One Punch

2.7K 66 6
                                    

Buong byahe tahimik lang ako, si dad at si mokong lang yung nag-uusap. Paminsan-minsan nakikita kong tinitingnan ako ni mokong sa mirror ng car ni dad. And I could see his evil smile telling me that he won this time. Well hindi ako papayag noh!!! After planning everything that I will do to get my revenge, inenjoy ko nalang yung view sa labas and nakinig sa music. The next thing I know, asa isang exclusive boxing gym na kami nila dad. Si mokong mismo yung nag recommend nitong gym nato, I don't know why.

"No tito, you don't have to pay for anything." Ngiti ni mokong kay dad habang pinipigalan ito kumuha ng wallet ng niya.

"Why is that son?" Nagtatakang tanong ni daddy.

"We own this gym tito." Sagot ni mokong tapos dire diretso na uli yung usap nila.

Nagpunta na sila sa dressing room ng mga boys tapos ako naiwan dun sa may reception area, nakanganga. Like really?? They own this wonderful gym? Brand new lahat ng nandito plus sobrang laki. Hindi lang for boxing but also for lifting. I saw the map of this gym sa may entrance, and I saw na meron ding basketball court sa second floor and swimming pool sa 4th floor. Gaano ba sila kayaman kasi wala sa ugali ni mokong na mayaman sila eh. Heheh

"Oh miss sungit, nasa left side yung dressing room ng women." Sigaw lang sakin ni mokong, nakatopless siya that time and may towel lang na nakasabit sa shoulder niya, hindi ko gaano nakita dahil nakatulala pa din ako and ang bilis ng pangyayari.

Mejo natauhan na ako dahil nilapitan nadin ako ng isang employee at tinanong kung kailangan ko daw ba ng medic kasi parang wala daw ako sa sarili ko. Agad akong umiling tapos lumakad mabilis papuntang dressing room. Tumingin ako sa salamin, tiningnan ko nang masama yung sarili ko,

"You can do this aj!" I had to convince myself.

I started to put my hair into a high ponytail. Kumuha lang ako ng isang white towel tapos isang bottle ng water then humingang malalim.

"It's time to fight!" Bulong ko sasarili ko.

Pagkalabas ko ng dressing room nakita ko sila dad, inaantay ako.
Nakangiti silang dalawa sakin, yung smile ni dad is pure happiness, yung kay mokong naman hindi smile eh..smirk yun eh! Nakakakilabot. Inakbayan ako ni dad habang tinutour kami ni mokong. Ako puro make-face lang pero sinisigurado ko na hindi ako nakikita ni dad baka kasi batukan niya lang ako eh hihih.

"This is coach Bert, he's one of the best here tito." Pinakilala samin ni mokong yung isang guy na nasa mid-30s na siguro pero sobrang laki ng katawan.

Nakipagkamay si dad, tapos after nun sakin na siya tumingin. Omg parang wala ako sa sarili.

"This is my daughter, Aurora." Si daddy na yung sumalo sakin.

Ngumiti ako. "But you can just call me Aj." Nakipaghand shake din ako.

"Magboboxing ka rin ba? I mean kung magboboxing ka Aj ikaw na ata yung pinaka magandang boxer-to-be na mahahandle ko." Sabi sakin ni coach Bert na hanggang ngayon nakangiti padin sakin.

Sasagot na sana ako ng thank you o kaya hindi ko naman itutuloy yung boxing o kaya napilitan lang ako sumama dito pero bago ko man nagawa yun, mokong started laughing, pero hindi niya pinahalata kay dad. Nasa likod kasi siya ni coach Bert, and sa laki ng katawan nito natatakpan na siya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Yes sir Bert, mas gagalingan ko pa magboxing dahil sa mga sinabi mo." Sabi ko sabay smirk. What Aj?? Ano nga uli yung sinabi mo?

"Are you sure about that baby girl?" Nagtaka na din si dad. Alam niyang hindi ako masyadong interesado sa boxing.

"Yes!" Sagot ko, nahihibang na talaga ako. Pano ba naman kasi si mokong, sobrang yabang. Mabuti din naman siguro na magaral ako ng boxing para pag napuno ako sa kanya, sasapakin ko siya. Wahahah

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon