Babyfats

2.7K 90 2
                                    


After ng dismissal ay nakipagmeet na ako agad kila Miguel at Sabrina. Nauna na din umuwi sila Cathy at Nina dahil ime-meet din nila ang mga partner nila para sa sewing activity. Yung partner ko naman ay hindi ko alam kung saan napunta. Hay nako Aj, bat mo pa ba siya iniisip! Stop stop stop!

Sa shed kami nagkita nila Miguel, naroon na agad sila. Buti naman dahil ayoko nang magantay, magcocommute lang ako pauwi kaya ayoko abutin ng sobrang hapon sa school.

"Hi Aj!" Bati sakin ng nakangiting si Sabrina.

Ganun din ang ginawa ni Miguel.

"Uy, pacenxa na kayo natagalan ako ha? Late kasi kami pinalabas ni Sir Jay." Sabi ko habang umuupo sa tabi ni Sabrina.

"Sir Jay? Yung C.L. Teacher?" Tanong ni Sabrina.

Tumango ako at nagpakita ng nagtatakang ekspresyon sa mukha.

"Ah, wala. Basta magingat lang kayo dun, lalo ka na." Sagot niya lang saakin nang makita niya yung reaksyon ko.

Nagkibit balikat nalang ako pero talagang may naaamoy akong hindi maganda sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang magtanong pero hahaba pa ang usapan, gusto ko na din umuwi.

"Anyways, ano na ba yung gagawin natin bukas? Si Ma'am Bel naman kasi biglaan nalang kung magutos." Iniba ni Sabrina ang usapan.

"Ate di ka pa nasanay, hayaan mo na." Sagot ko naman.

"Sabi ni Ma'am mas maraming new students sa High school kaya dapat mas pang mature ang mga games na ipapagawa natin para di sila mabored." Sabi ni Miguel.

Sumang ayon naman kami agad ni Sabrina, maaasahan naman kasi si Miguel dahil nga 4th year na siya.

"See you tomorrow guys, agahan niyo para maready na natin yung mga gagamitin natin." Paalam ni Miguel.

"Sure sige, aagahan ko bukas. Sa Audio room na tayo kita ha?" Sagot ko naman.

Aalis na sana kami ni Sabrina pero biglang may tumawag sakin.

"Aj! Hey!" Sigaw ng isang lalaking tumatakbo papunta samin. Naka itim na sando siya at naka shorts na hanggang tuhod. Kitang kita tuloy ang mga muscles niya, mejo pawis din siya pero nang nakalapit siya ay shit! mabango pa din. Omg Aj!!! Stop stop stop!!!

Nang makarating siya sa mismong harap namin ay niyugyog ako ni Sabrina.

"Waaaah!! Si Eron Alford, oh my, oh my!!!" Grabe ang tili niya at bigla nalang nagpatianod sa paalis nang si Miguel.

"Sabrina! Wait!" Pagpigil ko sa kanya pero sinenyasan ako ni Miguel na hayaan nalang siya dahil baka daw magwala pa. Grabe naman, ano bang meron tong mokong na to. -.-

"O bat nanaman ba?" masungit kong sabi kay mokong nang maiwan kaming dalawa.

"Mas lalo kang nagiging cute pag nagsusungit." Ngiti niya saakin.

"K." Sagot ko sakanya.

Tumawa siya sa ewan, sa kasungitan ko? Baliw talaga tong isang to.

"Ano ba kasi yun?" Sabi ko nang mairita sa titig niya, feeling ko kasi tumatagos saakin yung titig niya.

"I just want to ask you about our project, di ba nagdeal ka kanina?" Sabi niya saakin. Inirapan ko lang siya.

"oo nga pero agad agad ba? May gagawin pa ako! At isa pa nang dahil sayo wala na tuloy ako kasabay pauwi!" Galit kong sabi sakanya.

"Oh, kasalanan ko ba na maghimatay yung babae?" Nagtataka niyang tanong. Tumawa lang ako.

"What? What's so funny?" Tanong naman niya.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon