Hello! This is my very first book! (No plans on revising it or editing it because I don't want to forget those jeje-days HAHAH) so if u are planning to read this cutie, please brace yo-self with typos and old watty feels. : *
Hope you'll like it! Feel free to vote and leave some comments! : )
-chagocx
This book is a work of fiction. Any names, characters, incidents, places, businesses and events used are made by the author's imagination and in a fictitious manner. Any resemblance to actual events or persons, living or dead, are purely coincidental.
Do not distribute without permission. Translating the story into other languages are prohibited.
Copyright©2016 chagocx
Enjoy reading!
-------------------------------------------------
"Pangs! Narinig mo ba yung balita? Yung about kay Rick?!" Sabi ni Nina habang sumusubo ng frenchfries.
Hindi ako sumagot sakanya, nagpatuloy nalang ako sa pagnuod ng movie at kumain din ng frenchfries. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Cathy para magmovie marathon. "The Fault In Our Stars" ang pinapanuod namin. Mas maganda pang panuorin to kesa makinig sa chika ni Nina.
"Oo pala pangs! Hay! Grabe talaga yang Rick na yan!!!" Sabi naman ni Cathy.
Umiling lang ako, "Ano banaman kayo, ang ganda ganda ng movie oh." Sabi ko sa kanila, totoo naman kasi na maganda talaga yung palabas. Nakakaiyak nga lang, lalo na pag may pinaghuhugutan yung nanunuod. Haha
"Pero pangs, narinig mo na yung chika?" Pangungulit ni Nina.
"Oo pero bakit ko pa pagaaksayahan ng panahon? Duh!" Sagot ko sabay tawa. "Sa totoo lang mga panget, kung meron man sakin ang may pakialam dun, mga 20% lang, the rest wala na. Ay hindi! 10% nga lang eh," dagdag ko pa sabay subo ng sandamakmak na frenchfries.
"Really? Hindi ka nasasaktan?" Ani naman ni Cathy.
"Ofcourse not! Why would I be hurt?" Sabi ko gamit ang mejo mataray na tono.
"Kasi kayo ni Rick ay may pinag-" naputol ang sinasabi ni Nina dahil tinakpan ko ang bibig niya.
"Let's just move on okay? Ang importante masaya tayo ngayon at nanunuod ng magandang movie!" Masayang sabi ko at agad naman silang sumangayon.
Sa totoo lang wala naman talaga akong narinig na chismis tungkol kay Rick eh, pero alam ko yun dahil mga mata ko mismo ang nakakita nun.
Kahit halos tatlong taon na niya akong sinusuyo katulong ang mga kaibigan niyang sina Shane ay hindi ako pumayag na maging kami..siguro dahil bata pa talaga kami at alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa.
Sa tatlong taon na yun ay napalapit na rin ang loob ko sakanya. Nasanay ako na pagpasok ko sa school ay kinakabahan ako dahil alam ko na nasa may gate siya kasama ang mga kaibigan niya para palihim na agawin ang bag ko saakin at dalhin ito sa room namin, at pagrecess dahil alam ko na siya mismo ang bibili ng pagkain para sakin. Lagi siyang nakaaligid at kumukuha ng tiyempo para patunayan na gusto niya ako..pero nagbago yun lahat isang gabi.
Alam ko nung mga panahon na yun ay nagiging malamig na siya saakin, hindi kagaya ng dati. Maski mga kaibigan niya hindi na rin siya tinutulungang magpakitang gilas sa harap ko. Ramdam ko, siguro ay nawalan na siya ng pag-asa, sumuko na siya dahil sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi ko siya pinansin.
May night party sa school dahil malapit na ang graduation namin, mag hihighschool na kami next year.
"Pangs! Wait lang ha kuha lang kami ni Cathy ng food!" Sigaw sakin ni Nina para marinig ko siya dahil sa lakas ng music.
Nagthumbs up ako bilang sagot.Habang hinihintay sila ay naglakad lakad ako para makita ang iba pa naming mga kklaseng nag sasaya pero iba ang nahagip ng paningin ko, sila Rick. Kasama niya ang mga kaibigan niyang sila Shane..pero naroon din si Iya, ang isa sa pinakamalanding babaeng nakikala ko.
