"Thanks dad!" Niyakap ko si dad pagkabigay niya sakin nung consent form na may pirma niya. Binigyan niya rin ako ng cash para bumili ng mga bagong gamit para sa Baguio trip ko."We're so proud of you anak.. Ang galing galing mo talaga.. Manang mana ka sakin.." Masayang sabi sakin ni dad.
"Yan ka nanaman dad! Oo na nga po!" Nginitian ko siya.
"Basta, don't forget to take pictures ha? Tsaka tatawag ka samin okay?" Hinawakan niya yung balikat ko.
"Dad, next week pa yun.. Ikaw talaga.." Sagot ko naman sa kanya.
"Nireremind ko lang yung nagiisa kong baby girl.. May lakad din kasi kami ng mom mo this weekend kaya mawawalan kami ng chance mahatid ka.." Biglang nalungkot si dad.
"Don't worry dad, naiintindihan ko po and promise tatawag ako lagi.." Ngumiti ako sa kanya.
Hinalikan niya ako sa noo at saka naman ako nagpaalam sa kanya. Bumaba ako ng kotse para makapasok na sa school.
***
Nang malapit na ang uwian ay naisip kong puntahan si ma'am Simantra para ibigay sa kanya yung consent form. Ayoko na kasing dumaan mamaya para diretso alis na ako.
Naglakad ako papunta sa T.L.E room dahil sigurado naman akong wala siyang klase ng mga ganitong oras.
Kumatok ako at binuksan yung pinto.
"Hi ma'am!" Bati ko sa kanya.
"Oh AJ, come here." Masaya naman niyang sabi sakin.
"Ma'am ibibigay ko lang po itong consent form.." Ngiti ko sa kanya habang inaabot yung papel.
"Good! Akala ko nakalimutan mo na.." Biro niya sakin. Friday na kasi ngayon and ilang araw na rin yung lumipas mula nung sinabi niya yung tungkol sa form.
"Sorry po ma'am, kakarating lang po kasi ng parents ko kahapon.." Paliwanag ko na agad naman niyang tinanggap.
Balak ko na sanang magpaalam para umalis kaso hindi ako mapakali.. Meron akong gustong itanong sa kanya..
Habang inaayos niya yung mga papeles na nasa table niya ay huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Ma'am.. Gusto niyo po bang iremind ko si Eron about sa consent form?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"No need na Aj.. Binigay na niya yung sakanya kahapon pa.." Nakangiti niyang sagot sakin.
Pumalakpak yung tenga ko sa narinig ko..
So, ibig sabihin.. Sure na sure na sasama siya!!! Omg!!!
"Okay po ma'am.. Sige po!" Ngiti ko sa kanya.
Tumango naman siya at ngumiti pabalik.
Masaya akong lumabas sa room ni ma'am Simantra at naglakad pabalik sa room. Nangingiti pa rin ako dahil naiisip kong mas excited pa sakin si mokong.
Nawala yung ngiti sa mukha ko nang bigla kong makasalubong si sir Jay. Nakatingin na siya sakin at seryoso yung mukha niya.
"Aj.. What are you doing out here? May klase kayo diba?" Seryoso niyang tanong sakin pagkatapos tingnan yung wrist watch niya.
"Um.. Pinuntahan ko lang po si ma'am Simantra.." Sagot ko sa kanya.
"Oh.. I see.. Kasali ka nga pala sa Baguio trip no? Sayang hindi ako kasama.." Ngiti niya.
Sa isip isip ko lang.. Buti naman hindi ka kasama!
"Come with me." Biglang sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Fiksi RemajaBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...