"Aj, pinapatawag kayo ni ma'am Simantra." Lumapit sakin yung isa kong kaklase."Ngayon na?" Tanong ko sa kanya. Magsisimula na kasi yung susunod na klase namin.
"Oo daw eh." Sabi niya saka niya ako tinalikuran.
Agad akong naglakad palabas para puntahan si ma'am Simantra. Nakakailang hakbang palang ako ay naramdaman kong may nakasunod sakin. Agad akong lumingon para tingnan kung sino ito.
Napatigil siya sa paglalakad, ganun din ako.
"Where are you going?" Tinaasan ko ng kilay si mokong.
Tumawa siya ng bahagya.
"I'm going with you." Ngiti niya sakin.
"Huh? Bumalik ka na nga sa room, baka mapagalitan pa ako kapag nalaman nilang hinahayaan kong may pagalagalang estudyante galing sa section natin." Masungit kong paliwanag sa kanya.
Naiinis kasi ako dahil binigyan niya ng gift si Rosella. Bwisit!!! Si Rosella naman tuwang tuwa kala mo anghel na sinipa papunta dito sa lupa.
"Okay miss president. Pero I just want to tell you that pinapatawag din ako ni ma'am Simantra." Ngisi niya sakin.
"Ni ma'am Simantra?" Tanong ko sa kanya?
"Uhuh" ngiti niya sakin.
"O-okay.." Sabi ko saka tumalikod at nagsimula maglakad. Kailangan kong itago ang namumula kong mukha dahil sa hiya.
"Umalis ka kasi agad eh.. Hinanap ka nga ni Gilbert para sabay tayo." Si Gilbert yung nagsabi sakin na hinahanap ako ni ma'am..
Pilit kong inalala yung sinabi niya kanina.. Ahh oo nga pala, sinabi ni Gilbert na pinapatawag 'kayo' ni ma'am Simantra. -.-
Hindi ko na siya sinagot, napahiya na ako once, wag na natin ulitin pa.
Ako yung kumatok sa TLE room kung nasaan si ma'am, nauna din akong pumasok.
"Good afternoon ma'am!" Ngiti ko sa kanya. Binati din siya ni mokong.
"Mabuti naman andito na kayo, hindi ko na maantay sabihin sainyo yung magandang balita.." Ngiti niya samin.
Agad kumunot yung noo ko.
"Ano po yun ma'am?" Tanong ko sa kanya.
"I'm not sure kung masusurprise pa kayo kasi alam ko naman na alam niyong maganda yung project niyo.." Ngumiti siya.
Project? Anong project?
"Yung dress na ginawa niyo ay ang napili ng school para ipresent sa Philippine Fahion Fiesta!" Masayang balita niya samin.
Omg!!! oo nga pala! Ang tagal na kasi nun kaya nalimutan ko na..
"Philippine Fashion Fiesta po ma'am?" Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko. :'>
"Yes Aj! Gaganapin yun sa Baguio. Magbibigay ako ng letter sainyo para sa guardian niyo okay? Tapos mag fifill-up sila ng consent form because that event will be 3 days and 2 nights, kaya magready kayo." Ngiti niya pa.
Masaya akong tumango bilang pagsangayon. Nawala na din sa isip ko na katabi ko pala si mokong.
"Dahil may class pa kayo, magmeet nalang uli tayo paguwian niyo na ha?" Ngiti niya samin.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...