Status

2.4K 51 0
                                    

Nang makarating ako sa garden nila ay nakita ko agad si Nina na nakaupo sa duyan nila doon, ito yung klase ng duyan na gawa sa water lily kaya matibay talaga, tapos hugis upuan pa kaya napakakumportable pag ikaw ay uupo dito. Nakita ko ring nakangiti siya sa lalaking nakatalikod saakin.

"Nina!" Tawag ko para mapansin niya na naroon ako.

Nagulat siya nang makita ako, tinakpan niya pa ang bibig niya dahil napanganga siya nang makita ako.

"Aj? A-anong ginagawa mo dito pangs?" Tanong niya saakin at agad siyang tumayo upang yakapin ako.

Di ko muna siya sinagot, tinuon ko ang pansin ko sa lalaking patalikod na nakaupo sa harap ko. Inaabangan ko ang paglingon niya, at hinahanda ang mga mura na ibabato sa kanya.

Parang bumagal ang oras habang lumilingon ang lalaki. Nalaglag ang panga ko nang makita ko na ang kabuuang mukha niya...Mali ako, hindi si Paul ang bisita niya. Kundi si mokong, si Eron Alford. Agad kong ginising ang sarili at hinarap si Nina.

"Pangs! Ah, n-namiss kasi kita eh, kaya a-ako nandito, di ko naman alam na may bisita ka pala" sabi ko at ngumiti kahit na nahihiya ako sa kanilang dalawa. Mukang wrong timing ako eh.

"Ah, sweet mo talaga pangs! Tara pangs upo ka muna." Sabi niya saakin.

Nagpatianod nalang ako kay Nina at umupo. Bakit nandito si mokong? Anong namamagitan sakanila ni Nina? Nalason na ba nang tuluyuan ang utak ng bestfriend kong ito?? Pero paano si Paul?! Sumasakit nanaman ang utak ko sa mga iniisip ko!

"Aj, kamusta naman pag-uusap niyo ni Rick?" Biglang tanong ng mokong saakin.

"What pangs?! Nag-usap kayo ni Rick? Ikaw ha!" Gulat naman na dagdag ni Nina.

"Wala naman akong balak kausapin yun pangs noh! Sila lang ang lumapit saakin. Peste kasi si Shane. Pero gulat nga ako pangs eh, nagsalita siya nung kaming dalawa nalang naiwan sa field." Sabi ko sabay tawa.

"Edi nagusap nga kayo, sinisi mo pa si Shane." Sabi naman ni mokong. Inirapan ko nalang siya at bumaling kay Nina.

"Ano sinabi niya sayo pangs?" Tanong niya saakin.

"Umm.. Ayun, sabi niya na gusto niya padin daw ako." Napatalon si Nina sa sinabi ko,

"Omg! Paaaangs! This is it!! Bakit di mo siya sagutin?" Tuwang tuwa na sinabi niya.

"Babatukan kita jan Nina. Pwede ba ayoko sa kahit na sino noh! Lalo na dun sa epileptic nayun!" Sabi ko at pasimpleng tiningnan si mokong, ang sama ng tingin niya saakin pero nakangisi siya. Bakit kaya sobrang weird na rin niya?

"Sus kunwari ka pa diyan, samantalang dati patay na patay ka sakanya." Pangaasar ni Nina.

"At kailan naman yun? Ha? Siya lang naman yung nagkakandarapa sakin non eh." Sabi ko sabay irap sa kanilang dalawa, omg ang yabang ko, hihih.

"Whatever pangs, basta alam ko pa din ang totoo." Sabi naman ni Nina sabay tawa.

Mula non ay sila na ni mokong ang nagusap, sumisingit nalang ako minsan para di niya naman isipin na naO-OP ako. Ang gwapo talaga ni mokong, lalo na pag nagtatawanan sila ni Nina. Pero sa totoo lang, di ko pa din makita yung tawa niya pag inaasar niya ako, kakaiba talaga yung tawa na yun, parang sobrang saya niya..Pero ano naman, hay forget it Aj. Isipin mo nalang kung paano ka makakatsempo kay Nina para makausap mo siya. Pero...mukang mali talaga timing ko eh. Next time na nga lang. U_U

"Eron, pangs, kuha lang ako ng food sa kitchen ha? Ayokong magutom kayo." Sabi ni Nina sabay paalam papuntang kitchen.

Susunod sana ako sa kanya para tulungan siya pero naisip ko na kausapin muna si mokong.

"Anong balak mo sa kaibigan ko?" Diretchong tanong ko sa kanya.

Nagigting ang mga panga niya at tinignan ako ng sobrang lalim, parang pumapasok sa kaluluwa ko yung tingin niya.

"Gusto ko siyang makilala pa lalo." Tamad na sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin.

