Maaga ako sa school dahil di rin naman ako halos nakatulog kagabi. Puyat na puyat ako at bangag pa din. Di ko alam kung paano ko haharapin si Nina. Kung dapat ko ba sabihin kay Cathy yung mga nakita ko. Bahala na nga, basta I have to act normal.
"Pangs!" Napatalon ako sa gulat nang kalabitin ako ni Nina.
Nasa pila na ako ngayon dahil meron nang nakatoka sa pag llead ng rosary.
"H-hi Nina" nanginginig ang boses ko pati buong katawan ko nang harapin ang nakangiting si Nina.
"Grabe eyebags mo ah? Stressed ka pangs?" Nagaalala niyang tanong.
Kung alam mo lang, sobrang stressed ako dahil sayo Nina!
"Ahh hindi noh, nag movie marathon lang kami ni dad kagabi kaya ako napuyat. Tsaka sa pagod na din siguro." Pagsisinungaling ko.
"Hi mga panget!" Sabi ng isang babae sa likod ko, si Cathy.
Buti nalang dumating nasiya. Mejo nabawasan na yung kaba ko.
"Nina, nakauwi ka ba ng maayos kahapon?" Aniya kay Nina.
"Kala ko sabay kayong umuwi?" Sabi ko, at umarteng wala akong alam sa nangyare.
"Sabi niya kasi susunduin daw siya ng driver nila eh kaya ayun nauna na ako umuwi" paliwanag ni Cathy.
"Nakauwi ako ng maayos mga panget, at sinundo ako ng driver namin. Kayo talaga." Sagot naman ni Nina.
Nagring na ang bell at umayos na kami sa pila. Isang hudyat kasi yun na mag sisimula na ang flag ceremony. Grabe magsinungaling si Nina, hindi ko inakala na kaya niyang gawin to samin, naiinis na ako sakanya.
Si Nina lang ang laman ng utak ko hanggang sa makaakyat kami ng room. Ni hindi ako sumabay sa kanila sa paglalakad. Wala talaga akong gana at ayoko siyang makausap. Nang makapasok sa room ay agad kong ipinatong nang patagilid ang aking ulo sa armchair ng upuan ko. Pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Naramdaman ko na may bumabato saakin ng papel mula sa likod. Wala pa din ang teacher namin kaya mejo magulo pa sa room, puro daldalan at kulitan. Napabangon ako nang naramdaman ko ulit ang pag bato saakin.
"What the? Sino ba yun?!" Sigaw ko sabay tingin sa likod, nakita kong naroon si Rick kasama si mokong. Nakangiting aso saakin si Rick at itinuro ang katabi niya.
"Trip moko noh?" Galit kong sinabi.
"Gusto ka makausap ni Rick." Walang ekpresyon ang muka niya nang sinabi niya iyon.
"Kung gusto niyo ako kausapin di niyo na ako kailangan batuhin." Sigaw ko sa kanila, nakangiti pa din si Rick, abnormal talaga.
"Sa basurahan ko yun binabato, sayo lang tumatama. Ka-look-a-like ka ata eh" sabi nya saka siya tumawa, agad siyang binatukan ni Rick.
Nag dirty finger ako sa kanila at inihiga ulit ang ulo ko sa armchair.
Ilang sandali pa ay pansin kong lumabas na si Rick at dumating na rin ang teacher namin. First time namin mam-meet ang T.L.E teacher namin na ito. Muka syang mabait at jolly, hay buti naman, napupurga na kasi ako sa mga terror na teachers.
Agad nagsiupo ang lahat at nanahimik. "Good morning class! I'm Ms. Simantra your T.L.E teacher." Bati niya saamin.
"Good morning Ms. Simantra!" Sagot namin sa kanya.
"First time ko kayong nameet today kaya di ko pa kayo mga kilala, High school students lang kasi ang hinahandle ko at tutal naman first year palang kayo, why don't you introduce yourselves in front of everyone?" Sabi niya nang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...