Cheers

2.2K 66 4
                                    

"Bakit hindi mo sinabing ngayon tayo gagawa ng project?" Sabi ko kay mokong nang makasay kami sa kotse niya.

"Project yung gagawin natin! Mas importante yun kesa makipaglandian ka." Sagot naman niya sakin.

"Makipaglandian?? Tama ba yung narinig ko?? Kaibigan ko si Chris! At wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanya." Paliwanag ko naman sa kanya.

"You were just friends?" Nagiba yung tono ng pananalita niya.

"Bakit? Ano bang akala mo ha?" Tiningnan ko siya ng masama pero siya naman hindi makatingin ng diretso sakin.

Pinaandar niya yung makina ng sasakyan pero hindi parin kami umaalis.

Gusto ko man tanungin kung anong problema ay hindi ko na ginawa, ayoko kasi siyang kausapin.

Ramdam kong nakatingin siya sakin kaya tumingin ako sa bandang gilid para maiwas yung mukha ko sa kanya. Kunyari ineenjoy ko yung view.

Naramdaman ko nalang yung kamay niya na nakapaikot sa akin...

Is he... Hugging me?

"E-ron.."itutulak ko pa sana siya pero narealize kong kinabit niya lang pala yung seatbelt sakin. Kill me now. -.-

Nagsmirk siya after niyang marinig yung pag sabi ko ng pangalan niya. Binatukan ko siya para makabawi ako. Nakakahiya!

Sa buong byahe namin, si Chris lang yung nasa isip ko. Hiyang hiya ako sa kanya. Iniisip ko na kung paano ako magaapologize sa kanya.. Kailangan kong makabawi sa kanya..




Mga ilang saglit pa ay pinasok na ni mokong yung kotse isa isang pamilyar na gate.. Tinotoo niya nga yung sinabi niya.. Dito kami gagawa, I mean ako lang pala, ng project sa bahay nila.

Walang sumalubong na kahit sino samin ni mokong, nakita ko lang si ate Sally sa may gilid at nagwave siya sakin. Mukang masaya nanaman siya para kay mokong dahil may makakasama nanaman yung alaga niya, yun nga lang ako yun. -.-

"Let's go?" Nakangiting sabi ni mokong sakin habang binubuksan yung main door nila.

"Ni wala nga tayong materials, pano ako gagawa? Basta basta mo lang ako dinala dito sa inyo." Tamad kong sinabi sa kanya.

"You don't have to worry baby girl, pinaready ko na lahat." Nakasmirk nanaman siya.

Umirap ako sa kawalan, sana lang may sense yung pinagsasabi niya.

Dinala niya ako sa isang kwarto, at pagpasok namin dun ay nanlaki ang mga mata ko. Lahat ng sewing materials ay nandun, as in lahat! Iba't ibang klase ng tela, ng sinulid, ng mga beads, ng mga sequins, mapapa-wow ka nalang talaga! This is my dream room!!

Tumingin ako sa kanya at nagbigay ng genuine smile. Ngayon lang ako natuwa sa kanya nang ganito.

"You like it?" Sabi niya sakin.

Tumango ako bilang sagot.

Walang ano-ano ay pumasok ako sa loob. Hindi ko na inantay na sabihan niya pa akong pumasok, nagulat at natawa tuloy siya sa ginawa ko.

Pumili ako ng mga tela, tapos mga sinulid. Sobrang gaganda talaga. Hanggang ngayon nalulula pa din ako dahil sa mga nakikita ko.

Sinubukan kong abutin yung tela na nakalagay sa may taas na parte ng cabinet pero hindi ko kaya. Kumuha ako ng stool para apakan. Nakita ata ako ni mokong dahil napansin kong palapit siya sakin. Pero tinuloy ko pa din yung pag-abot nung roll ng tela.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon