Thousand Years

2.1K 67 11
                                    



"Pangs masyado ba kayong naglalapit ni Eron?" Tanong sakin ni Cathy.

Andito kami ngayon sa bahay nila, isang buong araw kaming nagpractice para sa performance namin sa M.A.P.E.H kaya nagdecide kami na after ng practice ay didiretso kami sa kanila para magmeryenda, and bonding na din.

"Ha? Hindi naman..parang gaya pa rin ng dati," nagkibit balikat ako habang kumakain ng baked mac.

"Sus, hindi daw..." Asar ni Nina sakin.

Inirapan ko siya dahil nakangiting aso siya sakin.

"Bakit pangs? Bakit mo natanong?" Binaling ko kay Cathy yung tingin ko.

"Kasi pangs.. Um.. Ayoko na sanang sabihin to eh kaso naawa naman ako kay Eron.." Nagaalalang sabi ni Cathy. Hindi ko maipinta yung reaksyon niya.

"Why pangs? Anong nangyari?" Tanong naman ni Nina.

"Sabihin mo na pangs!" Pagpupumilit ko naman.

"Kasi.. Parang narinig ko si Jeron, nagsusumbong kila Rick na nagiging malapit nga daw sayo si Eron.." Paliwanag ni Cathy.

Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko.

"Tapos pangs??" Sabi ko sa kanya, hindi na ako nakasubo uli ng kinakain ko.

"Tapos parang narinig ko na ilalayo ata nila ikaw kay Eron.. Hindi ko na alam kung yun nga yun eh.. Basta ang alam ko lang galit ata si Rick.. Hindi ko na kasi maalala eh.. Pero malamang may masama silang balak.." Utal utal na kwento ni Cathy.

"Pangs naman eh! Minsan ka na nga lang maging chismosa hindi mo pa ginalingan!" Pangaasar ni Nina kay Cathy. Agad naman siyang binatukan ni Cathy.

"Pero bakit naman nila kailangan magalit kay Eron pangs?" Nagaalala kong sabi habang naghaharutan sila pangs.

Humarap sakin na nakapamewang si Nina.

"Ano pa nga ba pangs? Edi nagseselos si Rick!" Sagot naman niya sakin.

Tumango tango si Cathy.

Napabuntong hininga lang ako sa narinig ko. Saka ko binaba yung hawak kong baked mac para hubadin yung polo ko dahil bigla ako nakaramdam ng init. Tutal naman naka tshirt ako sa loob.

"Pangs anong nangyari jan?" Nagaalalang tanong ni Cathy.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

Lumapit si Nina para tingnan din yung nakita ni Cathy. Hinawakan niya ng marahan yung braso ko,

"Oo nga pangs, napano ka?" Dagdag pa ni Nina.

Saka ko sinilip yung braso ko na hawak ni Nina.

Merong pasa.

Agad kong inisip kung nabangga ba ako or nabagsakan ng something yung braso ko pero wala akong naalalang ganung pangyayari.. Ang tanging pumasok lang sa isip ko ay yung paghila sakin ni Rick nung nakita niya kaming magkasama ni mokong..

"Ah..w-wala to pangs.. Nabangga lang ako sa hagdan namin kagabi." Pagsisinungaling ko.

"Ingat ingat din kasi pangs.. Ikaw talaga.." Asar sakin ni Cathy.

Kahit na nagchange topic na sila pangs ay hindi ko pa rin maiwasang isipin sila mokong.. Bakit hindi ko man lang naisip na pwede palang mangyari to? Bakit hindi ko man lang naramdaman na nagseselos nga si Rick? Dapat ko na bang layuan si mokong? Ayoko naman kasi na mapano siya or mangyari sa kanya yung paninigang ginagawa nila Shane sa mga nagtatangkang lumapit sakin..

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon