Sana

1.8K 59 15
                                    

Dahil sa naging text sakin ni Eron ay umasa akong babalik na sa dati ang lahat.. Pero bakit ganun? Mas lalo pa siyang lumayo sakin.. Never na niya akong nilapitan at never na rin niyang nireplyan yung mga texts ko sa kanya.. Kung gaano mas lumalapit sakin si Rick, ganun naman siya lumalayo sakin..

Ilang araw ang lumipas na hanggang tingin lang ako sa kanya, hanggang pasimpleng sulyap at hanggang alaala na lang..

Minsan naninikip yung dibdib ko kapag nakikita kong masaya siya, lalo na kapag naiisip kong hindi na ako yung dahilan ng mga ngiti niya.. Miss na miss ko na siya.. Yung pangaasar at pagiging sweet niya sakin.. Namimiss ko na lahat lahat pero wala akong magawa dahil parang nilagyan na niya ng malaking wall yung pagitan naming dalawa.. Nasa iisang room lang kami halos araw araw at sobrang lapit lang ng bahay namin sa isa't isa pero hindi ko siya maabot..

Hanggang sa nakita ko yung post ni mam Simantra sa bulletin board malapit sa T.L.E room.. Malapit na yung pasahan nung dress making project namin, halos nakakalahati ko palang yung samin dahil simula nung nagkita kami nila Rick sa bahay ni Eron ay hindi na ako nakabalik pa sa kanila.. Lagi kasi akong iniiwasan ni Eron kaya hindi ko na din siya matanong about sa project namin..

That afternoon, nilakasan ko yung loob ko.. I have no choice.. Hindi lang naman to para sa pagkakataon na makausap ko siya kundi para din to sa grades namin..

Pagkadismissal ay dumiretso ako sa bahay nila Eron.. Nauna akong umalis kaya naghintay muna ako sa may halamanan para makita ko kung nakauwi na ba siya.. Ilang saglit pa ay nakita ko na yung kotse niyang papasok sa gate nila..

Kinabahan ako bigla.. Kaya ko ba to?

Kailangan kong kayanin, dahil kung hindi baka maging palakol yung grade namin sa subject namin na yun.. Hindi to pwede!! Matatanggal ako sa pagka officer sa school!! :((

Ilang saglit pa akong nagurong sulong bago nakakuha ng sapat na lakas ng loob para makalapit sa gate nila.

"Yes mam?" Tanong ni kuya guard sakin gamit yung maliit na radio.

"Kay Eron po kuya.." Hindi ko alam kung nakangiti ba ako or what.. Hindi ko maipinta yung mukha ko..

"Confirm lang po muna namin mam kung pwede bisita ha?" Malumanay na sagot ni kuya guard sakin..

What? So bawal na talaga yung bisita?? So ano? Literal na may wall na talaga sa pagitan naming dalawa??

"Kuya, itatanong ko lang naman po yung sa project namin.." Nagaalala kong sagot kay kuya guard pero hindi siya sumagot..

...

"Kuya sige nanaman oh.. Hindi yun magagalit kapag ako yung bisita niya.." Kinapalan ko na yung mukha ko.

"Sorry po mam, hindi daw po allowed yung bisita eh." Malungkot na balita sakin ni kuya guard.

"Kuya, sige na please.. Yung project lang kasi namin talaga.. Kailangan lang po.." Pagmamakaawa ko.

"Sorry talaga mam, napagutusan lang po.." Malungkot na sabi niya pa.

"Sige na kuya, hindi kasi niya ako nirereplyan.. Kuya kahit usap lang po oh.." Naluluha nako..

"Sor-" sasagot sana si kuya guard pero parang may dumating na tao kaya naputol yung sasabihin niya.

"Si Aj ba yan? Aba si Aj nga! Buksan mo yung gate!" Sabi nung babae..

"Ate Sally?? Opo, si Aj po ito.." Bigla akong nagkaroon ng pagasa.. Tapos yung kaninang lungkot ay napalitan ng mga ngiti.

Pagkabukas ng gate ay agad akong binigyan ng yakap ni ate Sally..

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon