanya at hinawakan ni Drich ang pisngi ni Popoy..
"Bakit ba patay na patay ako sa'yo ?!" tanong ni Drich
"Ito na yung kape mo , inumin mo na ." sabi ni Popoy.
Humarap na siya kay Drich para ibigay ang kape , kinuha naman yon ni Drich pero inilapag lang yun ni Drich sa lamesa.. At nagulat naman si Popoy nung hawakan siya ni Drich sa pisngi at bigla siya nitong hinalikan sa lips..
Nanlaki ang mga mata ni Popoy sa ginawa ni Drich . Hanggang sa hindi na rin niya na kontrol ang sarili niya. Masarap ang halik na yon ni Drich kaya tinugunan nalang din niya. Hinawakan pa siya sa batok ni Drich at nakaramdam siya bigla ng kuryenteng dumaloy mula sa batok niya. . Nakahawak naman siya sa pisngi ni Drich habang hinahalikan niya ito. . Naramdaman ni Popoy na itinataas na ni Drich ang damit niya at sinusubukan siyang hubaran ni Drich kaya parang bigla siyang natauhan. Kapag hinayaan niya lang na ganon si Drich ay paniguradong may mangyayari na sa kanila.. Inilayo niya bigla si Drich..
"Drich ?? " tanong niya.. "Easy ka lang okay ?" sabi niya.
"Nagustuhan mo naman diba?" tanong ni Drich..
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Novela JuvenilIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...