"Dali na bro, isa lang! Hina mo talaga eh" kantsaw nila kay Rick na nakaakbay kay Iya. Sobrang pula ng pisngi ni Iya, hindi ko alam kung dahil ba ito sa kilig o dahil sa blush-on niyang dinaig pa ang mga Sales lady sa mall.
Patuloy ko silang tiningnan kahit na bumibigat ang dibdib ko, dapat ako yung naroon, dapat hindi si Iya..pero heto ako, nasa malayo at pinapanood lang sila.
"Osige na nga, sabi niyo eh." Sabi ni Rick sabay ngisi.
At dahan dahan, kitang kita ko, kung paano hinalikan ni Rick si Iya.
Agad akong tumalikod sa kanila. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ganun din ang paghinga ko. Shit! Smack lang yun pero ramdam na ramdam ko ang sakit.
Alam ko, lumuha ako pero hindi ko yun nararamdaman sa pisngi ko dahil sa bilis ng takbo ko. Ayokong may makakita saakin na ganto ako. Kaya agad akong lumabas sa school at pumara ng taxi.
"K-Kuya, s-sa.. Umm.. sa, mckinley kuya.." Sabi ko sa driver sabay punas ng luha.
Habang nasa biyahe ay nakatulala lang ako sa mga streetlights na nagbibigay liwanag sa madilim na oras na iyon. Nahihiya ako kay kuya driver sa itsura ko pero mas naiisip ko pa din ang sakit na nararamdaman ko.
Pagkarating ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto, bumuhos ang matinding luha. Inilabas ko yung sakit na nagpapasikip ng dibdib ko kanina. Sana pala, sana pala, puro sana...
Sumasakit na ang mata ko sa kakaiyak pero wala akong magawa dahil hindi naman ito tumitigil sa pagluha.. Para akong lumagok ng isang tanke ng tubig kaya maraming lumalabas na luha sa mata ko.
Alam ko, gusto ko rin siya pero wala na, hindi ko nagawang iparamdam yun sakanya. Tinago ko sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman sa pagaakalang kung mahal niya ako ay magaantay siya kahit gaano pa katagal. Pero nagkamali ako, lahat ng tao nagbabago, lahat ng tao napapagod. Lalo na pag alam nilang hindi nasusuklian ng tama o kahit kalahati man lang ang pagmamahal na pinapadama nila.
Umaga na pero yung damit na suot ko sa party ay suot ko pa din ngayon. Kalat kalat ang eye-liner at mascara sa mukha ko. Shit! Ni hindi ako nakapaghilamos kagabi. Mugtong mugto ang mata ko at barado ang ilong ko ng sipon. Naalala ko, dahil nga pala ito sa nakita ko kagabi..agad akong nawalan ng gana bumangon.
Masakit pero tuloy lang buhay, at sa araw na iyon tinatak ko sa utak ko na pag-mahal ko ang isang tao hindi ko na iyon itatago lang sa sarili ko, hahanap at hahanap ako ng tiyempo para sabihin ito sa kanya, dahil hindi ko hawak ang oras at panahon. Hindi ko alam kung kailan siya darating o mawawala pero dapat maipadama ko sa taong iyon na mahal ko siya..
"Huy pangs okay ka lang? nakatulala ka na jan! Gandang ganda ka ba sa movie?" Kalabit sa akin ni Cathy.
Tumawa lang ako, "Oo! Maganda naman talaga ah! Ikaw talaga!" Sabi ko sabay kain sa frenchfries na kanina ko pa hawak hawak. Masyadong marami yung tinrow back ko pero mas marami parin kaming napanuod na movies nila Nina at Cathy.
Alam ko, magandang step to sa pagmo-move on, ang makipag hang-out sa mga kaibigan mo. Buti nalang meron akong kagaya nila. Sobrang maalaga at masarap kasama. Kaya alam ko sa sarili ko na hindi pa din ako kawawa dahil hindi ako nag-iisa.
----------------------------------
☠ Read * Comment * Vote ☠
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...