"MAGSALITA KA!!! MAY NANGYARI BA SA INYO NG BOYFRIEND KO??" galit na tanong ni Drich sa babae.
Napataas ang kilay ng babae..
"Oo!! May nangyari sa'min!! Masaya ka na?"mataray na sabi nito.. "Actually... Ang sarap nga ng boyfriend mo eh! Haha... Pwede ba siyang mahiram ulit?" malandi nitong sabi at napakunot noo si Popoy dahil napaka sinungaling na babae!
"AH GANON?" galit na tanong ni Drich at agad niyang hinampas ng matigas niyang bag ang mukha ng babae.
"Ouch!!" angal ng babae na namula agad ang mukha.. "Kahit magalit ka pa! Wala kang magagawa!!! Natikman ko na ang boyfriend mo!!" sigaw din nung babae.
"Bawiin mo yang sinabi mo!!" galit ding sabi ni Popoy. "Wag kang magsinungaling!"
"Bakit ko babawiin?! Eh may nangyari naman talaga satin!! Nalimutan mo ba kung pano mo ko hinalikan at hinubaran?" ngisi nung babae at lalong nagalit si Drich kaya muli niyang hinila ang buhok nito at kinaladkad ni Drich papunta sa kalsada...
"Bitawan mo ko!!!!" sigaw nung babae pero kinakaladkad pa rin siya ni Drich..
Si Popoy naman ay inaawat nalang si Drich pero mukhang wala itong balak magpaawat.
Inihiga ni Drich sa kalsada ang babae at umupo siya sa may tiyan nito habang sinasabunutan niya..
"Drich tama na!!" awat ni Popoy at marami ng lumapit at nasa gitna na sina Drich..
Yung iba ay nag eenjoy lang manuod at wala silang balak mang awat..
"Drich ano ba??" awat ni Popoy habang patuloy si Drich sa pagsampal at pagsabunot sa babae.. Sinusubukan niyang lumaban pero hindi sapat ang lakas niya para kalabanin ang galit na galit na si Drich..
Sinakal na siya bigla ni Drich..
"MAY NANGYARI BA TALAGA SA INYO??!!" sigaw ni Drich at mukhang hindi na makahinga yung babae.. Hinihila ni Popoy si Drich pero humarap lang ito sa kanya at sinampal din siya ng malakas!
"GET LOST POPOY!!! GET LOST!!! MAGSAMA KAYO NITONG BABAENG TO!!!" umiiyak pero sumisigaw na sabi ni Drich.. "ANG KAKAPAL NG MUKHA NIYO!!" umiiyak niyang sabi habang sinasakal pa rin niya ang babae..
"Miss aminin mo na yung totoo!!" sigaw din ni Popoy sa babae.. "PAPATAYIN KA NIYAN SINASABI KO SA'YO!!" sabi ni Popoy..
"Wala.!! Wala!! Wala talaga!!" sigaw nung babaeng umiiyak at umubo ng umubo at akala niya ay katapusan na niya.Buti binitiwan ni Drich ang leeg niya. "Walang nangyari samin ng boyfriend mo..." humihingal at umiiyak na sabi ng babae..
"E anong nangyare?" galit pang tanong ni Drich habang nakaupo pa rin siya sa tiyan ng babae..
Umiiyak ang babae sa sobrang sakit ng katawan niya..
"Set up lang ang lahat...." sabi nito at napakunot ang noo nina Drich at Popoy.
"Sinong nag utos sa'yo?!" galit na tanong ni Popoy..
"Hindi ko kilala!!!" sigaw nung babae at agad siyang sinakal ni Drich..
"SINONG NAG UTOS SA'YO????" sigaw ni Drich.
"Si Clyde!" sabi nung babae at muling napaubo..
Natulala naman sina Drich at Popoy sa narinig mula sa babaeng mukhang ginulpi ng sampung kabayo na patuloy pa rin sa pag iyak.
****
"Anong sasabihin mo?" tanong ni Kobi kay Eli..
"Ah... Gusto ko lang...malaman kung.... kung sure ka na ba sa pag alis mo.." tanong ni Eli.
"Oo..." malungkot na sabi ni Kobi.. "Ingat ka dito ah.. Nagbilin naman ako kina Baby Miko na bantay bantayan ka habang wala ako.. Sana.. ma miss mo rin ako..." napapaluhang sabi ni Kobi pero nagpigil siya..
Nakita ni Kobi na napaluha sa harapan niya si Eli..
