Closer

2.5K 60 6
                                    

Buong weekend ay nagfocus ako sa iba't ibang bagay para malimutan ko yung kabaliwan ko last week. Sumama ako kay mom sa mga business trips niya, tinry ko ulit na gumawa ng designs para sa gagawin naming dress sa T.L.E, nakipagbonding ako kila pangs and kung ano-ano pa. Gumana naman dahil naka-move on ako kahit papano.

Mejo magiging busy na ang lahat ng first year and selected higher batch students starting this week dahil kailangan naming matapos yung project naming dress within this year. Hindi lang kasi yun basta project, yung pinakamagandang magagawang dress ay ipapanlaban sa upcoming Philippine Fashion Fiesta na magaganap sa Baguio City! At isa ako sa mga nangangarap na makasama dun because this is my passion.

Naging normal naman yung naging takbo ng mga araw ko.. Lagi kaming magkakasabay nila pangs, si Rick hindi na nagsawa sa pagdalaw at pagbigay sakin ng food during break time, si sir Jay paminsan minsan ay pinapatawag pa din ako sa office niya para tulungan siyang magcheck ng mga quizzes or test papers. Isa lang naman yung nagbago.. Hindi na talaga ako pinansin ni mokong after that night, which is better naman diba..? Atleast nalayo na rin ako sa kanya.. Pero hindi ko parin maiwasang hindi siya tignan or lingunin paminsan-minsan.. Namimiss ko nanaman yung smile niya...

"Okay class, I want all of you to be serious about this project.. Dahil I heard that hindi lang sa Baguio pwedeng makarating yung dress na gagawin niyo, kundi pati abroad!" Masayang balita samin ni mam Simantra.

Naghiyawan ang buong klase, lahat sila naexcite sa mga narinig namin. Hindi ko rin napigilan maexcite kaya nakaramdam agad ako ng konting kaba..

"Congrats sainyo Aj!" Kantyaw sakin nung isa naming kklase.

"Ay oo nga, congrats Aj!" Dagdag pa nung iba.

Nagtataka ko silang hinarap pero at the same time may saya akong naramdaman.

"Hala, bakit?" Kunyari wala akong idea sa sinasabi nila.

"Syempre ikaw na panalo niyan.. Swerte naman ni Eron!" Paliwanag naman nung isa..

Nang marinig ko yung pangalan ni mokong, dun ko lang naalala na magkapartner pala kami sa activity nato..;(

Agad ko siyang nilingon para makita ko kung ano yung reaksyon niya.. Pero sa bintana lang siya nakatingin, pinapanood niya yung pagsayaw ng mga puno kasabay ang hangin, ni wala siyang karea-reaksyon.

"Class, wag kayo mawalan ng pag-asa.. Just do your best!" Masayang sabi ni mam Simantra samin. Sumangayon naman ang lahat.

Pagkatapos ng kaunting discussion ay binigyan kami ni mam ng oras para magkausap yung mga magpapartner para sa activity. Lahat ng kklase ko nagsitayuan para puntahan yung kanya kanyang partner pero ako nakaupo lang, inaantay kong may lumapit sakin.

"Uy!" may kumalabit sakin na ikinagulat ko.

"Ay meron na pala...-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil pagkaharap ko hindi pala si mokong yung kausap ko..

"Okay ka lang pangs?" Sabi ni Cathy, mukang nagaalala siya sa reaksyon ko.

Tumango ako at ngumiti.

"Oo naman.."

"Pasalubong pangs ha, sure win kana dito.." Sabi naman niya tapos nginitian niya ako.

"Wala pa nga pangs eh.. Malay mo naman ikaw pala talaga yun." Sabi ko tapos bigla siyang tumawa.

"Ako pa pangs, wala nga akong katalent talent sa pananahi eh." Sabi niya sabay nagpout siya.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon