Nang maguwian ay saka na ako bumalik sa room. Nakita ko sila panget na papalabas na ng gate kaya't kumaway nalang ako sa kanila. Siguro ay naroon na ang sundo nila. Nasabi ko na din naman kanina na hindi ako sasabay pauwi sa kanila dahil kay Chris. Speaking of Chris, asan na kaya yun?
Nang makapasok sa room ay kinuha ko agad ang phone ko para icheck, pero wala ni isang text si Chris. Si daddy lang ang nagtext,
Papabear:
Aj, si Chris ang maghahatid sayo pauwi today. I trust that guy kaya don't worry okay? Uwi agad. Miss ka na namin ng mommy mo. Love you! Take care!Ako:
Yes dad! Miss ko na din kayo ni mum. Ingat po ha? Love youuuu! :*Inayos ko na yung gamit ko para makaalis. Napansin ko ngang wala na yung tulips. Nakakalungkot na nakakainis! Bakit niya kailangan pakialaman ang mga gamit ko! Badtrip talaga! Padabog kong kinuha ang bag ko dahil sa inis. Sa may mini park nalang muna ako tatambay habang inaantay si Chris.
Nang makarating doon ay umupo ako sa bakanteng shed. Wala masyadong tao dito dahil likod na bahagi ito ng school pero isa parin ito sa mga paborito kong part ng school. Tahimik dito at maraming puno't halaman kaya masarap ang simoy ng hangin. Habang pinagmamasdan ang paligid ay may nahagilap akong tao...estudyante sa isang shed na natatakpan na ng mga halaman. Bakit naman siya nandun? Iniwan ko ang bag ko sa shed at lumapit pa para makita yung estudyante. Mali ako, hindi siya estudyante kundi "mga" estudyante. Nang makalapit pa ako lalo ay laking gulat ko nang makita si Nina na nandoon. Kasama si Paul, Iya at Brent. Hindi lang siya basta naroon!
NAGHAHALIKAN SILA NI PAUL!!! Ganun din si Iya at Brent!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, lalo na nang makita ang kamay ni Paul na hinihimas ang kaliwang parte ng legs ng kaibigan ko, unti-unti niyang pinapasok ang kamay niya sa palda ni Nina.
Omg Aj!!!! Wag kang tumunganga! Do something!!!!
Halos sigawan ko na ang sarili ko pero di padin ako makakibo sa nakikita ko.
Pinilit ko ang sarili ko na gumalaw kahit na hindi ko man lang matikom ang nakanga nga kong bibig. Aalis na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko kasi ito sinilent para marinig ko ang text ni Chris.
Agad silang nagayos ng sarili nang marinig ang tunog. Ako naman ay bago pa nila makita ay tumakbo na palayo sa kanila. Binalikan ko ang bag ko at tumakbo na paalis ng mini park.
Nina, what happened to you? :(
Nalulungkot ako sobra sa nakita ko. Sana hindi ko nalang yun nakita nang hindi nagbago ang tingin ko sa kaibigan ko.
Nang hingal na makarating sa gate ay tiningnan ko ang cellphone ko, may text na si Chris.
Chris Lim :):
"Aj, I'm waiting for you sa tapat ng gate. Sorry kung natagalan ako."May lalaking hinawi ang cellphone ko pababa at iniangat ang mukha ko.
"Namumutla ka, did something happened to you?" Nagaalalang tanong ni Chris.
"Ah, w-wala Chris. T-tayo na? Gusto ko na umuwi." Sabi ko sabay lakad palabas ng school.
Tumapat kami sa isang two-doors na itim sasakyan. Hindi ko maappreciate ang ganda nito dahil tulala pa din ako. Iniisip kung anong nangyari sa kaibigan ko.
"Aj, are you okay?" Tanong ulit ni Chris nang makasakay kami sa kanyang sasakyan.
Umiling ako, "S-si Nina." Hinawakan niya ang kamay ko at bumuntong hininga ako.
"Si Nina kasi, nakita ko kanina sa mini park. May ka french kiss at parang hinihipuan pa siya." Sabi ko sabay pikit dahil sa kahihiyan, para sakin dahil sa pagkkuwento ng ganitong klaseng bagay at para sa kaibigan ko na ginawa ang ganung klaseng bagay.
"What's with that?" Nagtatakang tanong niya.
"Chris! Nakikipag halikan siya sa classmate namin plus sa loob pa ng campus! At hinihipuan pa siya! My goodness!!" Pasigaw kong sabi na halos maghisterya na ako sa kotse.
"Let her Aj. Nagkakamali man siya ngayon, for sure yun din ang dahilan kung bat matututo siya pagdating ng panahon." Di ako umimik sa sinabi niya, tama ba iyon? May point naman siya na matututo doon si Nina pero tama ba na pabayaan ko siya?
"And besides, di na kayo pabata Aj. You get curious about things and you try it yourself. Sooner or later, ikaw na yung nasa kalagayan ni Nina." Sabi niya sabay tawa.
Pinagsasapak ko siya at pinagbabato ng kahit na anong madampot ko sa loob ng sasakyan. Hindi magandang biro yun ah!
"Stop it Chris! Never noh! Bata pa ako! Kala ko naman tinutulungan mo ako!" Nakasimangot kong sinabi.
"Sakit nun ah!" Sabi niya habang hinihimas ang masakit na parte ng katawan niya. "Aj, tinutulungan naman kita ah.. Tinutulungan kitang mamulat sa reality, na sa panahon natin ngayon ay ganto na talaga ang mga kabataan. They try things kahit hindi appropriate sa age nila. Gusto mo tulungan din kitang itry yun ngayon eh?" Humagalpak na sya sa tawa. Ang kamay ko naman ay awtomatikong pinag sasapak siya.
"Iuwi mo nalang ako Chris bago pa magbago ang isip ko at magtaxi nalang pauwi." Sabi ko at inirapan siya.
Seryoso ako at hindi talaga ako natuwa sa mga nang yari. Pinaandar na ni Chris ang kotse, bago pa man kami tuluyang makaalis ay nakita ko si Nina na pumapara ng taxi. Hindi na niya kasama si Paul, si Iya o maski si Brent. Hindi ko na sinabi kay Chris na nakita ko si Nina para magpatuloy lang siya sa pagdrive.
Katahimikan ang bumalot sa buong byahe. Nabasag lang ito nang magtanong ako kay Chris.
"May experience ka na ba?" Nagulat siya sa tanong ko at agad tumawa nang malakas.
"Saan?" Ngisi niya saakin, "I mean saan kasi marami kang pwedeng maexperience di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa kiss? Sa touch? Batukan kita jan eh.. OA ng nasa utak mo ha!" Sabi ko at sabay kaming tumawa.
"Ahh, yun lang pala eh...Aj, Lumaki ako sa Hongkong, at gaya sa America liberated din ang community na tinirhan namin ni Mom. I was only in Grade four when I had my first kiss. Grade five when I had my first french kiss, with touch. And first year highschool when I lost my virginity." Paliwanag niya sabay tawa.
Wtf! Mas malala pa pala to! O.O
"Howcome ang galing mo magtagalog e dun ka pala lumaki?" Pagiiba ko sa usapan. Ayoko ng ganung topic, hindi ko mareach si Chris eh.
"Si mommy minulat na ako sa tagalog 3 years old palang ako kaya di na ako nahirapan." Sagot naman niya.
Buhay niya sa China ang topic namin hanggang sa makarating kami sa bahay.
"See you tomorrow then Aj! Wag mo masyadong isipin si Nina okay? And just act normal bukas." Tumango ako at kumaway na sa kanya.
"Take care Chris! Thank you sa lahat!" Kinindatan niya lang ako at saka umalis.
Maghahating gabi na pero di pa din ako makatulog, tama si Chris. Dapat wag kong isipin si Nina..at si Paul..at si Iya..at si Brent. Pero hindi talaga eh, lalo na pag naalala ko kung paano sila nag kiss. Nag french kiss. Hmmm.. 'French Kiss'.. What a word!
----------------------------------
☠ Read * Comment * Vote ☠
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...