Sa takot na mahila ni mokong palabas ng bahay ay inagahan ko na yung gising ko.. Mga 7:30 siguro gising nako tapos nagmuni muni muna ako sa kwarto, nag internet then namalayan ko 8:30 na pala.. Ang bilis naman ng oras!! >.<
Kaya ang nangyari ay 15 minutes ligo, 15 minutes ayos and bihis tapos alis na agad ng bahay. Naka sweat pants ako ngayon tsaka tshirt, pano ba naman kasi nagalit si mokong kahapon. Dapat daw wag ganun kaiksi yung suot ko kundi ay hindi ako makakapasok ng bahay nila.. Nainis ako nung una pero narealize kong concerned lang siya sakin kaya napangiti lang tuloy ako..ang sarap lang kasi sa pakiramdam na ganun siya..
Maaga ding umalis sila dad para umattend ng business meetings nila. Kaya safe akong makakalabas ng bahay. Nagpaalam naman ako kaya wala akong nararamdamang guilt. Don't worry!. :)
Saktong 9 ako nakalabas ng gate, nagmamadali kong nilock yung gate kaso ayaw makisama nung padlock, ang tigas.
"Late ka nanaman." Narinig kong sabi ng lalake na nakatayo sa may likod ko banda. Hinarap ko siya agad.
"Anong ginagawa mo dito? Maaga pa ah?" Nakangiti kong sabi kay mokong.
"9:05 na, diba sabi ko 9 am asa bahay kana or else hihilahin kita papunta sakin?" Nakasmirk niyang sabi sakin tapos nakataas pa yung kilay niya.
"Daya naman, 5 minutes lang naman akong late ah?" Paliwanag ko sa kanya.
"That's still late." Sagot niya sabay hila sakin palapit sa kanya.
Literal na hila pala talaga yung gagawin niya. Nagulat ako sa nangyari kaya napapikit ako. Pagmulat ko ay nakasandal nako sa matipunong dibdib niya tapos may tatlong pirasong tulips siyang hawak sa harap ko.
"Sabi ko sayo hihilahin kita papunta sakin eh.. Good morning baby girl." Nakasmirk niyang sabi sakin.
Tiningnan ko siya ng masama pero after nun ay nginitian ko din siya.. Nakakakilig kasi.. :3
"Good morning din.." Nakangiti kong sabi tapos binigay na niya sakin yung tulips.
"Bakit naman tulips?" Gusto kong malaman kung alam niya ba na favorite ko tong flowers nato.
"A-ah.. Basta.. Wala.." Nauutal niyang sagot sakin.
"Dali na kasi!" Sigaw ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya..
"Remember nung may nagiwan ng tulips sa desk mo dati? Nakita kong tuwang tuwa ka nun kaya naisip ko na baka gusto mo ng tulips..kaso.. Hindi yun sakin galing kaya tinapon ko.." Nahihiya niyang sagot sakin.
Binigyan ko siya ng mapangasar na ngiti,
"Ahhh, so nun palang nagseselos kana?" Sabi ko sa kanya.
"H-hindi ah.." Namula yung pisngi niya.
Hindi pa rin nawala yung mapangasar kong ngiti.
"Owwwkay.." Sabi ko habang tumango tango.
Tinalikuran niya ako tapos naglakad siya,
"Mokong san ka pupunta?!" Sigaw ko habang hinahabol siya.
"What did you call me???" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Handsome.." Pagsisinungaling ko.
Ngumiti siya. Tapos parang may ginalaw siya sa bulsa niya..
"Ulitin mo nga.. And pakitagalog na din." Sabi niya sakin..
"Aba sumusobra ka naman. Ayoko nga baka maniwala ka na eh." Biro ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...