"Kung yan ang inutos sayo nila Shane, itigil mo na yan dahil hi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo at nagsalita.

"Walang nagutos sakin Aj. Gusto kong makilala si Nina kaya knock it off."
Utos niya saakin.

Ang bigat ng naramdaman ko nung sinabi niya iyon, parang ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso nang ganito.. Napaawang lang ang bibig ko, kung ganun ay gusto niya nga si Nina. Wala naman siguro akong karapatan husgahan siya kaya sige, pagbibigyan ko siya ngayon.

"Mabuti kung ganun, wag mo lang sana siyang sasaktan." Sabi ko sabay alis. Pupuntahan ko nalang si Nina sa kitchen, tutulungan ko siya magayos ng pagkain sabay magpapaalam na din ako na uuwi na ako.

Nang makarating sa kusina nila ay nakita ko si Nina na inaayos ang Baked Mac sa isang bowl,

"Pangs tulungan na kita." Sabi ko sabay ayos ng iba pang pagkaing hindi niya pa nahahanda.

"Pano naman si Cathy pangs? Di ba gusto niya din si Eron?" Sabi ko habang pinagpapatuloy ang pagaayos.

"Pangs, never naman kami magaaway sa iisang lalaki.. At isa pa hindi ko naman alam kung gusto ba ako ni Eron pangs eh.. Dumaan lang naman siya ngayon dito.." sabi niya sabay tawa.

"Basta walang magaaway ha? Magaganda tayo kaya No fighting sa iisang lalaki." Sabi ko sakanya at ngumiti.

"Oo naman pangs." Sagot niya saakin.

Pinagpatuloy namin ang pagaayos, pati ang roast chicken ay nahiwa na din namin. Mga prutas nalang ang hinihiwa ko nang bilang tumunog ang phone ko. Nagtext yata si Chris dahil yun ang pangako niya saakin. Na pag nakarating na siya sa business meeting nila ay ittext niya ako.

Nang dukutin ko ang phone ko sa bulsa para basahin ang message ay napatingin ako kay Nina. Kumabog ang dibdib ko dahil sa nakita kong reaksyon sa mukha niya. Takot na takot siya at gulat na gulat.

"P-pangs, i-ikaw yung nakakita saamin s-sa mini park?" Nanginginig na tanong niya saakin. Nagulat ako sa sinabi niya, paanong...? Ni nalimutan ko na nga na yun ang pakay ko sa pagpunta dito e.

Tinuro niya yung phone ko at doon ko lang napagtanto na tumunog nga pala ang cellphone ko nang pagkalakas lakas bago pa ako makalayo sa kanila noon.

Unti-unti akong tumango, nakita kong bumuhos ang luha niya at saka yumakap saakin ng mahigpit.

"Pangs, s-sorry sa ginawa ko." Iyak niya saakin. Wala na akong nasabi, ang tanging nagawa ko lang ay patahanin siya.

Nang mahimasmasan siya ay saka na ulit kami nag-usap.

"Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry saakin pangs eh, ang gusto ko lang matuto ka dun sa ginawa mo kasi mali yun." Paliwanag ko sa kanya.

"Pangs sobrang mali talaga, nahihiya ako sa ginawa ko lalo na ikaw pa yung nakakita nun. Pangs sana walang magbago please." Pagmamakaawa niya saakin.

"Pangs kaibigan mo ako, at hindi yun magbabago dahil sa isang pagkakamali mo lang, wala namang perpekto di ba." Sabi ko sabay niyakap siya.

"Thank you Pangs ha? Ang swerte ko talaga kasi kayo yung best friends ko." Sabi niya sabay niyakap din ako nang mahigpit.

"So ano kayo ni Paul? Pano naman yan si Eron?" Tanong ko sa kanya.

"Pangs hinamon lang naman ako ni Iya non eh kaya ko nagawa yun. Nabwisit ako sa kanya kasi ang yabang yabang niya, kala niya ang ganda niya." Galit niyang paliwanag.

"Pangs wag mong binababa yung lebel mo kay Iya, alam mo namang bitchera yun eh, inborn na ang kalandian nun, 'girlfriend nga siya ng bayan' di ba?" Sabi ko kay Nina sabay haplos sa likod niya.

"Wag mo na ulitin yun ha? Pagniyabangan ka ni Iya, kami ni Cathy ang tawagin mo wag si Paul." Dagdag ko pa. Tumango naman siya at ngumiti.

"O, ano na status niyo ni Paul?" Tanong ko ulit sa kanya. "Ahhh, uhmmm.. Pangs.." Umiling iling si Nina.. Sabay ngiting aso.. Hindi ko siya magets. (・・?)

----------------------------------

Read * Comment * Vote

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon