Nasa classroom na ako at panay ang sorry sakin ni Cathy. Yung mokong naman ay nasa upuan na nya at wala nanamang reaksyon sa mukha kahit panay ang tingin ko sakanya ng masama. Parang walang nangyari kanina ah? Ayos talaga tong bwisit nato.
Break time namin kaya nagsilabasan na ang iba pa naming kaklase. Ang naiwan nalang sa room ay yung grupo ng mga nerds, si mokong at kami nila Nina.
"Pangs sorry talaga kanina. Hindi ko inakalang mahuhuli tayo ni ma'am" ani ni Cathy at pinipilit na mag tteary eye.
"Okay lang yun pangs, hindi naman tayo nahuli eh." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya.
"Ako lang naman diba?" Dagdag ko pa at pinipigalan ang nagbabadyang tawa.
"Halaaa, pangs naman eeee" aniya at nagpacute pa.
"Yan kasi Cathy, sige ha maginarte ka pa. Pasulat sulat ka pa dyan, kawawa tuloy si Aj." Sabi ni Nina sabay kindat sakin.
Nang umiyak na si Cathy ay sabay kaming tumawa dalawa. Sarap talaga pagtripan ang best friend mo, dahil kahit anong mangyari di nyo magagawang magalit sa isa't-isa.
"Okay lang yun pangs! Ulitin mo pa ulit ha?" Pangaasar ko kay Cathy.
"Tara na nga, kain tayo sa Canteen. Tama na yan Cathy, gumaganda ka sa ginagawa mo eh" ani Nina at tumawa nanaman kami, ngayon pati si Cathy ay tumawa na din.
Hindi na ako sumama sa kanila dahil kumain na ako kanina, tsaka ayokong aminin sa kanila na talaganh tinatamad din ako. Nagutom at napagod pa ako kanina sa kakatakbo palayo sa mokong nayun. Pagkagaling ko kasi sa CR ng mga boys ay diretso takbo na ako sa canteen, buti na lang ay di na niya ako sinundan doon.
Nang nilingon ko sya sa kinauupuan nya ay nakita ko syang nakasandal sa pader at nakapikit. Aalisin ko na sana ang tingin ko sakanya nang bigla syang nagmulat..laking gulat ko lang kasi saakin agad sya nakatingin.
Itinaas nyang bahagya ang kanyang isang kamay at sumenyas ito na para bang gusto nyang lumapit ako sakanya. Inirapan ko sya at tinalikuran, kapal mukha talaga to! Grrr!!!
"Miss clumsy, tinatawag kita." Sigaw nya sakin.
Nagdirty finger lang ako sa kanya.
"Ganyan ba mga student officer nyo dito?" Tanong nya sa isa kong nerdy na kklase na agad namang nagblush.
Wtf!! Di pwedeng masira yung pangalan ko! Patago nga lang pagdirty finger ko kanina sa kanya eh, nalimutan ko, kapal muks nga pala to. Kaya nyang kausapin kahit di nya kilala.
Bago pa lumala ang sitwasyon ay lumapit nako sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay sininyesan nanaman nya ako gamit ang kanyang kamay na ilapit ko daw ang mukha ko sakanya. Dahil nakaupo sya ay yumuko ako ng bahagya para makalapit sa kanya. Hayyyy Aj! Onting tiis lang makakabawi ka din sa isang yan!
"May utang ka sakin miss clumsy." Bulong nya sakin.
Tumayo ang mga balahibong pusa ko dahil sa ginawa nya.
Inayos ko ang tayo ko at agad nagbigay ng pagtatakang ekpresyon sa aking mukha. Ayoko na kasing magsalita dahil in the first place ayoko naman talaga syang kausapin, napilitan nga lang akong lapitan to e!
Agad nyan ini-unbotton ang tatlong botones ng uniform nya at pinakita ang kaliwang shoulder girdle nya na nakabenda. Tinuro nya ito sabay sabi,
"Masakit". Tinaas ko lang ang isang kilay ko.
'And so?' Sabi ko sa isip-isip ko.
"You pushed me kanina sa CR miss clumsy, kaya I want you to bring me to the clinic." Bago ko pa di mapigilan ang sarili ko na magsalita ay nagsalita nanaman sya, "new student ako, di ko alam kung nasaan yung clinic."
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...