"I'm really sorry baby girl.. I hope you understand.." Malungkot na bungad sakin ni daddy ngayon umaga. Next week na sana yung flight namin papuntang Japan para dun mag bakasyon pero hindi matutuloy dahil meron daw silang importanteng gagawin sa Cebu."Bakit naman three weeks kayo dun dad?" Tanong ko.
"Malaking event kasi yun anak, plus aattend dun yung mga biggest clients namin ng mommy mo. Pagbalik namin babawi kami.. I promise.." Sabi niya pa sabay halik sa noo ko. Busy na sila ni mom sa pagempake kaya saglit lang siya nakapagpaliwanag.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa sala at buksan yung T.V. Hayy.. so ganito lang ako buong summer? -.-
"Meron pala kaming hinire na maid para may kasama ka dito sa bahay.." Sabi ni dad habang dumadaan daan sa sala. Tumatango tango naman ako para alam niyang nakikinig ako. Kahit naman okay lang eh may part parin sakin ang naiinis at nalulungkot.
"Tsaka bodyguard para may kasama ka kapag mag-mamall ka or kung aalis ka man.." Dagdag niya pa. Agad kong binaling yung tingin ko sa kanya.
"Bodyguard? Dad hindi ko na kailangan nun.." Paliwanag ko sa kanya.
"Gusto kong makampante Aj, habang wala kami. Wag ka nang pasaway Aj, okay?" Seryoso niya akong tiningnan.
Huminga ako ng malalim.
"Owwkay po.." Sabi ko sabay tutok uli sa T.V.
Bukod sa pagnuod ay pagiinternet lang ang ginawa ko buong araw, habang sila dad naman ay busy sa pag-prepare para sa pag-alis nila bukas.
Maghahapon na nang biglang may magdoorbell sa pinto. Dahil wala ako sa mood kumilos, si mom na yung nagbukas ng gate.
"Dad! Andito na yung maid.." Sigaw ni mom kaya nagmamadaling bumaba si dad.
Pumasok sila sa may sala kung nasaan ako saka sumunod si dad. Muka namang hindi galing ng probinsya yung babae dahil sa kakaunti lang yung dala niya, nasa mid 20s na siguro siya..hmm.. Muka namang mabait..
"Aj, this is Ate Amy.. Siya yung makakasama mo dito.." Sabi sakin ni dad.
Ngumiti ako saka nag wave.
"Amy, this is my Daughter.. Mabait yan kaya hindi ka mahihirapan dito." Ngiti ni dad.
Tumatango-tango lang si ate Amy, mukang nahihiya pa siya samin.
Inilibot siya ni dad sa buong bahay at tinuruan siya sa mga gagawin niya. Linis and luto lang naman kaya magaan lang.
"Sir, yung kasamahan ko po na bodyguard, bukas pa po ang dating dahil galing pa po ng probinsya." Narinig kong sabi ni ate Amy. Pero dahil bumalik na si dad sa pag-aayos ng gamit ay tumango nalang siya. Dumiretso na si ate Amy sa kwarto niya para makapag-ayos. Nagpadeliver naman na kami ng dinner kaya hindi na niya kailangan pang magluto ngayong gabi. Sinabay namin siyang kumain para mas lalo pa namin siyang makilala. Isa lang ang masasabi ko, mabait talaga siya.
***
Tangahali nako nagising kinabukasan. Sinadya ko dahil nagtatampo parin ako kila dad. Hindi ko na sila pinanood umalis at sa tingin ko hindi na rin nila ako ginising.. Nakita kong may note si dad sa may side table ng kama ko. Nagsorry siya sa note na yun at nagsabing mag-enjoy parin ako habang wala sila. Nilagay ko lang ulit sa gilid yung note saka tumayo at nag-shower. Nang matapos yun ay dumiretso na ako sa baba.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...