Summer Vacation Pt.1

2.5K 68 17
                                    

Shopping shopping shopping! Yan ang ginawa ko nung sumunod na araw pagkatapos ng recognition day.. Kailangan kong maging maganda tapos sexy! Yung tipong hindi niya ako makakayanang snobin! Bumili din ako ng mga waterproof makeup para kahit papano magkaroon parin ng kulay yung mukha ko kahit mabasa man ng tubig.. Binawasan ko din yung pagkain ko tapos nagcardio para pagpawisan.. Grabeng preparation yung ginawa ko.. Preparation para lang mapansin niya ako..

Tomorrow is the big day! Hindi ako makakapayag na hindi maglaway sakin si mokong!! Ito na rin yung paraan para makaganti ako sa kanya.. Hmmm.. Makaganti nga ba o maakit ko siya? Pwede ba both nalang? >)

The night before ay nag group call pa kami nila pangs para siguraduhing okay na ang lahat.. Pinatanong ko din kay Shane si Nina kung lahat ba makakasama.. Ang sagot niya ay oo, lahat daw confirmed na sasama..

Napangiti ako bigla.. Hindi ata ako makakatulog neto..

***

7 am ang call time pero 6:30 am palang asa school nako.. Dun kasi namin napagdesisyunang magkita kita.. May service kasi kaming van dahil hindi naman pwedeng magdrive sila Rick sa express way..

Nakahinga ako ng maluwag nang nakita kong andun na si Cathy kasama sila Brix.. Akala ko kasi ako yung pinakamaaga eh.. Hihihi

Nandun na rin yung van nila Shane tsaka yung driver nila, tapos isa pang van na si Nina naman ang may-ari..

Quarter to seven na at halos makokompleto na rin kami.. Isa nalang yung hinihintay namin.. Mejo kinakabahan nako dahil baka hindi siya sumama..

"bro tawagan niyo na si Eron," sabi ni Paul.

Agad namang naglabas ng cellphone si Brix at nagdial.

"Oh yan na pala siya eh! Bro!" Biglang sabi ni Shane.

Napalingon ako, nakita ko si mokong na naka floral na polo at denim shorts ang naglalakad papunta samin.. Tapos nakaopen pa yung first two buttons ng polo niya..omg, ang hot niya..

Muntik ko nang sampalin yung sarili ko.. No Aj! Ikaw nga dapat yung mangaakit diba?!

Isa isa kaming sumakay ng van.. Nakiusap si Rick kila Cathy na siya muna yung katabi ko.. Agad namang pumayag yung dalawa.. Hayszxzxs -.-

Pagkaakyat ko sa van ay pinagmasdan ko yung mga kasama naming asa labas pa.. Inaantay ko kung sino pa yung sasama sa van namin.. Sinundan ko ng tingin si mokong.. Pero naglakad siya papunta sa kabilang van..tapos dun siya sumakay..

Hindi ako nagpaapekto.. Agad kong binago yung mood ko at nakisama sa usapan nila pangs.. Dapat maging masaya ako, dahil kung hindi papanget ako niyan!

Nagsimula na kaming bumyahe.. Puro tawanan, soundtrip, foodtrip at kung ano-ano pa yung nangyari sa loob ng van namin.. Saka lang tumahimik nung nasa expressway na kami.. Nakatulog ata silang lahat, nagiipon ng energy para mamaya.

"Tulog ka muna, sandal ka sa balikat ko.." Nakangiting sabi ni Rick sakin.

"Sige lang Rick, hindi naman ako inaantok.." Sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka? Pagkain gusto mo?" Sabi naman niya.

Nakangiti akong umiling..

"Ako nalang sandal sayo.. Okay lang ba?" Sabi niya tapos nagpacute siya..

"Sige lang.." Nakangiti kong sagot sa kanya saka niya pinatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Bantayan moko ha?" Malambing niyang sabi kaya natawa ako ng bahagya.

"Opo," sabi ko tapos binaling ko nalang yung tingin ko sa labas..

Napakaganda ng paligid.. Puro puno, walang polusyon at napakalayo sa magulong syudad ng maynila..

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon