Warning: MEJO SPG!! Parental Guidance is Advised.Dahan dahan kong binuksan ang namumugto kong mga mata. Tinitigan ko yung kisame, inaantay na bumagsak ito sakin at tuluyan nakong ilibing nang buhay. Huminga ako ng malalim dahil ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring nangyari..
Buo na ang desisyon ko. Susunod ako sa gusto ni sir Jay kung yun ang ikakatahimik niya. Gagawin ko to para kay dad.. Para sa pamilya ko.. Dahil hindi ko kaya na makitang masira yung masayang pamilya na meron ako, masayang pamilya na pinangarap ng bawat tao..
Maaga akong umalis ng bahay para hindi ako maabutan ni mokong..mas pinili kong magcommute kesa magtaxi, nagbabakasakaling masagasaan ako o kaya naman mabangga yung sasakyan kong jeep na sobrang bilis magpatakbo.. But unfortunately, safe akong nakarating sa school..
Mabilis na lumipas ang oras ngayong araw.. Halos mamaho na yung hininga ko dahil hindi ako nagsasalita. Sa clinic ako nagpalipas ng break time, nagkunwari akong masakit yung ulo ko makaiwas lang sa mga tao sa paligid ko.
Nang dumating ang uwian ay nagmadali akong pumunta sa banyo. Habang tinitingnan ko ang pagandar ng oras sa wrist watch ko ay nagsimula nanaman manginig yung buong katawan ko.
Kaya ko ba? Kakayanin ko ba? :'(
Nag-urong sulong ako.. Huli na para baguhin ko pa yung desisyon ko.. Natatakot ako kay sir Jay pero mas natatakot akong may kumatok na pulis sa bahay namin para kuhain samin si dad.. Pinunasan ko yung luha na pumatak mula sa mga mata ko at nag-ayos ng sarili.. Lumabas ako sa cubicle kung saan halos kalahating oras ako naka-stay.
Naglakad ako papunta sa office ni sir Jay. Nakatulala ako kaya hindi sinasadyang may nababangga akong estudyante sa paglalakad.
"Sorry.." Sabi ko nang may mabangga nanaman ako. Humakbang ako sa gilid para iwasan siya pero humakbang din siya papunta dun at hinarang yung dadaanan ko.
Hinawakan niya yung mga kamay ko kaya agad kong tiningnan yung mukha niya.
"Are you okay?" Nagaalalang sabi ni mokong ko. Buong araw kaming hindi nag-usap. Buong araw ko siyang iniwasan tapos bigla kaming magkakasalubong? Akala ko pa naman umuwi na siya..
"Aj, answer me. Are you okay?" Mariin niyang tanong sakin.
Agad kong binawi yung mga kamay ko sa kanya.
"Oo. Okay lang ako.." Sinagot ko siya.
"Stop lying Aj.. I know you're not.. Sabihin mo sakin kung anong problema.. Please.." Nagaalala niyang sabi sakin.
"Pwede bang wag kang makulit? Okay nga lang ako sabi eh.. Sige na, may gagawin pa ako.." Nagkunwari akong naiinis.. Nakita ko ang gulat at lungkot sa mukha ni mokong.. Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya..
Sa loob loob ko lang, sobrang sakit.. Sobrang sakit para sakin na layuan siya pero kailangan..
Tumapat ako sa harap ng pinto ng office ni sir Jay.. Ang tanging nasa isip ko lang ay sa oras na pumasok ako doon ay hindi na ako makakabalik pang muli.. There's no turning back. Huminga ako ng malalim saka ko biglang pinasok yung office niya.. Alam ko kasi sa sarili ko na kapag nagtagal pa ako sa labas ay baka hindi ko mapigilang tumakbo palayo sa opisina niya.
Ngiti ang sinalubong sakin ni sir Jay.. Mukang kanina niya pa ako inaantay..
"Lock the door." Utos niya.
Kahit kinakabahan ako ay sinunod ko yung gusto niya, ayoko din naman kasi na bigla nalang may ibang pumasok at makita akong nagddrama.
"P-Pumapayag na ako sa gusto mo.." Nahihiya kong sinabi.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...