Maaga nanaman kaming gumising para sa seminar kinabukasan. Ang seminar ay tungkol sa Fashion Designing tsaka pananahi. Suot suot ko yung damit na pinahiram sakin ni Erich kaya hindi ko maiwasang kiligin. Naalala ko kasi yung mga pinag-usapan namin nung araw na nagkakilala kami..Dahil para sa students lang yung seminar ay sa function hall nalang ng hotel ito ginanap. Sabay sabay kaming pumunta nila Zoey sa function hall at pumwesto sa table na nakareserve para samin.
Wala pa dun si mokong kaya pakiramdam ko wala akong gana.. Sila Zoey at Chen naman ay masayang kumain ng breakfast na nakaserve sa bawat table.
Paminsan minsan ay nagagawa ko namang sumubo ng pagkain, pero hindi parin mapakali yung mata ko sa kakaikot sa paligid. Hanggang sa nakita ko na si mokong kasama yung mga karoommates niya, pumwesto sila sa table hindi gaano kalayuan samin. Agad nagtagpo ang aming mga mata at sabay naming nginitian ang isa't isa.. How I wish na sana siya yung katabi ko..:(
Dahil nalilibang ako sa pagreresearch about sa fashion design at alam ko naman ang pananahi ay di kalaunan nakaramdam ako ng boredom.. 'Alam ko na yan eh..' Pagyayabang ko sa isip ko, pero ang totoo niyan, gusto ko lang talaga ng free time para makasama ko na si mokong ko..
Napapapikit na ako nang biglang magserve yung mga waiter ng lunch. At last, may pampagana na rin sa wakas.. Hinawakan ko na yung spoon and fork ko nang biglang nagvibrate yung phone ko.
Agad ko itong kinuha para tingnan.Mokong./.: wanna go somewhere else?
Ako: sure!! Pero saan naman? :/
Mokonh./.: somewhere better than this place.
Ako: now na?
Mokong./.: yes
Ako: baka magalit si ma'am Simantra!! :P
Mokong./.: after eating, tell her you don't feel well.
Ako: eh paano ikaw?
Mokong./.: don't mind me. Just do it okay? Kita tayo sa labas ng hotel. ;)
Ako: you're crazy!! Pero sige! Hahaha
Nagkatinginan kami ni mokong tapos sabay nanaman kaming ngumiti. Binilisan kong kumain dahil gustong gusto ko na talagang makaalis sa lugar na to. Halos mabilaukan na ako sa kakamadali pero ininda ko yun lahat, basta dapat malapitan ko na si ma'am Simantra bago tumuloy yung seminar event para hindi siya busy.
After ng huling subo ay uminom ako ng maraming tubig. Huminga ako ng malalim saka dahan dahang lumapit kay ma'am Simantra.
"Um.. Ma'am?" Agad niya akong hinarap.
"Yes Aj?" Nagaalala niyang sabi nang makita niya yung malungkot kong mukha.
"Can I stay in my room nalang? Mejo sumama po kasi pakiramdam ko.." Umarte arte ako na parang may sakit.
"Sure Aj.. Gusto mo bang ihatid kita?" Nagaalala niyang sinabi sakin.
"Naku ma'am, wag na po.. Kaya ko naman po umakyat mag-isa.. Sige po ma'am.." Ngiti ko sa kanya pero mejo matamlay padin.
"rest well Aj ha?" Sabi niya pa sakin. Ngumiti ako at tumango.
Nakita kong sinundan ako ng tingin ni mokong kaya alam kong alam na niya na successful ako sa mission ko.
Lumakad ako ng mabilis papunta sa lobby at imbis na sa elevator pumunta ay tumakbo ako palabas ng hotel at nagtago sa gilid ng mga sasakyan.
Maya maya pa ay lumabas na rin si mokong. Nakangiti siyang lumapit sakin.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...