"Bat ka naman umiiyak?" napangiting tanong ni Kobi... "Ayaw mo ba non? Aalis ako.. Hindi mo na kailangang umiwas..." sabi ni Kobi.
"Pagsinabi ko bang... ayokong umalis ka.. hindi ka na aalis?" lakas loob na tanong ni Eli.
Nagulat si Kobi sa sinabi ni Eli..
"Alam ko namang hindi mo sasabihin 'yon eh.." napangiting sabi ni Kobi.. "Alam ko namang hindi mo 'ko mamimiss.."
Muling napaluha si Eli at agad niya ulit yung pinunasan...
"Kobi... baka... baka kasi.. ma miss kita ng sobra..." napaluha ulit si Eli.. "Pwede bang.. wag ka ng umalis?" tanong ni Eli at natulala si Kobi. Hindi niya inaasahang maririnig niya 'yon mula kay Eli.."Ayaw mo 'kong umalis?" tanong pa ni Kobi..
"Wag na sana please...." sabi ni Eli kay Kobi.. "Iiyak lang ako ng iiyak kapag umalis ka..." parang batang sabi ni Eli at napangiti naman dun si Kobi..
"Ayaw mo talaga?" tanong pa ni Kobi..
"Uulit ulitin ko pa ba Kobi?? I want you to stay Kobi... please? pwede ka bang mag stay for me?" tanong pa ni Eli..
Muling napangiti si Kobi at niyakap niya si Eli..
"Kung ayaw mong umalis ako Eli.. Hindi ako aalis... Ikaw lang naman ang mahalaga sa'kin eh.. Ayoko naman talaga umalis.. Kaya lang.. na feel kong hindi mo na 'ko kailangan.." sabi ni Kobi.. "Ikaw lang naman ang dahilan ng bawat galaw ko eh.. Mahal na mahal kasi kita.. Kahit hindi mo ako gaanong mahal.. Kahit hindi mo kayang tapatan yung pagmamahal na binibigay ko sa'yo. Pero kahit anong mangyari Eli.. Mahal na mahal na mahal kita..." sabi ni Kobi na mahigpit ang yakap sa umiiyak na si Eli..
"Mahal na mahal din kita Kobi.. Sorry kung madalas lang akong bato pero mahal na mahal talaga kita at ayokong mawala ka..." sabi ni Eli at gumaan ang pakiramdam don ni Kobi.
****
Nasa kotse si Myler dahil pinatawag ni Yohan ang driver nila para ihatid siya sa bahay..
At habang nasa byahe ay kausap niya lang si Yohan sa phone..
MYLER: Bakit ka ba tumawag? May class ka pa diba?
YOHAN: Nakiki update lang kung nakauwi ka na...
MYLER: Nasa byahe pa.. Medyo traffic kasi..
YOHAN: Malakas ba yung aircon?
MYLER: Hm.. Sakto lang..
YOHAN: Mamaya ah.. Pupunta ko sa inyo.. Dyan ako mag di-dinner.. Gusto ko magluto ka ng kare kare..
MYLER: Naku wag ka na palang pumunta.. May lakad nga pala ko ngayon..
YOHAN: Anong lakad naman yan??? Tumigil ka nga!!
MYLER: Ininvite lang ako nina Mitch..
YOHAN: Tumigil ka ah! Pupunta ko sa inyo... Wag ka ngang magsasasama kay Mitch!
Natawa naman bigla si Myler..
YOHAN: At bakit mo naman ako pinagtatawanan??
MYLER: Kasi binibiro lang naman kita... Wala naman akong lakad.. Galit ka agad...
YOHAN: Ang galing mo umarte eh..
MYLER: Sige na.. I end call na natin.. Baka mapagalitan ka na naman ng Prof niyo!
YOHAN: I love you Liz Ortecho!
MYLER: I love you too Max Evans!
At sabay silang natawa..
Na touch naman si Myler kay Yohan na nag effort pang kilalanin sina Liz at Max mula sa favorite Novel niya..
YOHAN: I love you Mylene Tyler Tuazon..
MYLER : I love you too Montejar!!
At kahit magkalayo ay pareho silang nakangiti...
BINABASA MO ANG
What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)
Teen FictionIt was the Next Volume of 3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] . Ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng mga Montejar ang kwento ng buhay at pag-ibig. Si Drich, anak nina Drake at Chichay . Si Eli, anak nina Bench at Agnes. Si Yohan, anak nin...