Natapos ang klase na hindi ko gaano pinapansin sila Nina. Ganun din saakin si "Eron" natatawa talaga ako pag binabanggit ang pangalan niya. Wala daw siya sa mood, nakakapanibago pero mas mabuti siguro yun.
"Pangs kanina ka pa tahimik ah? May problema ka ba?" tanong ni Cathy saakin, nasa tabi naman niya si Nina. Ako naman ay umiling lang at patuloy na nag-ayos ng bag ko.
"Wala mga panget, pagod lang to. Nga pala si Chris kasabay ko umuwi ha?" Sabi ko sa kanila.
Hindi naman talaga kami sabay ni Chris, ittext ko nalang siya mamaya na sasabay ako sa kanya.
"Osige pangs ha, alis na kami ni Nina." Paalam sakin ni Cathy.
"Mag ingat kayo ha? Tsaka diretso sa bahay mga panget." Sabi ko sabay beso sa kanila. Tumango sila at ngumiti.
Sabay naman kami na pumunta sa may gate ng school. Si Cathy ay panay ang daldal ngunit si Nina naman ay tahimik na din. Nakakaramdam na kaya siya sa alam ko? Bahala na. Mas okay din naman kung alam na niya na may alam ako, atleast di na ako magssuffer itago yun sa sarili ko.
Pinanood ko kung paano umalis ang sasakyan nila Cathy. Buti naman at sumabay na talaga si Nina sa kanya, kampante na ako.
Ittext ko nga pala si Chris na sasabay ako sa kanya pauwi.
Ako:
Hey Chris! Sabay ako sayo pauwi? Okay lang? :)Agad namang nagreply si Chris.
Chris Lim :):
That would be great Aj! Wait for me sa gate ha? Take care!Umupo ako sa bench sa tapat ng field, dito ko nalang siya aantayin. Maya maya pa ang uwian niya dahil third year student na siya.
Ilang saglit pa ay nakita ko ang grupo nila Shane na papalapit saakin. Gusto ko sanang tumakbo pero baka isipin naman nila baliw ako. Naestatwa nalang tuloy ako sa pwesto ko. Hay naman.
"Hi Aj! Bat ka naman nagiisa dito?" Tanong ni Shane.
"May inaantay kasi ako eh, tsaka umuwi na sila Cathy." Tamad na sagot ko.
"Rick samahan mo muna si Aj! Wala ka talaga eh!" Ani ni Jeron sabay tulak kay Rick palapit saakin. Abnormal talaga tong isang to, grabe na ang ngisi. Pogi sana kaso daig pa ang epileptic patient kung kiligin.
Habang nilalapit nila sakin si Rick ay nakita ko si Paul na tumatawa lang sa mga nangyayari. Sumama tuloy ang aura ng mukha ko.
Gago to! Ano kayang pinakain niya sa best friend ko!?
Gusto ko na siya komprontahin pero matalino akong tao, hindi tama kung gagawin ko yun agad, dapat kausapin ko muna si Nina. Kaya sa utak ko nalang siya sinasaktan.
Nang mapilit nila si Rick na umupo sa tabi ko ay isa-isang nag alisan na ang grupo nila Shane.
"O Bro! Alam mo na ah!" Sabi ni Shane kay Rick habang niyaya ang iba na nilang kaibigan palayo saamin.
Si Rick naman ay nakangiting aso lang na nakatingin sa kawalan. Bago tuluyang makaalis ang grupo nila ay may isang lalaki akong sinundan ng tingin..si mokong. Nakasimangot siya at ni hindi ko siya nakitang tumawa o ngumiti. Nakakapanibago talaga. Sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala sila sa paningin ko.
"Aj, galit ka ba?" Nagulat ako dahil nakakuha ng lakas ng loob para makapagsalita si Rick. Umiling lang ako.
Galit ako noon pero ngayon hindi na, di ko naman kailangan maging bitter.
"Kung ganun, bakit moko nilalayuan?" Tanong niya.
"Di ko naman kayo nilalayuan Rick, malaki lang talaga tong school." Pilosopong sagot ko.
"Edi hindi mo na kami tatakbuhan pag lumapit kami sayo?" Sabi niya kasabay ang seryosong mukha. Tumawa ako sa sinabi niya,
"bakit ko naman kayo tatakbuhan? At kung gusto ko man tumakbo gagawin ko." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot saamin, asan na ba kasi si Chris. :<
"Aj, gusto pa din kita." Binasag niya ang katahimikan. "Sana ay ganun ka padin saakin." Dagdag niya pa.
Wala akong masabe sa lakas ng loob niya ngayon, di naman niya nagagawa to pagwala ang kanyang mga kaibigan. Pero imbis na sagutin ko ang mga sinasabi niya ay agad akong tumayo at umalis. Wala akong panahon kay Rick o sa kahit na kanino pa man dahil ayoko pa talaga at hindi pa ako handa.
Pagkarating ko sa gate ay saktong naroon na din si Chris.
"Aj! Sorry ah pinagantay pa kita." Umiling ako at sumama na sakanya papunta sa kotse niya. Ang ganda nga talaga ng kotse niya, hindi ko man lang ito napansin nung unang sakay ko rito.
"Okay lang Chris, ako na nga lang makikisabay eh." Sabi ko sabay ngiti.
"Kamusta na pala kayo nila Nina? Sinabi mo ba sakanya?" Tanong niya at pinaandar na ang sasakyan. Umiling naman ako bilang sagot.
"Hindi kami naging maayos eh, hindi ko talaga kayang umarte na parang walang nangyari." Paliwanag ko sakanya.
"You have to talk to her." Mariin niyang sinabi.
"P-pero Chris, baka magalit siya sakin?" Sagot ko sa kanya.
"Bakit? Mamaliitin mo ba siya? Hindi naman di ba? You will just be there because you are her friend, bestfriend to be exact. At yun ang ginagawa ng mag kaibigan, ang pagiging present para sa isa't-isa." Paliwanag niya sakin, "kung tutuusin nga ikaw pa yung may karapatang magalit eh, pero you did not di ba?" Dagdag niya pa at tumango ako bilang pag-sangayon.
Tama si Chris, dapat ay kausapin ko si Nina dahil bestfriend ko siya at bestfriend niya ako. Saka ko nalang din sasabihin kay Cathy pagmaayos na ang lahat. Kaya imbis na sa bahay ako magpahatid ay dumiretso kami sa sa Village nila Nina.
"Are you sure ayaw mo na magpaantay?" Tanong ni Chris nang makababa ako sa sasakyan niya.
"No need na Chris, baka kasi matagalan pa ako sa pagtambay kila Nina." Sagot ko sa kanya.
"Sorry Aj ha, gusto ko sana antayin ka kahit matagal kaso may business dinner meeting nanaman si Mom, I need to drive for her." Sabi niya at bahagyang lumungkot ang mukha.
"Okay lang Chris. Thank you sa paghatid ha? Ingat!" Sabi ko at tuluyan na siyang umalis.
Kagaya ng kila Cathy, malaki din ang bahay nila Nina. May garden at may pool. Lagi kaming naglalaro dito noong mga bata pa kami kaya tuwing dadating ako dito ay di ko maiwasang mangiti.
Ni-ring ko ang doorbell ng malaki nilang gate. Nang makita ako ng guard ay binuksan niya agad yun.
"Hi Ms. June!" Bati niya saakin.
"Hello kuya Eugene! Si Nina po?" Nakangiting tanong ko.
"Ay asa loob siya Ms. June sa may garden nila. Kasama yung bisita niya." Sagot naman sakin ni kuya Eugene. Matagal na nila itong guard kaya bata palang kami ay ka-close na namin siya.
"Sinong bisita niya kuya? Si Cathy po ba?" Nagtatakang tanong ko.
"Ay hindi Ms. June eh, lalaki yung kasama niya." Nagulat ako sa sinabi niya, lalaki? Hindi kaya si Paul? Mumurahin ko talaga yun kung sakali!
Tumango nalang ako kay kuya Eugene, "sige po kuya, puntahan ko nalang." Tumango rin siya atsaka dumiretso na ako sa garden nila. Sino kaya itong bisita niya?
----------------------------------
☠ Read * Comment * Vote ☠
A/N ~ Super onti ng nangyari sa chapter na to but I hope na nagustuhan niyo pa din.. Thank youuu! Love love love :*
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...