5 am pa lang ay nasa school na ako, inaayos namin nila Sabrina ang mga props para sa games. Kahit na 3rd part pa ito ng event, gusto namin ready na lahat para wala nang problema mamaya at makanuod pa kami sa buong event. Ang iba ko namang co-officer ay inaayos ang stage, sound systems at kung anu-ano pa.
"Aj, mukang pinagpuyatan mo yung props mo kagabi ah?" Ani ni Sabrina na sinusuri ngayon ang dark circles sa ilalim ng mga mata ko.
"Ah, oo." Ngiti ko naman sa kanya. Totoong puyat ako pero hindi yun dahil sa props kundi kay mokong na panay ang text saakin kagabi. Tinanggal ko nalang yung battery ng phone ko para di na na ako mabulabog, pero di ko talaga naiwasan na isipin siya (isipin kung pano siya patumbahin >). Bwisit talaga.
7 a.m. na at halos lahat ng students ay nasa grounds na para sa event. After ng flag ceremony ay nag opening remarks na si Mr. Catigim, ang principal namin. Naging maingay sa buong school dahil sa hiyawan ng mga estudyante. Sa unang part kasi ng event ay tatawagin batch by batch ang mga new students. Ang background music ay nakakapangindak dahil sa beat nito kaya parang super models yung mga estudyanteng naglalakad papunta sa stage.
Mas lalong naghiyawan ang lahat nang tawagin na ang mga highschool students. At lalo na nang tawagin si (irap at simangot), si mokong. Tsss.
"Ahhhhhh!!!!!!!! OMG!!!! Ang gwapo niya!!!!!" Sigaw ng katabi kong si Sabrina.
Nang tumingin ako sa pwesto nila Cathy ay ganun din ang reaksyon nila, dahilan kung bat mas lalo akong nairita. Ano banaman kasi ang meron jan kay mokong at gustong gusto nila? Matangkad lang naman siya, matipuno nga siguro, hindi gaanong kaputian na bumagay sa itim at makapal niyang buhok, brown ang kulay ng mga mata niya na parang kumikinang sa sinag ng araw, siguro nga gwapo siya, siguro nga hot siya.
Ilang sandali pa ay sinampal ko ang sarili ko, hindi tama to! Magaspang ang ugali niya at nakakainis! Lahat ng gusto niya para sa kanya ay dapat masunod at higit sa lahat, makapal ang mukha niya kaya ayoko sa kanya!
"Uy bat ka nakasimangot jan?" Tanong ni Sabrina saakin.
Napatingin lang ako sa kanya at napakamot sa ulo.
"Ang O.A. daw kasi ng mga babae, nakita lang yung mga gwapong Highschool students, lalo na yang si Alford, sobra na maghiyawan. Di hamak naman na mas gwapo ako sakanya." Si Miguel ang sumagot sa tanong ni Sabrina. Sabay sabay kaming nagtawanan sa sinabi niya. May punto siya kaso mejo sablay yung sa huli.
Ilang sandali pa ay lumakas nanaman ang hiyawan ng lahat. Nang tingnan ko kung sino ang naglalakad papunta sa harap ay si Chris ang nakita ko. Hindi na ako magtataka kung marami ang magkagusto sa kanya dahil sa unang pagkikita palang namin sa restaurant ay kita ko na talaga ang kagwapuhan niya. Maputi siya at matipuno din ang pangangatawan, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Ang kanyang itim na mata ay naeemphasize ng kanyang itim na wavy na buhok. At maski noong tinour ko siya ay napansin kong marami narin ang naiintimidate sa kagwapuhan niya.
Tumili nanaman si Sabrina, sabay lang kami umiling ni Miguel.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang 3rd part ng event. Ang mga games. Naghanda na kami nila Sabrina dahil kami din ang magiging emcee para dito.
Si Miguel ang nauna dahil para sa mga elementary ang hinanda niyang games. Kami naman ni Sabrina ay naghahanda na para sa part two, ito yung games para sa mga Highschool.
Kitang kita ko kung gaano kasaya ang mga bata sa mga laro. Ang inihanda kasi ni Miguel ay Trip to Jerusalem, Stop dance, at ang walang kasawa-sawang Bring Me na siyang favorite din ng mga elementary.
"Bring meeeee, the most sexy teacher!" Ani ni Miguel at agad nagsitakbuhan ang mga estudyante para dalhin sa stage ang pinaka sexyng teacher para sa kanila. Tuwang tuwa ang lahat ng dalhin ng dalawang kasaling estudyante si Ms. Arregon, ang isa sa mga pinakamatabang teacher sa school. Dahil doon ay nanalo ang dalawang estudyante na iyon.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...