Chapter 16

260 7 0
                                    

Nasa basketball court ng Barangay nila si Popoy at mag isa lang siya don. . Nag shu-shoot siya ng bola sa ring at nag di-drible... Naiisip niya si Drich. . Hindi niya kase alam kung anong mararamdaman niya eh, yung pinu-push siya ni Drich na sumali sa Blue Hawk tapos gagawin pa siyang Scholar ng MonteGrande Corp...

Agad siyang nag focus sa bola at shi-noot niya yon ! Saktong sakto yung bola sa ring. .

"Magaling ka mag basketball ah... " puri nung isang lalaki at lumapit sa kanya.. Hindi niya kilala yung lalaki pero parang pamilyar..    "Tingin ko.. Kailangan ka ng Team ko. . "

"Ano pong Team ?" tanong ni Popoy..

"Blue Hawk.." sagot nung lalaki at tama nga ang naisip ni Popoy.. Pamilyar ang lalaki.. Coach nga ito ng Blue Hawk..

"DMA Blue Hawk po ba?" paninigurado ni Popoy..

"Oo . ." sagot ng Coach..

"Si Drich po ba ang nagpapunta sa inyo dito ? Hindi niya ba nasabing hindi ako interesado ? " tanong ni Popoy..

"Oo si Drich nga ang nagbanggit sakin... Pero sa nakita kong galing mo.. Tingin ko kailangan ka talaga ng Team.  . Sana tanggapin mo na ang Offer ko. .Popoy..."

Tahimik lang si Popoy..

"Ako nga pala si Jeff , ang Coach ng Blue Hawk. . Sana pag isipan ng mabuti yung alok ko.. Kailangan natin ang isa't isa Popoy.. Kailangan namin sa Team yang galing mo.. At makaka pag aral ka din ng kahit na anong kursong gusto mo.. "

"Pag iisipan ko po.. " sagot ni Popoy..

****

Mag katabi ang upuan nina Myler at Yohan nung nag le-lecture ang Prof nila..

Pero kahit magkatabi sila ay hindi man lang sumusulyap si Myler sa banda ni Yohan, badtrip pa din kase siya dahil dun sa nangyare sa Gigster..

Maya maya pa ay nagulat si Myler dahil kinuha ni Yohan ang Notebook niya na nasa table at pinandilatan niya si Yohan ! Ayaw niya kaseng mag ingay dahil magagalit ang prof.. Kukunin na sana niya yung Notebook niya kay Yohan pero mahigpit ang hawak ni Yohan dun...

Binuklat ni Yohan ang Notebook niya at nag sulat ito sa last page...

Napahinga ng malalim si Myler dahil sa kakulitan ni Yohan.. Maya maya ay binalik na nito ang Notebook niya na naka open ang last page.. May sulat ito...


SORRY PO :(

Napangiti naman si Myler sa note ni Yohan.. Para kasing bata ! Nag sulat din si Myler sa ilalin ng SORRY PO :(.

APOLOGY ACCEPTED ! :)

Iniabot niya kay Yohan ang Notebook at napangiti din si Yohan.. Nag sulat ulit siya kay Myler...

LUNCH TAYO TOGETHER.. ??

Muling ibinigay ni Yohan ang notebook kay Myler at napangiti ulit si Myler sa sulat ni Yohan ! Mag la-lunch daw sila ! ! Wahhh... Kinilig siya bigla . . Muli niya ring sinagot ang sulat ni Yohan...


AYAW !  XD 

Natawa naman ni Yohan sa reply ni Myler ! Parang bata lang ! Kaya ni replyan niya ulit..

SIGE NA PLEASE ? ;)

Inabot na muli ni Yohan ang notebook kay Myler pero bago pa makuha ni Myler ang Notebook ay nakuha na ito ng Prof nila at nagulat naman sina Myler at Yohan...

"Hindi kayo naka focus sa tinuturo ko Mr. Montejar and Ms. Tuazon ! Kaya naman pala , busy kayo exchanging letters . . Ano to? SORRY , APOLOGY ACCEPTED , LUNCH TAYO TOGETHER ? , AYAW.... Ano 'to??" binasa ng prof nila yon at natawa ang mga classmates nila lalo na sina Kiel at Paulo..

