Buong weekend ay nasa bahay lang ako. Walang ibang pumasok sa utak ko kundi yung mokong na yun. Nang magmonday nanaman mas naging busy kami nila Cathy sa school. Ni hindi na namin napagusapan ni Nina yung mga nangyari last week at hindi na din namin binanggit yun kay Cathy. Tutal naman nagssecret samin si Nina, hindi ko na din sinabi yung nangyari samin ni mokong sa bahay. Heheh mahirap na baka ma-hot issue ako dun sa dalawa.
Thursday ng umaga, inagahan ko ang pasok ko dahil pinatawag kami ni Ma'am Bel kahapon bago umuwi. Sabi niya na kami daw ang incharge sa magaganap na activity bukas at magmemeeting kami ngayon. Activity yun para sa mga new students, para mafeel nila na welcome na welcome sila sa school.
"Saan si Chris, Aj?" Tanong sakin ni daddy habang inaayos ko ang gamit ko para makababa na ng sasakyan.
"Siguro dad nakapila na siya kasi yun ata yung kotse niya oh." Sagot ko naman sabay turo sa pamilyar na sasakyan.
"Ahhh, eh si Eron kaya?" Tanong ulit ni daddy na palingin lingon sa sasakyan, tila naghahanap ng bagay na hindi niya alam kung nasaan.
"Hay nako daddy hindi ko po alam. Bubye na! Hmmmp" paalam ko sabay kurot sa tagilirin niya.
"Aj, pag nakita mo siya, ask him about our boxing session ha?" Ang laki ng ngiti niya habang sinasabi niya iyon.
Matagal tagal na rin hindi nakakalaro ng boxing si daddy lalo pa't naging busy siya sa business namin. At isa pa, nagsawa na si kuya kakasama sa kanya sa paggboboxing niya lalo pa't wala naman siyang interes dito. Kaya natuwa din ako na makita siyang masaya, siguro dapat nga na samahan ko siya pag naggolf niya, pero siyempre hindi dapat kasama si mokong! Grrrr
"Whatever daddy! Bye! Loveyou!" Sigaw ko habang naglalakad papasok ng gate ng school.
Ngumiti naman siya at tuluyan nang umalis.
Habang naglalakad ay nakangiti pa din ako, ang cute kasi ni daddy..sobrang saya niya dahil lang makakapaggolf na ulit siya.
Nang makapasok sa school ay didiretcho na sana ako agad sa audio room, kami na din kasi ang naatasang maglead ng rosary.
Pero bago pa man ako makarating sa Audio room ay biglang may gumitgit saakin na dahilan kung bat ako napasandal sa pader ng T.L.E. Room.
"What the?!" Pabulong kong sabi.
Nang makalingon ako kung saan nakatayo yung taong gumawa nun ay laking gulat na isang malaking mokong ang tumambad sa harap ko!
"Tell your dad na free ako this weekend para magboxing." Sabi ng isang gwapong lalaki na nakatayo sa harap ko.
"Okay ka lang? Hindi ka nga hinahanap ni daddy eh." Inayos ko ang tayo ko, inirapan ko siya at tuluyan nang naglakad.
Hindi ako magpapatinag sa itsura niya no! Kahit naka-clean cut pa siya ngayon at napaka bango ng kanyang amoy, wala akong pake.
"Pero baby girl, narinig ko kayong dalawa kanina, hinahanap niya ako right?" Sabi niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
Omgggg!! Pano nalang kung may makarinig sa kanya na tinawag niya akong 'babygirl'!! Buti nalang maaga pa at wala pang masiyadong estudyante. Agad ko siyang nilapitan at tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"Hoy mokong! Ano ba talagang gusto mo ha? Kung narinig mo kami at alam mo na hinahanap ka ni dad, bat di ka nagpakita? huh?" Sabi ko habang mas lalo pang nilalapit ang mukha ko sa kanya, dapat matuto siyang matakot saakin!
Nasa kalagitnaan pa kami ng pagtatagisan ng tinginan nang maramdaman ko na mejo namamasa ang kamay ko na pinantatakip sa bibig niya.
"Fuuuuck!!! Kadiri ka!!!!!" Sigaw ko sabay punas ng kamay ko sa uniform niya!
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...