"Baby girl?" Boses lalaki yung nagsalita.. Umungol ako ng bahagya..
"Baby girl, gising na.." Malambing na sabi pa nito..
Eron?
Napabalikwas ako sa kama.
"Baby girl, are you alright?" Sabi ni dad, nakahawak siya sa balikat ko..
Si dad lang pala.. Akala ko kung ano na..
"Opo dad, okay lang po ako.." Ngiti ko sa kanya.
"Meron kasing nagpadala ng mga sewing materials, para daw project mo.. Kanino galing yun anak?" Masayang tanong sakin ni dad.
"Kay.." Napailing ako bigla..
"Sa teacher po namin dad, sila na yung nagprovide ng materials.." Ngiti ko sa kanya..
"Well, that's good pero ang dami naman ata masyado nun.." Nagtataka niyang sabi..
Nagkibit balikat lang ako pala hindi na humaba pa yung conversation namin tungkol dun.
"Pinaayos ko nalang lahat dun sa isa nating guest room..halika na, let's eat breakfast with your mom.." Yaya niya sakin..
Ngumiti ako at tumango.
Pinauna ko na siyang bumaba saka ako naghilamos ng mukha at nagsuklay.. Then after nun sumunod na din ako kay dad..
Masaya kaming kumain ng breakfast..pagkatapos ay tinulungan ko naman si mom magayos ng mga pinagkainan namin..
"Do you need some help anak?" Nakangiting tanong sakin ni mom.
"No na po mom, kaya ko na to.." Masayang sagot ko naman.
"I mean sa project mo.. Gusto mo tulungan kita?" Tanong niya sakin.
Umiling ako..
"Wag na po mom, alam kong busy din kayo ni dad.." Sagot ko naman..
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.
"Nakita ko yung dress na ginagawa mo anak.. It's so beautiful, parang gawa ng isang professional.. Gifted ka talaga anak.. And I'm so proud of you.." Sumigla yung puso kong nangungulila.
"Thank you mom.." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
***
Ang mga salitang binitawan ng nanay ko yung naging dahilan ko para tapusin at pagandahin pa lalo yung dress na ginagawa ko.. White yung sa may bandang itaas at off-shoulder ito na may couture designs na ako mismo ang gumawa. Hanggang talampakan ang haba nito at nahahaluan ng itim na kulay yung ibabang part ng dress, nilagyan ko din ng mga makikinang na sequins at beads.. Ginawan ko din ng v-shaped couture sa likod kaya kitang kita ang hubog ng likuran ng taong magsusuot niyo.. Fitted long dress na may mahabang sleeves.. Simple pero elegante ang dating..
Pinagmasdan ko ng mabuti yung dress na ginawa ko..
"Ang ganda pangs.. Pwede ko ba tong bilhin??" Biro sakin ni Nina.
"Ako pangs kahit pahiram lang.." Sabi naman ni Cathy,
Kasama ko sila ngayon sa bahay, dala dala nila yung mga project nilang dress at nagpapatulong sila sakin na pagandahin pa ito..
"Kayo talaga pangs, syempre kahit kailan pwede noh.. Pero sukat ko kasi yung ginamit ko jan kaya magpasexy muna kayo gaya ko." Biro ko sa kanila..
"What?! Duya mo pangs!!!" Biglang nalungkot si Cathy, lagi kasi namin siyang inaasar na nadagdagan na yung timbang niya. Though totoo namang nadagdagan, hindi naman siya ganun kataba.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...