True Color

1.7K 94 25
                                    



Dumating ang araw mg biyernes, hirap na hirap kami ni Nina na takasan si Rick. Hindi na kasi makagawa ng way si Cathy para linlangin si Rick at maiwas siya sakin. Sobra daw siyang nahirapan dahil napaka-tigas ni Rick at kaya niyang ipagmalit yung mga school works makita lang ako. Nakiusap si Nina kay Cathy na gumawa ng paraan para sa araw na to. Makikipagkita kasi kami kay Chris para samahan siya sa ospital kung nasaan si tita.

Ilang minuto muna kaming tumambay sa CR ni Nina dahil pinapaniwala pa ni Cathy si Rick na umuwi na ako. After ng ilang sandali ay nagpasiya kami ni Nina na tumakbo nalang papunta sa parking lot.

Hingal na hingal naming nilapitan yung kotse ni Chris.

Lumabas si Chris sa kotse at agad kaming pinagbuksan ng pinto.

"Anong nangyari sainyo?" Nagaalala niyang tanong nang makaupo na rin siya sa loob.

"Nagmamadali na kasi kami, baka kasi kanina ka pa nagaantay Chris.." Hingal na sabi ni Nina.

Natawa ng bahagya si Chris.

"Gusto niyo ba ng maiinom? Bibili muna ako bago tayo umalis?" Ngiti niya samin.

"No need na Chris.. Puntahan na natin si Tita." Masayang sabi ni Nina.

"May water naman ako dito Chris.." Dagdag ko pa.

"Thank you for coming with me.." Ngiti ni Chris saka niya pinaandar yung kotse.

"At sayo din Nina kulit, thank you." Ngumiti si Chris.

"Of course, chinito Chris!" Pinisil ni Nina yung pisngi ni Chris kaya naman napainda si Chris sa sakit.

Hindi ko mapigilang kiligin sa dalawa. Natutuwa akong makita na nagkakasundo sila.

Ilang saglit pa ay pinark na ni Chris yung kotse niya sa parking lot ng St. Luke's Medical Center. Pumasa kami sa loob at hinahap ang room ng mama niya.

Pagpasok namin ay tulog si tita, hinahanda palang kasi yung mga gagamitin sa kanya kaya pinayagan siyang matulog ng nurse.

"Your mom is so beautiful.." Ngiti ni Nina kay Chris.

Agad naman lumapit si Chris kay Tita at hinalikan siya sa noo.

"Thank you.." Ngiti ni Chris kay Nina.

"Mama's boy ka siguro.." Lumapit si Nina kay Chris.

"I think so.. Wala naman kasi si papa para maging papa's boy ako." Biro ni Chris kaya agad nagpatawa Nina nang bahagya.

Inayos ko yung mga binili naming prutas.

"Hala nakalimutan ko.. Makikipagkita nga pala ako kay dad ngayon.." Hinarap ko yung naguusap na si Chris at Nina.

"Ngayon na talaga pangs?" Nagaalalang tanong ni Nina.

"Dapat kanina pa, nawala lang sa isip ko.. Naku nakakahiya naman.." Malungkot kong sagot.

"Maaga pa naman, ihahatid na kita kay tito." Lumapit sakin si Chris.

Agad akong umiling,

"Chris, wag na.. Ayokong iwanan mo si tita.. Magtataxi nalang ako.." Mariin kong sabi sa kanya.

"Are you sure?" Nagaalalang tanong niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Pacenxa na talaga ha?" Sabi ko sa kanya. Walang mintis kasi akong sumasama sa kanila ni tita tuwing treatment niya..ngayon lang ako hindi makakasama ng buo.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon