Summer Vacation Pt.2

2.3K 84 24
                                    

Mahigit tatlong oras lang ata yung tulog ko dahil sa nangyari kagabi.. Tapos kailangan pa namin gumising ng maaga dahil marami kaming activities na balak gawin..

Pagkagising namin nila pangs ay nagready na agad kami para makapag breakfast..

"Anong nangyari kagabi? Nakalimutan ko na.." Sabi ni Cathy habang humihikab pa.

"Nagselos si Rick kay Eron.." Biglang ngiti ni Nina habang nagsusuklay.

"Hoy hindi ah..marami lang nainom yun.." Sabat ko naman habang palabas ng banyo..

"Hindi nga pangs? Ah oo nga pala! Yung dun sa dare!" Sabi ni Cathy, kay Nina siya nakatingin..

Tumango si Nina at nakangiting aso.

"Bakit naman siya magseselos?" Nagtataka kong tanong. Patay malisya kunwari.

Nagulat si Nina nang makita ako.

"Pangs, ano ba yang suot mo? Rashguard nanaman?" Sabi niya saka siya lumapit.

Tumango ako,

"O-oo.. Bakit? May problema ba sa suot ko?" Tinaasan ko siya ng kilay,

"Nung namimili tayo halos mataranta ka kakapili ng two-piece tapos yan naman pala isusuot mo?"sabi niya then lumapit siya sa bag niya at may nilabas na damit.

"Oh, ito nalang isuot mo.." Ngiti niya sakin,

Nilabas niya yung boho-type swim suit na gaya din nung akin pero mas buo yung pang itaas, matatakpan na yung pusod at hindi na backless. Maliit na shorts naman yung pang ibaba.. Tapos meron ding pandoble na knitted sando pang itaas, para siyang net kaya kita padin yung swim suit ko.

Naalala ko tuloy yung pinagusapan namin ni mokong kagabi.. Ayoko siyang magalit sakin kapag nagsuot ako ng maiksi pero siguro naman pwede na tong nilabas ni Nina..

"Thanks pangs!" Ngiti ko sabay kuha sa mga damit.

"Pangs! Bakit nagseselos si Rick?!" Biglang sigaw ni Cathy na asa banyo, nagbibihis na rin siya.

"Hindi ba obvious? May gusto si Eron kay panget.." Biglang nagngiting aso si Nina.

Binato ko siya ng unan.

"Oh? Bakit??" Nakangiting sabi niya sakin.

"Tumigil ka nga pangs! San mo naman napulot yang imbento mo?!" Sabi ko sa kanya..

Nagmamadaling lumabas si Cathy sa banyo para makisali samin.

"Inobserve ko siya kagabi pangs.. Nakita ko kung paano ka niya tingnan.. Nakita ko kung paano siya magreact kapag inaakbayan or kinukulit ka ni Rick!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?! Omg!!!" Kinikilig na sabi ni Cathy.

"Tingnan? Seryoso kaba pangs? Hindi ako tinitingnan nun noh!" Sabi ko naman sa kanya.

"Syempre hindi siya nagpapahalata pangs! Magiiwas siya ng tingin kapag haharap kana sa kanya! Tsaka isa pa, ayaw din nun mapansin siya ni Rick!" Dagdag pa ni Nina.

"Hay nako pangs, sabihin mo na lahat ng gusto mo..basta walang gusto sakin si mok.. Este Eron.." Sabi ko saka nagsimulang mag-ipit ng buhok.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon