"Good morning baby girl! Gising na, baka malate ka pa." Sabi ni dad habang nakasilip siya sa pintuan ng room ko.
Oo nga pala.. Vacation is over at kahit na gustuhin ko pa ng more vacay ay wala akong choice.
"Okay dad. I love you!" Ngiti ko sa kanya pagkaupo ko sa kama.
"I love you too baby girl.." Sagot naman niya saka siya umalis.
Uminat inat ako at kinuha yung towel ko para makaligo.. Papasok ba talaga ako? Sabi ko sa isip ko.
Yes, I have to. Bilang teenager yan yung responsibilidad ko..and besides I miss.. I miss Nina and Cathy..
Hinalikan ako ni mom sa noo bago kami umalis ni dad papuntang school. 2 weeks na akong late sa class.. Kakauwi lang kasi namin ni dad and nung sister ko from South Korea. Dun ako nagbakasyon kasama sila dahil may balak iopen na business dun yung sister ko and his husband kaya sumama ako.. I loved South Korea and mas minahal ko pa siya nung nakita ko na siya ng personal. Then nalate kami ng uwi dahil nagkaproblema sa schedules plus delayed flights. Ugh!
"Kailangan ko pa bang sabihin na 'galingan mo' baby girl?" Nagtatakang tanong ni dad.
"Ano dad?" Mas nagtaka ako sa kanya.
"Because I already know how great you are.. Mana sakin.." Ngiti niya.
Umiling ako habang nakangiti
"Sige na dad, malalate na ako.." Sabi ko tapos hinalikan ko siya sa pisnge.
"Say hi to Eron for me anak.." Nakangiting sabi niya.
"I will.." Pagsisinungaling ko..
Why do I have to start my day na pangalan niya pa yung narinig ko? Ni hindi ko nga alam kung nanjan pa siya eh. But I don't really care so lakad na lang papasok sa school.
Hindi ko na inabutan yung flag ceremony dahil nagpunta pa ako sa principal's office para ipasa yung excuse letter ko and hanapin yung section ko. Kinamusta ko na rin si sir Catigim and si mam Bel dahil hindi ko nagawa yung mga duties ko bilang officer during the first week. Hihih
Pinuntahan ko agad yung section na binigay sakin ni sir Catigim. Habang naglalakad ay naramdaman ko na yung kabog ng dibdib ko. Akala ko pa naman hindi na ako kakabahan dahil confident ako na okay na okay nako, pero hindi pala talaga mawawala yung gantong feeling.
Kumatok ako sa room at nang pagbuksan ako ng pinto nung isa kong kklase ay isa lang yung nasabi ko,
"Oh fuck." Bulong ko sa isip ko.
"Nice to see you Aj! I'm gonna be your adviser for this school year." Ngiti sakin ni sir Jay.
At doon ko naramdaman na this school year..will be the worst school year ever..
Nagdasal ako na sana matapos na agad yung taon.. O kung hindi man sana nagbago na si sir Jay..
"Pangs!!" Pabulong na sigaw ni Nina sakin.
Agad gumuhit yung ngiti ko.
"Hi pangs!!!!" Sabi ko sa kanya.
"Gilbert. Gilbert right?" Kausap ni sir Jay yung kaklase ko na nasa likod na row and dulong part nakaupo. "Lipat ka dito sa harap, jan uupo si Aj." Nakangiting sabi niya.
Agad naman umalis si Gilbert dala yung mga gamit niya.
"Aj, take your seat." Hinarap ako ni sir Jay.
"Yes sir.." Sagot ko saka ako naglakad papunta sa upuan ko.
Inikot ko yung mata ko sa room.. Wala si Cathy.. :(
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...