Unang araw ng klase ngayon kaya sobra sobra ang pagmamadali ko. Ginagawa ang mga bagay na simula ngayon ay halos araw-araw ko nanamang gagawin.
Ayokong malate kaya ilang minuto lang ang nakalipas ay handa na agad ako. Isinuot ko na ang aking itim na sapatos na mejo may mababang heels, ganoon din ang ginawa ko sa kulay brown ko na backpack na kakabili lang namin nung isang araw. Bagay na bagay ito sa aking kulay puting longsleeves na uniporme at black na palda na above the knee ang sukat.
Sa totoo lang ay lahat ng gamit ko ay bago, mula sa lapis at ballpen hanggang sa mga baunan at kung ano-anu pa ay bago, ganun naman talaga ang ritwal ng mga estudyante diba? Kailangan lahat bago para may dating. Gaya nga ng sabi sa kanta, 'First day of school, dapat cool na cool.'
Lahat ng gamit ko ay pandalaga kasi ngayong school yeat nato, Highschool na ako. Excited ako, oo pero mejo kinakabahan ako parin ako. Pero go lang dahil kaya ko to! No.. Kayang-kaya ko to!!
Sumakay ako sa itim na BMW na nakaparada sa harap ng gate namin, not so much big gate pero kasya naman ang dalawang tao kahit sabay lumabas o pumasok.
Nakita ko si daddy na panay ang kaway sakin sa loob. Pinag mamadali na nya ako. Tiningnan ko ang Gold Aldo na wrist watch ko at nagulat nang makita ang oras! Naku! Malalate na ako! Unang klase pa naman, nakakahiya dahil baka may mga new students na makakita saakin. Isa panaman ako sa mga student council sa school at hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa mga estudyanteng ginagawang modelo sa school.
Nang maisara ko ang pintuan ng sasakyan ay hinawi ko ang aking itim na buhok na mejo may kulot sa dulo at inilagay ito sa isang gilid at sinabit sa aking kaliwang tainga ang mga takas na buhok.
"Ikaw talaga AJ, unang araw palang ng klase mo ay late ka na." Sabi ni daddy at agad nang pinaandar ang sasakyan.
"Dad naman, di pa nasanay.." Sagot ko habang niyayakap ang kanang braso niya, nagp-puppy face ako.
"Kailangan mo nang baguhin yan anak. Baka may magccrush sayo doon ay maturn-off bigla dahil lagi kang late!" Aniya habang may pangaasar na ngiti sa mga labi. "
Wow dad! Kahit naman lagi akong late marami pading nagccrush sakin noh! Anak mo yata to! Namana ko ang alindog mo!" Natatawa kong sagot kay daddy na tumatawa na din ngayon pero patuloy pa din sa pagddrive.
Ganyan talaga kaming mag-ama, simula pa nuon ay sobrang close na kami sa isa't-isa. Ganun din naman kami ni mommy ngunit masasabi ko talaga na daddy's girl ako.
Mabilis ang pagmaneho ni daddy, eksaktong pagkarating namin sa parking lot ng school ay nagsisimula palang pumila ang mga estudyante sa grounds para sa flag ceremony.
"O, ayan ha? Di na sila matturn-off. Galing talaga ng daddy mo noh?" Pabiro nyang sinabi sakin habang tinutulungan ako makababa ng sasakyan.
"Hay, osige na nga po dad! Suko na ako." Tamad na sagot ko ngunit may pang aasar na ngisi.
"Mag-aral mabuti baby girl ha? At mamaya susunduin kita. May gagawin tayo." Sinabi nya saakin at hinalikan na akong bahagya bilang paalam.
"Yes dad! I love you pogi!" Tumatawa ako habang naglalakad na papasok ng gate.
Mejo malakas ang pagkakasabi ko nun kaya nagtinginan saakin ang mga kasabayan kong estudyante papasok ng gate. Wala naman sakin iyon dahil proud talaga ako sa daddy ko.
Pagkapasok ko palang ay agad ko nang nakita ang mga bffs ko, nakapila na sila. Elementary palang kami ay super close friends ko ma sila, I can say na they are the best! Sana talaga maging magkaklase kaming lahat. Natatawa na nga lang ako dahil nung graduation namin ay grabe ang kanilang iyak na para bang hindi na kami magkikita, parang nung isang araw lang nakasama ko pa sila sa mall mamili ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...