Sabado ng umaga nagising ako ng malakas na katok ni daddy.
"Baby girl!! Wake up!!" Malakas niyang sigaw, tama lang para mabulabog ako.
Kinusot ko ang aking mata at dahan dahan tumayo para pag buksan ng pinto ang makulit kong daddy.
"Daaad, ano po ba yun?" Tamad kong tanong habang nakapikit pa.
"Get ready baby girl, Eron's waiting for us downstairs. You promised me na sasama ka sa Boxing session namin diba?"
Bigla akong nagising sa narinig ko. Kumalabog bigla ang dibdib ko. Kahapon halos nalimutan ko na gawin yung 'oplan tanggal mokong boxing' na plano ko kaya feeling ko wala na akong problema.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsisi dahil wala akong nagawa para pigilan ang plano nila daddy ngayong weekend.
"We'll wait for you Aj," sabi ni daddy sabay halik sa noo ko.
Tumango nalang ako at nagbigay ng fake smile.
Ano kayang gagawin ko? Siguro dapat bagalan kong kumilos.. Tama! Babagalan ko kumilos at aarte na masakit ang tiyan ko! Ang galing ko talaga! >)
Nakangiting aso na ako at saka hinilamusan ang mukha ko. Nag-gargle lang ako ng mouth wash at saka dumiretso na sa baba. Hinahanda ang sarili para sa matinding pag-arteng magaganap mamaya.
"Good morning!" Bati saakin ng mokong nakaupo sa sofa namin. May hawak hawak siyang isang mug ng hot chocolate drink na malamang ay ginawa ni mommy. Naka puting t-shirt siya na vneck kaya kitang kita ang hubog ng pangangatawan niya. Naka brush-up naman ang buhok niya kaya naeemphisize ang gwapo at makinis niyang mukha.
"Hello! Good morning!" Ngiti ko naman sa kanya. Wala dapat makahalata na kinaiinisan ko siya kaya ako magiinarte na wag matuloy ang boxing session nila.
"Hon, tulungan mo ako ayusin yung mga gamit ko, please?" Ani ni daddy kay mommy na may kasamang halik pa sa balikat nito.
"Sure hon." Ngiti ni mommy kay daddy. "O, maiwan muna namin kayo ha? Aj, kumain ka na ng breakfast pero wag masyadong marami para di ka mabigla later." Masayang sabi ni mommy habang umaakyat sila papunta sa kwarto nila.
"Nice pajamas." Sabi ni mokong at nagpakita ng ngisi. Tinitigan ko lang siya ng masama at siya naman ay uminom ng kanyang choco drink.
"Thank you!" Sagot ko sa kanya sabay fake smile. Sa pagmamadali ko kanina, hindi ko na naisip palitan pa ang suot ko na pajamas na may print ng mukha ni Mr. Bean at sphagetti strap sando ko na kulay pink.
"Mukang good mood ka ngayon miss sungit ah?" Sabi niya saakin sabay ngisi.
"Ahh, masarap kasi yung tulog ko kagabi kaya heto.." Sagot ko sabay fake smile ulit.
Pumunta ako ng kitchen para kumuha ng ham and cheese sandwich na ginawa ni mommy at magtimpla ng coffee choco drink. Yun kasi ang ginagawa ko, pinaghahalo ko ang three-in-one coffee powder and chocolate drink powder. :)
"Kung 'ako' siguro yung tulog mo, I bet araw araw kang good mood." Sabi ng isang lalaking nakasandal sa may pintuan ng kitchen namin. Gumamit siya ng tonong malaki ngunit may halong pangaakit.
"I don't understand what you're talking about, weirdo." Patuloy ako sa paghahalo ng tinitimpla ko.
Lumapit siya saakin, agad ko naman siya tiningnan ng masama.
Nang magkatapat na ang mukha namin ay agad kong iniliyad palayo sa kanya ang upper body ko. Pero lumiyad din siya palapit saakin dahilan kung bakit muntik na ako matumba.
Pagbukas ko ng mga mata ko ay wala ako sa sahig. Nakapalupot ang isang kamay ni mokong sa bewang ko, ang isa naman ay nakaalalay sa counter top.
"You wanna know why?" Tumango ako nang dahan dahan, hindi inaalis ang titig sa mata niya. Nakakalasing ang mga titig niya, parang lawin na naghahanap ng mabibiktima niya.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...