"Kailangan mo bumawi sa kanya Aj." Mariing sabi ni dad. "You have to say sorry!" Dagdag pa nito.
"Daddy, boxing yung ginawa namin hindi chess, so malamang masasaktan siya diba? Kasalanan ko po bang weak siya?" Sarkastikong sagot ko kay dad.
"No more explanations Aj! You owe him an apology, gusto ko bukas nakapagsorry kana sa kanya." Sagot niya sakin bago siya umalis papuntang living room.
Yan yung huling conversation namin ni daddy. Buong sunday puro si mokong bukang bibig niya na kesyo kailangan ko daw humingi ng sorry, na ako daw may kasalanan, na mali yung ginawa ko. Hay ewan. Ano ba talaga ginawa nung mokong na yun sa daddy ko?! Yan din ang dahilan kung bakit buong sunday nakakulong lang ako sa kwarto ko at ang tanging ginawa ko lang ay magdrawing ng dress na gagawin ko para sa sewing project namin. ~~
"Huy okay ka lang pangs? Kanina ka pa nakatulala ha?" Sabi ni Cathy sakin. Break time na pero wala akong ganang kumain.
"Bakit kaya absent si Eron noh?" Napatingin ako sa kanya, I'm so guilty.
Nagkibit balikat nalang ako, kunyari wala akong pakialam.
"Let's eat na pangs! Ayun na si Nina oh.." yaya sakin si Cathy. Nakita ko din si Nina kumakaway na samin sa may pintuan banda.
"No pangs, kayo nalang muna. Busog pa ako eh, ang dami kong kinain kaninang breakfast." Sabi ko sabay fake smile.
Ang totoo niyan hindi naman talaga ako busog, pero hindi rin ako makaramdam ng gutom. Kaba yung nararamdaman ko, kasi wala si mokong ngayon so iniisip ko kung paano ako makakapagsorry sa kanya. Lagi din kasi nag-eecho sa isip ko yung last words sakin ni daddy kahapon.. I don't know what to do. :(
*vibrate*
Chineck ko yung phone ko na nakatago maigi sa bag ko. Pagnahuli kasi ako patay talaga ako. May text message.... Please sana kay mokong galing...
Agad kong inopen yung message kaso from Globe lang pala letse.
Kahapon ko pa kinocontact si mokong para magsorry, pero aba grabe ang pride ng lolo niyo. Tinext ko na, tinawagan, in-add ko na nga siya sa mga social media accounts ko para mamessage din siya pero wala talaga. Kaya I decided to bring my phone today, baka sakaling magreply na siya."Pangs!! Ano yan?" Tumalon si Nina papunta sakin sabay upo sa armchair ko. "Bawal yan ah?!" Sigaw pa ni Cathy.
"Ssssshhhh! Wag kayo maingay! May emergency lang kasi kaya kailangan ko to dalhin." Paliwanag ko.
"Emergency emergency..suuuus baka may katext kalang kaya hindi mo maiwan phone mo.." Asar sakin ni Nina.
"Omg sakto.... Dala mo phone mo kasi absent si Eron noh?? Kaya ngayon katext mo siya noh?" Asar pa ni Cathy.
"Mga baliw kayo!! wag nga kayo maingay baka may makarinig sainyo kung ano pa isipin. Pinadala lang to sakin ni mommy, magkikita kasi kami later kaya hindi na rin ako makakasabay umuwi sa inyo pangs.." Paliwanag ko pero nagtinginan lang silang dalawa.
"Owwwkay" sabay nilang sagot sakin pero alam kong hindi sila naniniwala sakin kaya nahampas ko tuloy sila.
"Kayo talaga, sige na kumain na kayo! Malapit na matapos yung break oh." Gusto ko na kasi talagang mapag-isa, baka kasi magreply na si mokong tapos makita nila pangs, for sure aasarin nanaman nila ako..
"You sure hindi ka sama?" Huling tanong ni Cathy, nag nod lang ako at nagsmile tapos tuluyan na silang umalis.. What a relief..
Ako nalang yung nasa room tsaka yung nerdy naming classmate na si Shaira. Alam ko namang hindi niya ako isusumbong kahit makita niya akong may hawak na phone kasi wala naman siyang ibang kakilala kundi yung mga books namin. Hehehe
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
أدب المراهقينBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...