Palapit palang si Chris ay pumwesto agad si Nina sa tabi ko. Nagayos siya ng uniform tapos sinuklay niya yung buhok niya gamit ang kanyang mga kamay."Sumakay ka lang pangs ha?" Bulong niya sakin.
Naglalakad na sana kami papuntang canteen, naiwan naman si Cathy sa room nila para magkunwaring may kailangan silang gawin nila Rick sa isang subject nila.
"Hi Aj!" Bati sakin ni Chris.
"Hi Chris!!" Masayang sabi ni Nina.
"Oh.. Nina right?" Nakangiting sabi ni Chris.
"Yup! Nice meeting you again Chris." Ngiti naman ni Nina saka niya inabot yung kamay niya para makipag kamay.
Natawa si Chris dahil sa tagal ng pakikipagkamay ni Nina sa kanya.
"Pangs..." Ngiti ko. Saka dahan dahang binitawan ni Nina yung kamay ni Chris.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Chris.
Umiling ako.
"Nope Chris, tara sabay ka na samin." Ngiti naman ni Nina.
"Sasabayan ko talaga kayo, actually pupunta nga dapat ako sa room niyo para sunduin kayo.
Siniko ako ni Nina, kitang kita ko sa mukha niya yung kilig. Nang maglakad kami ay pumagitna samin ni Chris si Nina. Panay ang tanong ni niya kay Chris ng kung ano-ano. Hindi ko tuloy mapigilang mangiti.
Pagkatapos bumili ng pagkain ay agad kaming nakakita ng bakanteng table.
"Hala nakalimutan ko kumuha ng tissue!" Bulalas ni Nina. Tapos akmang tatayo sana siya pero pinigilan siya ni Chris.
"Ako na kukuha." Ngiti ni Chris, nakita ko yung pagngiti at pagtitig ni Nina sa mga mata ni Chris.
Nang makalayo si Chris ay agad akong hinarap ni Nina.
"Pangs!! Magpaalam ka, kunyari may nakalimutan kang gawin!!" Pasigaw na bulong niya sakin.
"Ha? Pero... gutom na ako.." Nagpout ako sa kanya.
"Basta! Umm dadalhan nalang kita ng pagkain.. Akong bahala pangs basta magpaalam ka na lang!" Nakangiti siya pero kitang kita ko sa mata niya na seryoso siya.
Sasagot palang sana ako pero nakabalik na si Chris sa table kaya agad kaming nagayos ng upo ni Nina.
"Here.." Ngiti ni Chris samin.
"Thanks Chris!" Sagot naman ni Nina.
Sumubo pa ako ng isang beses saka ako pasimpleng siniko ni Nina.
Huminga ako ng malalim at pasimpleng tiningnan ang kumakaing si Chris.
"Ay, pangs nakalimutan kong gawin yung assignment natin sa English!" Nagaalala kong sinabi.
"Hala pano na yan pangs?" Umarte si Nina na parang nagaalala din.
"Gagawin ko muna pangs.. Next subject na natin yun eh.." Pagsisinungaling ko.
"Pano tong pagkain mo?" Halos sabay pa si Nina at si Chris.
"Umm..Busog pa naman ako.. Kailangan ko muna talaga gawin yun.."
Nagayos ako ng upo at naghandang umalis."We'll go with you." Nagaalalang sabi ni Chris.
Nagtinginan kami ni Nina.
"Ah um.. Chris, kanina pa kasi gutom si Nina.. Okay lang ba kung um.. Samahan mo muna siya dito? Sorry talaga.. Nakatulog kasi ako kagabi kaya nalimutan ko gawin.." Nalulungkot kong sinabi.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...