Nurse AJ

2.4K 59 4
                                    

"Aj, I like you."

Nakatingin lang ako sa mga mata niya, hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, habang siya ay parang mejo lumuhod sa harapan ko para magkatapat yung mukha naming dalawa.

Ni hindi ako makapagsalita.. As in sobrang hirap talaga..

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso, nilapit niya yung mukha niya sakin...

Omg...

Ito na ba yung first kiss ko?

Pero hindi pwede!!!!

Kaso hindi talaga ako makagalaw.. :(

Gusto kong magpumiglas at sumigaw pero parang ang hirap hirap..

Alam kong nakikita niya sa mga mata ko na gusto kong kumawala pero wala siyang pakialam.. Tinuloy niya lang yung paglapit ng mukha niya sa akin.. Wala akong nagawa kundi pumikit nalang din, at antayin ang pinaka special kong first kiss......

*riiiiiiiing*

Nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ng cellphone ko, may tumatawag. Nakatulog pala ako sa tabi ng kama ni mokong.. Tiningnan ko yung oras, shit 10 pm na!!! Tiningnan ko si mokong, mahimbing parin yung tulog niya..

Kinuha ko yung phone ko sa bag para icheck kung sino yung tumatawag.. Hindi nga ako nagkamali, si dad nga. :(( ano nalang ang sasabihin ko??

Dahan dahan kong pinress yung answer call...

*Dad: Aurora June!!!! Where are you?!

Me: umm.. Dad!!! Andito po ako sa bahay ng classmate ko, uhh may ginagawa po kasi kaming group project pero pauwi na rin po ako. Sorry dad hindi na kita nainform kasi wala din po akong load..

Dad: Umuwi kana ngayon Aj, asan ba yan susunduin kita! Mamaya na kita aawayin!

Me: *lunok* no need na dad, magttaxi nalang kami ni Celine yung isa ko pong classmate, malapit lang din siya satin.. Sige na dad! Paalis na kami byeeee!!!!

End call.

I had to end the call right away, alam ko kasing hindi magpapatalo si dad. Tapos baka kung ano pa sabihin nun like ipakausap ko siya sa mga classmate ko or sa parents nung classmate ko, eh inembento ko lang naman lahat pati si Celine. Kasi kung sasabihin ko na nakila Pangs ako for sure susunduin ako nun..

Napabuntong hininga nalang ako, bahala na mamaya sa bahay. Lalambingin ko nalang si daddy..

Tiningnan ko yung mahimbing na si mokong.. Para siyang anghel.. Anghel na may black-eye hihihi..

Lumapit ako sa kanya at naupo sa stool katabi ng kama niya. Hinipo ko yung noo niya..mejo bumaba na yung lagnat niya..
Binasa ko uli yung towel na nilalagay ko sa noo niya then nilagyan ko ng konting alcohol tsaka ko siya pinunasan mula leeg hanggang noo. Pasalamat talaga tong mokong nato mabait ako, kundi pinabayaan ko lang to dun sa sahig kanina..

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina, as in grabe. Lahat na ata ng boses ko nilabas ko kanina pero wala talaga.. Walang dumating na tulong! Binuhat ko siya magisa pabalik sa kama! Sobrang bigat niya, parang matatanggal na nga yung likod ko kanina eh..

Pinahiga ko lang siya sa kama then kinumutan ko siya, nakita ko kasi na giniginaw siya kaya hininaan ko din yung temperature ng aircon sa room niya. Buti nalang lagi akong may dalang emergency kit, nandun yung mga meds ko. Kumuha ako ng paracetamol tapos kinuha ko din yung tumbler ko na puno ng water sa bag.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon