Nasa kasarapan pa ako ng tulog ko nang biglang may tumawag sakin. Hinanap ko agad yung phone ko para masagot yung tawag nang matigil na yung ringtone.
"Hello?" Nakapikit pa ako.
"Good morning Aj! I'll be there in thirty minutes." Boses lalake yung nagsalita tapos tumatawa tawa siya. "Mukang ang sarap pa ng tulog mo ah? Gising ka na... 6 a.m. na.." Malambing yung pagkakasabi niya dun sa huli.
Napabalikwas din ako sa narinig ko..
Omg hindi ako pwedeng malate, baka gawing dahilan nanaman ni sir Jay yun para dadagan yung parusa ko. >(
Tiningnan ko kung sino yung kausap ko sa phone.. Si Chris nga..
"Chris thank you ginising mo ko! Hindi ako nagising sa alarm kanina.. Sige maghahanda na ako.. Thank you ulit Chris! Byyyye!" Nagsasalita ako habang kinukuha yung towel ko at tumatakbo papuntang banyo. Pagkatapos ay pinatayan ko nalang din si Chris ng phone.. Mamaya nalang ako magpapaliwanang sa kanya.
Mga 5 minutes lang ata ako naligo... Hmmm joooke 15 minutes naman! Tapos inayos ko na lahat ng dadalhin ko, iniwan ko na yung mga books dahil excused naman ako sa class today tapos nagdala nalang ako ng extra shirt at kung ano-ano pa.
Magsusuklay palang ako ng buhok ko nang kumatok si dad sa kwarto ko,
"Aj, andito na si Chris.. Are you already awake?" Sabi ni dad.
Biglang nanlaki yung mata ko sa narinig ko.. Tiningnan ko yung oras,
shit 6:40 na!! Ang bagal ko talaga kumilos kahit kailan!:((
"Yes dad bababa na po ako!" Sigaw ko sabay bitaw sa suklay at kuha ng mga gamit ko,
Pagkababa ko ay nakita ko agad si Chris, nakasuot siya ng light blue shirt tapos maong pants.. May nakaprint dun sa shirt niya na "Kalinga: Kain-Ligo ng Ayos"
"Chris let's go na?" Masaya kong yaya.
"Wait dear, hindi kapa nagbreakfast." singit ni mom nang tumayo na din si Chris para umalis.
"It's okay mom, hindi naman po ako gutom." Pagsisinungaling ko.
"Aj, I can wait. Kumain kana muna." Sabi ni Chris habang hinuhhbad sakin yung bag ko.
"Pero.." Nagaalala kong sagot.
"No more pero-pero, halika kana dito. Ikaw din Chris, kumain ka." Yaya samin ni mom.
Walang nagawa si Chris kundi samahan akong kumain.
"Baka mabulunan ka niyan." Pangaasar ni Chris, nahalata niya siguro yung pagmamadali ko.
Hindi ako nakasagot dahil sa punong puno ng laman yung bibig ko, nginitian ko nalang siya tapos umiling ako na wag niya akong patawanin.
"Marami naring nakwento sakin yung daddy ni Aj tungkol sayo Chris.. Thank you for taking care of our daughter kapag busy yung dad niya para sunduin siya." Ngiti ni mom kay Chris habang umiinom ng green tea.
"My pleasure tita. Masarap naman pong kasama yung anak niyo.." Masayang sagot naman ni Chris.
"Do you like my daughter, Chris?" Diretsang tanong ni mom.
Muntik na akong machoke sa narinig ko. Nalunok ko lahat ng nasa bunganga ko para makapagsalita ako.
"Mooom!!!" Sigaw ko.
"What? Im your mother, Aurora! I want to know everything about you.. And your friends!" Nakangiti namang pagdadahilan ni mom, halatang inaasar niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...