One Down

2K 112 45
                                    



"Pangs!!! How's Baguio?!! Ano? Nakabuo ba ng Spark?!" Masayang bungad sakin ni Cathy. Nagkasabay kasi kami papasok ng gate ng school. Dahil sa 4 days kaming asa Baguio, binigay na ni ma'am Simantra yung Friday para sa rest day namin kaya ngayon nalang uli kami nagkita ni Cathy.

Bigla tuloy nag flash back sakin lahat ng nangyari na pilit kong kinakalimutan nung mga nakaraang araw...

Pagkatapos ng masakit na gabing yun, kinabukasan ay uwi na namin sa Manila.. At simula din nun ay iniwasan ko na siya.. Hindi ko siya tiningnan, ni hindi ko hinayaang makalapit siya sakin.. At pag-akyat namin sa bus, kay ma'am Simantra ako tumabi dahil sinabi kong ayoko maupo sa likurang bahagi ng bus dahil masama pa rin yung pakiramdam ko.. Buong byahe natulog lang ako.. Ni hindi ako bumaba sa mga stopovers.. Then pagkarating ng bus sa school ay nandoon na agad si dad para sunduin ako kaya hindi siya nagkaroon ng chance para lapitan pa ako..

"Pangs!! Ano nangyari?!" Binalik ako ni Cathy sa realidad.

"Ay.. Pangs.. Sobrang busy kami sa event kaya hindi ko na nagawang lapitan si.. lapitan siya.." Nagfake smile ako kay Cathy.

"Sayang naman pangs!! Chance na yun noh!!" Ngiti niya sakin tapos nag pout siya.

"Ano ka ba.. Parang ayoko na nga gawin yung plano natin pangs.. Mag-fofocus nalang ako sa ibang bagay.." Ngiti ko sa kanya.

"What?! Sayang naman effort namin ni Cathy pangs! Hindi mo lang alam kung gano kahirap ilayo sayo si Rick!! Para siyang naka-magnet sayo eh!" Sabi sakin ni Cathy.

"Basta pangs.. Hayaan niyo nalang.. Masaya naman ako kahit walang ganyan-ganyan.. Basta kasama ko kayo ni Nina.." Ngumiti ako sa kanya.

"Awww! Ang sweet mo jan pangs! So ano.. X na yung mission natin?" Nagaalala niyang tanong.

"Um.. Oo.." Nagfake smile ako.

"Osige pangs.. Sabi mo yan ah?! See you later!!" Nagbeso siya sakin saka pumasok sa room nila.

Sa room kasi kami magfflagceremony dahil umulan at basa yung grounds.

"Long time no see Aj!" Ngiti sakin ni sir Jay.

"Hello po sir.." Ngiti ko naman saka pumunta sa pwesto ko. Hindi ko alam kung nandun na ba si mokong or wala.. Wala na akong pakialam..

Hinanap ko si Nina pero hindi ko siya nakita, hanggang sa nagsimula na yung flag ceremony..wala pa rin siya..

Nagsimula nalang ang klase namin pero lumilipad parin yung isip ko.. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong mangyari to, dapat mag-focus ako sa ibang bagay at hindi sa mga bagay na nakasakit sakin..

Nakakalungkot lang kasi absent pa si Nina.. Wala akong makausap na matino sa room. Bukod pa dun naririnig ko nanaman si Rosella.

Bawat pag-baby niya kay.. kay mokong.. Ay parang bell na nageecho sa tenga ko. Nakakairita.. Pero dapat nga hindi ako magpaapekto eh!! Pabayaan mo sila Aj!!!

***

Kakaalis palang nung huli naming prof at kasunod na nun ay breaktime. Inaayos ko yung mga gamit ko para ilagay ito sa loob ng ko bag nang mapansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit sakin si mokong..

Hindi ako pwedeng magkamali.. Lalapit talaga siya sakin.. Kinabahan ako at napapalunok.. Hindi pa ako handang kaysapin siya at sa totoo lang, hindi ko alam kung magiging handa pa nga ba akong kausapin siya.

Ilang hakbang nalang ang layo niya sakin pero tumayo ako bigla. Kahit hindi ko dala yung wallet ko ay agad akong nag lakad palabas ng room. Alam kong sinundan niya ako ng tingin pero nagdirediretso pa din ako ng lakad palabas.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon