Naglakad lakad muna ako sa Venice Plaza, nag window shopping na din sa mga boutiques, tapos nung mapagod ako naisip kong mag coffee..
Hmmm.. Startbucks nalang siguro..
"Isang grande po ng caramel frappuccino, then isang slice ng banoffee pie." Hindi mawala yung ngiti nung lalake habang kinukuha yung order ko.
"Bakit po?" Tinanong ko na siya kasi nakakapangduda.
"Ay ah," hindi niya alam yung isasagot niya..
"Kanina pa po kasi kayo nakangiti sakin, ang ibig kong sabihin.. Iba po kasi yung ngiti niyo.." Masungit kong sabi, nagiba talaga yung mood ko.
"Ay, sorry po mam.. Ang ganda niyo lang po kasi." Nahihiya niyang sabi.
"Kuya highscool palang po ako, pero thank you na rin." Masungit ko nanamang sabi.
Mas lalong nahiya yung lalake tapos nagsorry siya, sabi niya hindi daw kasi halata sa itsura ko.. hindi ko nalang pinansin tapos inirapan ko pa siya.. Sa isip isip ko lang sana nagawa ko tong pagsusungit ko kanina kay sir Jay!! >(
Pagkakuha ko ng order ko ay naghanap ako ng couch para komportable yung pag-upo ko.. Kaso lahat occupied na.. pati ba naman yung may malapit na outlet occupied na din? Ugh badtrip talaga.
Nag hanap nalang ako ng ibang table, no choice eh. Ready na ang lahat, tapos nilabas ko na yung phone ko na 2% nalang ang battery dahil sa kakapicture ko sa mga bata kanina.. Itextext ko pa naman sila Nina na pumunta dito.. Inopen ko yung message.. tapos write new message.. Nagtype ako ng "pangs..punta kayo dito sa" Booom! Lowbat!!!:(
Walang akong nagawa kundi bumuntong hininga at ilapag yung fone ko sa lamesa at tinititigan ito habang nagsi-sip ng kape,
"Bakit ang sungit mo dun sa lalake?" Isang pamilyar na boses yung narinig ko..
Nakatayo siya sa harap ko tapos mejo nakayuko siya kasi yung dalawang kamay niya ay nakapatong sa table. Inangat ko yung mukha ko para makita kung sino yun..
"Akala ko pa naman sakin ka lang masungit." Sabi niya sabay smirk.
"Anong ginagawa mo dito? Stalker ka no?" Sabi ko kay mokong.
Natawa siya tapos tinuro niya yung couch kung saan siya nakaupo.
Yun din yung couch na una kong gusto kasi malapit sa outlet kaso siya pala yung nakaupo dun, hindi ko man lang napansin.. Nakasuot kasi siya ng cap...tinitigan ko siya... Bakit parang mas lalo siyang gumwapo? Nagmuka siyang bad boy sa cap na suot niya...Nagiwas ako ng tingin nang ibaling niya yung mga mata niya sakin.
"Nauna ako sayo dito, tapos nakita kong sinungitan mo yung lalake kanina." Sabi niya tapos umupo siya sa isang vacant chair sa tabi ko.
Nagpout ako tapos kinunot ko yung noo ko, hindi ko siya tiningnan.
"Eh ano naman? Dun ka na nga wala ako sa mood," masungit kong sagot.
"Dun ka sa tabi ko, tara." Yaya niya sakin.
"Ayoko nga bakit ko naman gagawin yun!? Mas gusto ko dito." Sabi ko with sungit voice pero nagsmirk lang siya tapos kinuha niya yung kape ko at yung food ko tapos nilipat sa table niya nang hindi nagpapaalam.
Nahulog pa yung fork ko dahil sa ginawa niya, tapos napatayo ako at nataranta pero hindi nako nakapalag kasi pinagtitinginan na kami nung ibang customers. Agad naman akong inabutan ng bagong fork nung isang server tapos nag thank you nalang ako..
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...