Baguio Pt.1

2.2K 107 34
                                    



6 a.m. nang pumarada yung bus na sinasakyan namin sa tapat ng isang hotel. Pagkababa namin ay agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot maski sa makapal kong jacket. Masayang kaming lahat kahit na bagong gising at puyat.

Pumasok kami sa loob ng hotel saka nag antay sa lobby. Sila ma'am Simantra lang yung nakipagusap sa receptionist samantalang kaming mga estudyante naman ay nakaupo lang. Napapahikab pa ako dahil sa antok.

"Hi kuya! Pwedeng malaman name mo?" Kinikilig na sabi nung isang estudyante, tumayo talaga sila nung kasama niya at pumunta kay mokong na katabi ko.

"Hindi pwede!" Nawala ata yung antok ko. "Bumalik na kayo sa upuan niyo kundi irereport ko kayo kay ma'am!" Dagdag ko pa. Alam ko kasing mas bata sakin yung mga yun, elementary siguro, kaya nagagawa ko silang pagalitan.

"Ay..sungit naman.." Bulong nung isa niyang kasama pero agad naman silang bumalik sa upuan nila.

"Why did you do that?" Nakangiting tanong ni mokong.

"Mga babae sila.. Hindi sila dapat ang nag-aapproach sa lalake.." Inirapan ko si mokong.

"They're just kids!" Ngiti niya pa sakin.

"I don't care. Age doesn't matter." Mariin kong sabi sa kanya.

Tumawa siya ng bahagya.

"Are you jealous?" Nagsmirk siya sakin.

"Maybe yes? Maybe no.." Nagsmirk din ako sa kanya.

Ilang saglit pa ay lumapit na samin si ma'am Simantra, may dala-dala siyang mga susi.

"Okay guys, sa bawat room three lang ang pwedeng magkakasama. Here's the list kung sino yung magiging karoommates niyo, after niyong makita ay pwede na kayong umakyat sa mga rooms niyo. Always remember na nasa 3rd floor kaming mga teachers dahil naoccupy niyo na lahat ng rooms sa 4th floor." Paliwanag niya samin.

Isa-isa naming tiningnan yung listahan. Nakita kong si Zoey at Gretchen ang karoommate ko, parehas 4th year students.

"I'm going to call you okay?" Binulong sakin ni mokong saka siya sumama sa mga karoommate niya. Nauna silang umakyat.

"Um.. Ate Zoey??" Nahihiya kong tanong sa mga babae na nakapaligid sakin.

"Ohh! You're Aurora!" May ngumiti saking isang babae tapos lumapit din yung isa.

"I'm Zoey." Ngiti niya.

"Ako naman si Gretchen, Chen nalang for short." Ngiti naman nung isa.

"Hi! Aj nalang po itawag niyo sakin." Ngiti ko naman sa kanila.

"Wow, you're so pretty.. Turuan mo naman kami ng mga beauty secrets mo sa room natin.." Masaya nilang sabi saka kami sabay sabay na naglakad papunta sa room namin.

Tinandaan kong maigi kung saan yung room nila mokong, nakalagay 408. Yung samin naman ay 404 kaya sana hindi naman gaanong magkalayo yung room namin.

Hindi gaanong kalakihan yung hotel na ito kaya hindi nako nagexpect na malaki yung magiging room namin. Sakto lang for three persons, may tatlong kama, may flatscreen TV na nakasabit sa wall, meron din namang maliit na kitchen then may isang CR at balcony.

Masayang pumasok yung dalawa sa loob ng kwarto namin, ako naman nagtangkang hanapin kung saan yung 408.. Nilibot ko yung mata ko sa hallway pero wala akong nakita.. Wait.. 406, 407...408!!!

Katapat lang namin yung kwarto nila!!

Agad gumuhit ang ngiti saking mga labi, saka ako pumasok sa kwarto para makapagpahinga. Nilibot ko muna yung buong kwarto bago umupo sa kama. Sumilip muna ako sa balcony saka napa-wow sa nakita ko.. Napaka ganda ng Baguio.. Sobrang natutuwa ako dahil nandito ako ngayon.. Lumanghap ako ng sariwang hangin saka pumasok sa loob.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon