Chapter 64

241 9 0
                                    

Hindi sumagot si Drich sa sinabi niya.. Kaya parang biglang uminit yung ulo ni Popoy. Pero pinilit niya pa ring kumalma. Mahirap na kung magkasalubong ang galit nila ni Drich.

POPOY : Bakit hindi ka nagpunta dito ?

Tanong ni Popoy sa medyo kalmado ng boses. Pero after 30 seconds ay wala pa rin siyang marinig mula kay Drich.

POPOY : Drich naririnig mo ba ko ? Bakit hindi ka nag sasalita ??

Napabuntong hininga si Popoy dahil talagang ang init na ng ulo niya. Hindi naman ganun si Drich eh ! Active si Drich na pumunta sa kanila. Tapos usually pag tinatawagan niya ito ay maingay at madaldal . Bakit ngayon ay parang napipi na yata si Drich !

DRICH : Poy , i'm not feeling well...

Nagulat naman siya nung marinig niya ang boses ni Drich. Parang paos kasi yon at halatang hindi nga siya okay. Napahawak naman siya bigla sa noo dahil uminit ang ulo niya kay Drich.. Yung kaninang inis niya ay napalitan na ng pag aalala.

POPOY : Bat hindi mo agad sinabi ?

Mahinahong sabi ni Popoy.

POPOY : Okay sige.. Pagaling ka ah..

Pag kasabi non ni Popoy ay naputol na ang tawagan nila ni Drich..

Si Drich naman na nasa kwarto niya at nakahiga dahil sa fever ay bigla nalang siyang nakaramdam ng lungkot. Bakit ganun si Popoy ? Kahit sinabi niya ditong may lagnat siya ay parang wala lang kay Popoy.

Napaiyak si Drich.. Iyak na agad siya ng iyak. Ganun kasi talaga siya kapag nagkakalagnat . Madalas siyang emotional at konting bagay ay iniiyakan na talaga niya.

Tumingin siya sa phone niya pero wala namang message mula kay Popoy. Tuloy tuloy pa rin siya sa pag iyak. Bakit ba feeling niya , sa relasyon nilang dalawa ni Popoy ay siya ang mas nagmamahal.

Patuloy pa rin siya sa pag iyak at talagang may hikbi na. Dahil sa sobrang labo na ng paningin niya ay unti unti siyang nakaramdam ng antok hanggang sa makatulog na talaga siya ng tuluyan.

Hindi niya alam kung ilang oras ba siya nakatulog. Pero pag gising niya ay parang mas bumigat ang pakiramdam niya. Naramdaman niya na lalong sumakit ang ulo niya..

Agad namang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok doon ang Mommy niya.

"Kumusta ka na?" tanong nito at umiling lang siya.. Hinawakan siya sa noo ng Mommy niya.. "Mataas pa rin yung temperature mo.." nag aalalang sabi nito..

Tahimik lang si Drich.. Si Popoy parin ang laman ng utak niya. Kung bakit pakiramdam niya ay walang paki alam si Popoy sa kanya !

****

Kausap naman ni Eli si Kobi sa phone habang pareho silang nakatayo sa may bintana at kitang kita nila ang isa't isa.

KOBI : Dapat alam ni Kenji na tayo na..

ELI : Secret lang natin diba ? Sa atin lang .. Sa mga kaibigan mo lang at kay Vannesa. Kahit nga kay Drich hindi ko sinabi eh.. Unfair naman kung sasabihin ko kay Kenji... Tsaka bakit ba kailangan niya  pang malaman 'yon ?

KOBI : Para maintindihan niya yung salitang DISTANSYA !

Natawa lang si Eli at napailing.. Ang cute pala sa feeling kapag yung boyfriend mo ay medyo seloso !

KOBI : Bakit ka natawa ?

ELI : Wala ! Naiimagine ko lang yung mukha ni Kenji kanina !

Natawa lalo si Eli nung makita niya ang kabadtripan sa mukha ni Kobi.. Ang sarap pala pag tripan at pagselosin ni Kobi.. Kinikilig siya ng konti !

What Love Is All About (3 HEARTS BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon