Totoo nga yung sinabi ni Chris. Ginawa niya ang lahat para mapasaya ako ng sobra. Tulips, sweet texts, love letters, surprises at kung ano-ano pang gimik na maisip niya ay ginagawa niya. Iniisip ko na nga kung paano niya nahahati yung oras niya dahil nagagawa niya yun dalhin sa bahay namin halos araw araw. Nangako kasi siya kay dad na sa bahay siya manliligaw at hindi sa school.Ako rin yung palaging sumasama sa kanya kapag may treatment si tita. Hindi ko siya hinahayaang umalis mag-isa and sobrang thankful siya sa ginagawa ko.
-
"Hi!" Ngiti ni Chris, nakatayo siya sa may pintuan ng room namin. Kasama ko si Nina sa room at kumakain kami, sakto naman na kakalis lang ni Rick dahil nagpasama si Rosella sa kanya para puntahan si mokong na nagba-basketball sa gym.
"Chris!" Ngiti ko saka ako lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, hindi ko napansin na nadala ko pala yung burger na kinakain ko.
"Namimiss na kasi kita.." Malambing niyang sabi sakin.
"Sinundo mo na nga ako kanina sa bahay tapos miss mo na ako agad?! Magpahinga ka naman po mister.." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Paano ako magpapahinga kung malayo sakin yung lakas ko?" Nagsmirk siya. Agad ko siyang hinampas sa braso.
"Ikaw talaga Chris.. Seryoso ako!" Sabi ko sa kanya.
"Okay pero may isa akong request.." Nagsmirk siya uli kaya nagkunot ako ng ulo.
"Isa lang ha!" Tinaasan ko siya ng kilay.
Bigla ba naman siyang nagpout at parang nanghihingi ng kiss!
"Chris!!" Saway ko sa kanya pero lumapit pa siya sakin.
Bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin kaya napapikit ako.
Pagmulat ko ay nakita ko siyang nakangiti habang ngumunguya. Saka ko inangat yung burger ko na kinagatan pala niya.
Nagpout ako.
"Palitan mo yan Chris..Bitin na sakin yan.." Malungkot at pacute kong sinabi sa kanya.
Agad naman siyang tumawa at pinisil yung cheeks ko.
"Later, let's eat burger together after class.." Makangiti niyang sabi sakin.
Nagsmirk ako tapos nagirap sa hangin saka tumawa.
Doon ko lang napagtanto na marami na palang usisero't usisera sa paligid.
"See you later Chris.." Ngiti ko sa kanya.
"Can't wait for later.." Ngiti naman niya saka siya naglakad palayo sakin. May mga nagaantay pala sa kanyang mga kaibigan niya nakamasid lang samin. Nang makalapit si Chris sa kanila ay parang kinantyawan siya ng mga ito. Masaya ako dahil abot tenga yung ngiti ni Chris.
Nagwave pa ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa room.
"Para san naman yun pangs?" Nakataas yung kilay sakin ni Nina.
"Wala ah.." Sabi ko saka nagiwas ng tingin sa kanya at kumagat sa burger.
"I can smell something fishy pangs ah!" Mataray niyang sabi sakin.
Tinawanan ko siya at saka kumagat uli sa burger ko.
"Guys!! Pwede daw manuod ng laban, tune-up game ng mga varsity sa ibang school. Tara!!" Sigaw nung isa naming kklase, hingal na hingal pa dahil mukang galing siya sa gym.
"Ano pangs nuod tayo?" Ngiti sakin ni Nina.
"Hmm.. Sige na nga.." Sabi ko naman sakanya saka niya ako hinila palabas.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...