Mistaken Identity

2.4K 60 0
                                    

Nang maayos na si Nina ay bumalik na kami sa garden para kay mokong. Sinigurado namin na walang bahid ng pag-iyak. Ni hindi na tinuloy ni Nina ang sasabihin niya dapat kanina dahil may dumating na maid nila sa loob ng kitchen para tulungan kami. Nakiusap siya na wag na namin pagusapan yun, ramdam ko naman ang senyas na na iyon. Nang makarating kami doon ay naabutan namin si mokong na naglalaro ng games sa phone.

"Eron, sorry natagalan kami." Sabi ni Nina saka umupo sa tabi ni Eron.

"Okay lang Nina, I am willing to wait. Gusto ko nga kayong puntahan kaso nahiya lang ako." Sabi naman niya kay Nina. Wow mejo pacutie tong mokong na to ah.

Nang dinala ng mga maid nila Nina ang pagkain ay agad kaming nagsimula kumain. Nagusap kami tungkol sa school, mga classmates namin at sa mga activities. Kami ni Nina ay excited na sa Immersion, yun kasi ang inaabangan ng mga elementary students dahil Highschool students lang ang mga nagkakasama doon. Pinaliwanag namin yun kay mokong at nasiyahan din siya dito.

"E bat ka nga pala nag transfer ng school Eron?" Tanong ni Nina.

"Nagtransfer kasi kami ng bahay, kakalipat lang namin sa Mckinley." Sagot naman ni mokong. Tumango tango lang ako at kinuha ang phone ko, nalimutan ko nagtext mga pala si Chris.

"Tamang tama pangs, sumabay ka na kay Eron pauwi. Sa Mckinley din nakatira tong si si Eron e, tsaka dala niya yung sasakyan niya." Nagkibit-balikat lang ako at patuloy na tiningnan ang phone ko. Bahala na sila diyan mag-usap.

Nakita ko na nagtext nga si Chris, ganun din si Mommy,

Chris Lim :):
Aj, what happened? Andito na ako sa business meeting namin. I hope maging okay kayo agad ni Nina. Take care :)

Mamabear:
Aj, pinapatext ka sa kin ng dad mo. Asan ka na daw? Ingat ha. Love you anak!

Nagreply naman ako agad.

Me to Mommy:
Mom, nandito po ako kila Nina. Sorry po biglaan ang pagpunta ko dito. Pauwi na din ako, magttaxi nlng po ako. Love you too mom! :*

Me to Chris:
Chris, okay na kami ni Nina. Thank you sa pag-alala and sa iyong pieces of advice. Ingat ha? :)

"Aj, may katext ka nanaman ba? Kinakausap ka ni Nina!" Sigaw sakin ni mokong. Nagulat ako sa ginawa niya, natulala tuloy ako sa kanila.

"Eron, maybe dad niya katext niya. Baby girl kasi yan ni tito eh." Paliwanag ni Nina sabay tawa.

"Sumabay kana sakin. Yun ang gusto ni Nina." Utos sakin ni mokong. Tumango naman si Nina.

"Ah, nagtext na kasi sakin si Mom, I need to go now. Nina, magttaxi nalang ako. Magstay nalang dito si Mokong kung gusto niya." Sinabi ko sabay tayo para magpaalam.

"Hindi na pangs, sabay na kayo ni Eron. Gabi na din naman tsaka wala gaanong dumadaang taxi dito sa village namin remember?" Paalala niya saka kami niyaya patungo sa may parking lot nila kung saan nakapark ang kotse ni mokong.

Totoong madilim na sa paligid at ang kinakatakot ay wala akong mahagilap na taxi. Wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Nina.

"Eron, ikaw na bahala sa bestfriend ko ha." Sabi niya sabay yakap saakin.

"Anything for you." Sagot naman ni Eron. Maykung anong kumirot sakin, bwisit sa iba ang bait niya saakin hindi! Now I know kung bat mainit ang dugo ko sakanya! Dahil ganun din siya saakin!

"Pangs, sasabihin ba natin kay Cathy?" Bulong na tanong ko kay Nina.

"Yes pangs pero hanap tayo ng magandang timing." Sagot naman niya at tumango nalang ako.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon