Gaya kahapon ay isa na naman ako sa mga nag lead ng rosary. Buong week siguro ganito kasi di pa naayos ang schedule. Actually lahat ng students ay pwedeng makaranas na maglead ng rosary, although from grade 4 - 4th year lang.
After ng flag ceremony ay nag-guide ulit ako ng mga primary pupils, ngayon ay kahit kausap nila panget si mokong ay nag paalam ako sa kanila. Sinasanay ko ang sarili ko na hindi maging awkward pag nanjan sya, tutal naman wala nga naman syang ginawang masama sakin, naginarte lang siguro ako.
Pero nakakainis naman talaga sya eh. Di niya kasi pinapakita yung tunay na ugali niya kila panget, pero kung ipakita man niya yun malamang wapakels sila pangs kasi crush na crush nila si mokong.
Pero kailangan ko silang imulat sa katotohanan. >)
Nang makaakyat ako sa room ay itinambad sakin ni Cathy ang tatlong pirasong yellow tulips.
"Ano yan?" Nagtatakang tanong ko sabay kuha sa bulaklak.
"Aba ewan ko! Nakita ko lang dito sa armchair mo! Nagse-secret ka na samin pangs?" Nagtaas ng kilay sakin si Cathy.
"Hoy pangs never ako nagsecret sa inyo noh!" Sabi ko habang tinitingnan yung card na nakasiksik sa bulaklak.
Naguguilty naman ako kasi sinekreto ko pala na nagkausap na kami ni mokong nung first day palang hihihi.
Lalo pang nagtaas ng kilay si Cathy at lumapit na din si Nina.
"Eh kanino galing yan?" Sabat naman ni Nina.
Binasa ko ang nakasulat sa card.
"Goodmorning pretty! CGL :)"
"Yan lang nakalagay?" Masungit na tanong ni Cathy.
"Oo pangs eh, wala akong idea." Sagot ko sa kanya.
Totoong hindi ko alam kung sino ang nagpadala neto pero kung sino man siya ay salamat sa kanya, super favorite ko ang tulips.
"May secret admirer ka?" Tanong nung mokong. Nalaglag ang panga ko dahil yun ang bungad nya nang makita kami nila Cathy na nag-uusap tungkol sa nagbigay ng Tulips.
Be good Aj, wag awkward okay?
"Umm. Ewan" nagkibit balikat nalang ako at inirapan siya. Di ko talaga kayang magpakabait sa kanya. Kapal muks kasi eh!
"Edi tapon mo na yan." Sabi niya sabay talikod saamin bago pa ako makapagsalita ulit.
Aba ayos talaga siya ah. Walang araw na hindi niya ako binubwisit.
"Basta pangs pagnalaman mo kung kanino galing yan chika mo agad ha? Tsaka isecret mo lang sa iba kasi alam mo naman sila Shane.." Sabi ni Cathy nang pabulong.
"Wala akong pake kila Shane noh! Lalo na sa reaksyon nila. They don't own me." Sabi ko habang tinatago ang tulips sa bag ko, nilabas ko lang yung mismong flowers para hindi masira.
"I'm just reminding you Pangs, baka kasi nalimutan mo na yung nang yari noon" tumango nalang ako at hinayaan siyang makabalik sa upuan niya.
Dahil sa sinabi niya ay naalala ko yung nangyari noon..saakin, kay Richard at sa grupo nila Shane.
Umamin si Richard na may crush sa saakin. Agad itong kumalat sa buong batch namin. At dahil nga love team kami ni Rick ay agad rumesbak ang grupo niya. Pinagbantaan ba naman si Richard na aabangan sa labas kapag hindi tumigil, e sa totoo lang wala namang ginagawa yung tao kaya ano naman yung ititigil niya? Makikitid lang talaga ang utak nila Shane. Kaya natakot si Richard at di na muling pumasok. Ni hindi nalaman ng adviser namin noon na yun ang dahilan ng pag tigil niya sa pag-aaral. Sasabihin ko sana pero pinigilan ako nila Cathy, kasalanan naman daw yun ni Richard dahil duwag siya, away bata lang naman yung mangyayari kung sakali. Pero para saakin ay mali iyon dahil naaawa ako sa mga magulang ni Richard. Pano nalang yung binayad nilang down payment sa school, sobrang mahal pa naman ng tuition fee. Kaya mula noon ay wala nang nagpangahas na umamin ng pagkagusto sakin.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...