Horror movie ang napili nilang panoorin. Magkakatabi sila sa isang row at ako naman ay nasa likod na row nakaupo. Ang mga upuan kasi dito ay parang sa sinehan, pati ang ayos ng kwarto ay parang sinehan din.
Kinuha ko ang isang malaking bowl ng popcorn at isang bote ng juice tapos ay tamad na umupo sa upuan ko. Okay lang kahit alone ako, basta ayokong makasama yung dalawa pag may kasamang iba. Hawak ko pa din ang phone ko at patuloy padin sa pag n-net.
"Pangs keri mo ba jan magisa? Horror kaya to!" Tanong ni Nina nang magsimula na ang movie.
Oo nga noh, horror pala to.
Nag thumbs up nalang ako at di sya tiningnan. Kakayanin ko to, mag e-earphones nalang ako at makikinig ng music pag nakakatakot na.
Nilakasan ko ang sounds ng phone ko, pero mas malakas pa din ang sound effects ng movie, sa totoo lang kinikalibutan na ako.
Omg di ko ata keri to. :'(
Nakita kong nagtext si Chris kaya dun ko nalang itinuon ang atensyon ko.
Chris Lim :):
Thanks Aj! Can you be my tour guide tomorrow? Pinaalam na kita sa principal and sa adviser mo. ;)Ako:
Sure! But how did you?Chris Lim :):
I'll tell you tomorrow! I'm so excited to be with you again."Miss, ganyan ka ba pag nagbbonding kayo? May ibang ginagawa?" Biglang sabi ni mokong na nakalingon sakin mula sa kinauupuan niya.
"Oo, pero pagnandito ka lang." Sabay irap sa sakanya at tingin ulit sa cellphone.
Ako:
I'll wait for that! Me too :) umm, tomorrow nalang Chris ha? Nagmomovie date kasi kami ng mga friends ko.Chris Lim :):
Oh, sorry naistorbo kita. No problem! Take care :)"Paki silent naman yung phone na tumutunog" sigaw ni mokong.
Bwisit talaga to! Yung mga kaibigan ko nga walang pake at tutok na tutok sa movie eh!
"Whatever!" Sigaw ko pabalik at agad nya akong tiningnan ng masama. Kala naman nya matatakot ako sa kanya. Tse
Ako:
Di ka naman nakaistorbo Chris eh! Haha see you tom! Ingat ka din :)Tumunog muli ang phone ko at tumingin nanaman si mokong, nilabas ko lang ang dila ko at inirapan sya. Wahaha! >P
Chris Lim :):
See you then! Have a good night!Di ko na sya nireplyan para di na tumunog yung phone ko. Nakakahiya naman kay mokong eh diba? Di na din ako makatingin sa screen dahil sa takot.
Patuloy nalang tuloy ako sa pag n-net para malibang.
"Nina, samahan moko mag CR. Natatakot nako mismo sa bahay namin! Omg" sabi ni Cathy.
Agad namang tumayo ang nanginginig na din na si Nina.
"Sama ako!" Sabi ko ngunit umiling si Cathy at itinuro ng nguso
si mokong.Hay nako! Eh ano naman kung maiwan yan magisa dito? Thfck talaga.
Wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang pag I-IG ko. Sumilip ako saglit sa screen at saktong nakakagulat na part ang nasaksihan ko.
"Aaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!"
Sa sobrang gulat ay naitapon ko ang phone ko at natanggal sa tenga ko yung earphones ko. Buti nalang malambot yung sahig omg! Bumaluktot nalang ako sa pagkakaupo at ipinikit ang mga mata ko.
Nang maramdaman kong tahimik na at hindi na nakakatakot ang scene ay unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.
Nagulat ako nang makita si mokong na nakayuko sa harap ko, ang mukha nya ay tapat na tapat at sobrang lapit saking mukha, ang mga kamay naman nya ay nakahawak sa mag kabilang arm-rest ng upuan kaya nakakulong ako dito.
"Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?" Bulong nya saakin.
Ramdam na ramdam ko yung hininga nya sa aking balat. Mas kinilabutan pa ako sakanya kaysa sa movie.
"B-bwisit ka k-kase!" Nanginginig ang boses ko.
Tinulak ko sya nang bahagya kaya napaayos ang tayo niya at umayos din ako ng upo.
"Ano bang ginawa ko miss clumsy para magalit ka sakin ng ganyan?" Sabi niya sakin habang umuupo sa harap ko para pantayan ang lebel ng mga mata namin, mejo may katangkaran din kasi siya.
Umiling lang ako. Wala akong masabi, ano nga ba ang ginawa nya? Hay Aj!!! Magisip ka!
"Sana kung magsusungit ka, yung may dahilan." Tumayo sya at hinawakan ang ilong ko gamit ang hintuturo niya.
"Pero mas okay na rin siguro yun kasi, mas nagiging cute ka oag nagagalit." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko at pinulot ang nahulog kong phone, ibinigay niya yun sakin bago bumalik sa kanyang upuan.
Nang makauwi ako sa bahay ay tulala pa din ako. Pinagttripan ba ako ng mokong na yun? Maski nung naghiwalay kami kanina ay sobrang sama ng ngiti niya! Yung ngiting nangaakit at alam mong may masamang balak. Buti nalang bumalik agad sila Cathy kanina sa movie theatre. Kundi baka nagpalamon nalang ako sa kinauupuan ko.
"Baby girl, bat super late ka naman ng uwi?" Sabi ni daddy sabay yakap sakin.
"Sorry dad, napasarap yung bonding namin nila cathy." Sagot ko naman at sinuklian ang yakap niya.
"Let's eat, hinahanda na ng mommy mo yung table. Siya yung nagluto. Nagrequest ako. Buti pa sya lagi nandito for me, ikaw gumagala gala nanaman." Nakasimangot si daddy habang sinasabi yun.
"Dad talaga nagseselos nanaman. O sige po, I'll just change my clothes then I'll go down na agad." Tumango sya at agad akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Daddy's always like that whenever mauna syang umuwi sakin sa bahay. Always jealous and I love it! (⌒-⌒; )
----------------------------------
☠ Read * Comment * Vote ☠
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...