Naging masaya kami ni mokong ko sa bawat araw na lumipas. Minsan tinatamad akong umalis at mas gusto kong makasama lang siya sa bahay kaya whole day movie marathon lang ang ginagawa namin. Magpapaluto kami ng popcorn kay ate Amy then isasama namin siyang manuod kapag gusto niya yung movie, ayaw niya kasi ng mga horror movies tsaka mga English movies kaya nanunuod din kami ng mga Tagalog movies para sa kanya."Good morning baby girl!" Ngiti sakin ni mokong nang makababa ako sa may sala. Nakasilip siya sa may kitchen at may hawak na plato. Sinusuklay ko pa yung magulo kong buhok gamit yung kamay ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Napanganga ako nang makita siyang nakasuot ng apron.
"Kain na tayo.." Ngiti niya habang inaayos yung lamesa, meron siyang nilutong bacon, hotdog and eggs. Tapos meron din siyang fried rice and fresh milk na nakaready na.
"A-asan si ate Amy?" Nagtataka kong tanong.
Pumunta siya sa likod ko at inalalayan akong makaupo sa may dining table.
"Pinag-off ko muna siya.. Ako munang magsisilbi sayo ngayon.." Sabi niya habang hinuhubad yung apron.
"Pinag-off mo yung maid namin? Wow, ibang klaseng bodyguard ka talaga.." Pangaasar ko sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo bang pagsilbihan kita?" Gumamit siya ng kaakit akit na boses at sabay lumapit sa lamesa at nilagay dun yung mga kamay niya.
"Hm.. Okay lang naman mister kaso baka hindi na namin ma-afford yung ibabayad namin sayo.." Sagot ko sa kanya.
"Kahit isang kiss lang naman okay na eh.." bulong niya.
"Ano?" Hindi ko napigilang ngumiti.
"Wala, ang sabi ko kumain na tayo." Ngiti niya.
"Okay.." Sabi ko saka tumingin sa ulam na hinanda niya.
"Sunog naman eh!!!" Natatawa kong sigaw nang habang inaangat yung kinuha kong bacon.
Nag-iwas siya ng tingin.
"I'm sorry.. First time ko kasi magluto.. Sinunuod ko lang naman yung instructions sa packaging niyan.. Ang sabi ifry for five minutes.." Nahihiya niyang paliwanag.
"Hmm.. Hindi mo binaliktad noh?" Natatawa kong tanong.
"No.." Sagot niya kaya agad akong tumawa.
"Gusto mo, magpadeliver nalang tayo?" Napakamot pa siya sa ulo.
"Wag na.. Masarap naman to eh.. Sunog nga lang.." Natatawa pa rin ako pero sinubukan ko pa rin siyang icheer up.
Nalaman ko rin na si ate Amy yung nagluto ng fried rice kaya masarap. Hindi ko tuloy mapigilang matawa kahit na nagcchange topic na kami.
Pagkatapos kong pagtiisan yung kalahating sunog at kalahating hilaw na mga ulam ay nilagok ko yung gatas na hinanda din niya.
"Grabe! This is the best breakfast ever!" Biro ko tapos nginitian ko siya.
Napansin kong nag-igting yung mga panga niya at nagiba din yung way ng pagtingin niya sakin.
"Siguro mamaya pa dadating si ate Amy.." Nakatingin lang siya sa sunog na ulam.
"Kanina mo pa kasi ako inaasar eh.." Dahan dahan siyang tumingin nanaman sakin.
Nilapit niya yung mukha niya sakin at saka binitawan yung hawak niya kutsara't tinidor.
"Teka, anong gagawin mo?!" Sabi ko.
Nagsmirk lang siya.
Tumayo ako pero tumayo din siya.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...