"Ang cheesy Bro !" pang aasar ni Kiel at namula naman sa hiya sina Myler at Yohan..

"Ikaw kase eh !" bulong ni Myler kay Yohan...

"At dahil dyan...." sabi ng Prof nila...    "Tutal gusto niyong mag kasama kayo.. Okay sige.. Linisin niyo ang Computer Room Together !"

Nagtatawanan lang ang mga Classmates nila at napakamot nalang sa batok si Myler.. Pero kahit napagalitan sila.. Mas nangingibabaw pa rin yung pag ka kilig niya kay Yohan...

Nagkatinginan sila at nagka ngitian nalang...


****

Sa Cafeteria ay nandon na sina Miko , Kenneth at Kobi..

"Alam niyo ba Miko ang Kobi. ." sabi ni Kenneth..  "Sabi sakin ni Vannesa , si _______  daw ang crush ni Eli.. Gusto niyo bang malaman kung sino si BLANK??"  Natatawang tanong ni Kenneth..

Tahimik lang si Kobi habang kumakain ng Spaghetti..

"Sinong crush ni Eli ?" tanong ni Miko kay Kenneth , crush na crush din niya kase si Eli..

"Si Blank nga!" natatawang sabi ni Kenneth...

"Shit ka Kenneth !" sabi ni Kobi..   "Sabihin mo na nga kung sino yung pesteng BLANK na yon !" asar na sabi ni Kobi..

"Easy Kobi ! Beast mode ka agad eh !" natatawang sabi ni Kenneth..

"Sino nga??!" tanong pa ni Kobi..

"Promise niyong wag niyong ipagkalat ah ! Malalagot ako kay Vannesa !" sabi ni Kenneth..

"Punyeta ka ah ! Sino na nga kase ! " madiing tanong ni Kobi dahil nabubwiset na talaga siya !

"Okay.. Hold your breath . . " natatawang sabi ni Kenneth.. "Wag kayong mabibigla ah.. Ang crush daw ni Eli ay si......." natawa bigla si Kenneth..

Binato na siya ni Kobi ng niyamukos na Tissue..

"Okay eto na... Ang crush ni Eli ay si . . . Si Brent Alonte !" sabay sersyoso ni Kenneth..

Natigilan naman sina Miko at Kobi sa narinig nila...

"Si Brent talaga ?" tanong ni Miko..

"Oo.. Si Brent Alonte nga.. " sabi ni Kenneth..

"Wala na.. Wala na kong pag asa.... " sabi ni Miko..   "Si Brent pala ang crush niya tapos nililigawan na si Eli..  Wala na... Ang korni na !" sabi ni Miko..

At naka focus na lang si Kobi sa kinakain niyang spaghetti.. Hindi pa nga siya nanliligaw , basted na agad siya ! Pag minamalas ka nga naman ! !

Nalungkot din si Miko...

Lalo na siyempre si Kobi..

Na guilty naman si Kenneth dahil sa ibinulgar niya.. Pero siyempre , kailangan ding malaman ng mga kaibigan niya kung sino ang Crush ng Crush nila.. Para hindi na sila umasa..

****

Nagkasabay sabay naman sa ladies room sina Eli , Drich at Myler.. Sabay sabay silang nag sasalamin..

"May swimming nga pala kami sa Sunday Myler.. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Drich..

"Ha? Nako.. Next time na lang Drich..." sabi ni Myler..

"Myler sige na , sumama ka na.. Tsaka dun naman tayo mag i-stay sa Mansyon ng Family namin eh.. Sa Batangas yon..." sabi ni Eli..

"Tsaka sagot namin lahat.. " sabi pa ni Drich.. "Please Myler?" pilit pa nito..

"Ah... Ang hirap niyo naman tanggihan... " nakangiting sabi ni Myler.. Sure na kasama si Yohan kaya excited na din siya 

"Sunday ah !" sabi ni Eli..

"Okay sige , " sabi ni Myler at natuwa naman sina Eli at Drich dahil pumayag na siya.. Mahirap talaga tumanggi sa mga Montejar !

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon