Night of Pain

1.9K 71 24
                                    




Okay lang yan sigurado akong lilipas lang din yan.. Ngayon lang yan.. Siguro para may partner si mokong ngayong gabi pero alam ko titigil din yan..

Yan yung sabi ko sa sarili ko nung gabing yun.. Pero mali pala ako..

Sa araw araw ay pinagdarasal ko na sana tuluyan ko nalang siyang nilayuan mula nung magpasukan.. Sana hindi ko nalang sinayang yung huling bakasyon na wala akong ibang ginawa kundi ang kalimutan siya.. Sana hindi ko nalang siya kinausap pa uli.. Sana..sana hindi ko nalang siya nakilala..

Dahil sa tuwing makikita ko siyang may ibang pinapasaya ay parang nadudurog yung puso ko..at wala akong magawa kundi umarte na parang wala lang sakin yun.. Lalo na kapag lalapit pa sakin si Rosella at magkkwento ng mga ginagawa ni mokong para sa kanya.. Parang pinupukpok ng paulit ulit yung ulo ko, nakakabaliw..

"Ang sarap niya pala kasama.. Then tinuruan niya pa ako maglaro ng nba 2k16.. He's so sweet.." Kinikilig na kwento samin ni Rosella. Masaya namang nakikinig sila Cathy.

Oo, samin na siya lagi sumama kapag hindi niya kasama si mokong.. Pero dahil magkklase sila ay lagi silang magkasama kaya minsan lang talaga siya sumasama samin, pero feeling close agad.

Nagwalkout ako at pumasok sa loob ng room namin.

"Pangs!" Tawag sakin ni Nina.

"Sumakit bigla yung tyan ko pangs, upo lang ako saglit." Sabi ko tapos tinalikuran ko na sila.

Nakita kong dumating na si mokong kasama sila Shane. Lumapit naman agad si mokong kay Rosella.

Masaya silang nagusap, maski sila pangs ay parang masayang masaya para sa kanila.

Umirap ako sa hangin.

"Sigurado ka bang busog kana? Baka may gusto ka pang kainin?" Ngiti ni mokong kay Rosella habang naglalakad sila papasok ng room. Kasunod nila si Nina.

"Ikaw..joke!" Sabi ni Rosella tapos tumawa siya ng pagkalakas lakas.

Tumawa din si mokong.

Tsss ano kaya yun? ang korny naman nung sinabi niya.

"Hindi pa pwede.." Sabi ni mokong tapos pinisil niya yung dalawang pisngi ni Rosella.

Fuck!!!

Nagiwas ako ng tingin sa kanila.

"Masakit daw tyan ng prinsesa ko?" Malambing na sabi ni Rick.

"R-rick? Bakit ka andito, baka malate ka sa next class.." Gulat kong sabi sa kanya.

"I just want to make sure that my princess is okay." Ngiti niya sakin.

Napangiti ako bigla.

Sana narinig yun ni mokong.

"Okay lang ako Rick.. Promise.." Ngiti ko sa kanya.

"Do you want anything else?" Tanong niya sakin, saka ako nakangiting umiling.

"Ang sweet nga naman ng tropa ko oh." Asar ni Jeron kay Rick.

Nahihiya tuloy na kinamot ni Rick yung ulo niya.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon