I'm Yours

2.2K 85 30
                                    



Hindi ko alam kung bakit halo-halo yung nararamdaman ko pagdating ng lunes, ilang araw na pa ang nalalabi at bakasyon na namin pero parang ngayon palang gusto ko nang hindi pumasok.. Nahihiya kasi ako kay mokong.. Oo nahihiya ako sa kanya.. Simula nang sabihin niyang gusto niya akong ligawan gusto ko nalanh lagi akong maging maganda sa paningin niya.. Excited ako at masaya pero anjan parin yung kaba at mga pangamba na baka matapos din agad ang lahat.

Hinanda kong maigi yung sarili ko para sa araw na to, dahil alam ko naman na simula din ito ng malaking gulo.. Hindi ko pa rin naman kasi nakakalimutan yung pag-uusap nila ni Rick, alam kong hindi maganda yung kinalabasan nun..

Nang matapos ako sa lahat ay bumaba na ako para puntahan si dad.

"Dad!! Okay na ako!" Sigaw ko habang nagmamadali pababa, pero si dad ay nagbabasa lang ng news paper habang umiinom ng kape.

"Daddy tara na!" Tumingin siya sakin at nagngiting aso. Kumunot agad yung noo ko.

Pero bigla nalang may kumuha ng bag ko kaya napalingon ako iniisip na si mommy yun.

"Let's go?" Ngiti sakin ni mokong.

Humarap ako kay dad na pagtataka ang nasa mukha.

"From now on, si Eron na yung maghahatid at magsusundo sayo baby girl.. He asked for my permission, pumayag ako." Ngiti sakin ni dad.

"Don't worry tito. Magiingat po ako sa pagddrive para kay Aj.." Masayang dagdag naman ni mokong.

"Mag-iingat kayo okay? Eron.. Yung pinag-usapan natin." Sabi samin ni dad.

Tumango si mokong saka naglakad palabas ng bahay. Hindi ko alam pero nakatulala akong sumunod sa kanya. Hindi ko inexpect na ganito kaaga siya magsisimula sa panliligaw niya.

"Wag ka nang magulat Aj.. I told you, I'll do everything to prove my feelings for you.." Nakasmirk na sabi niya sakin nang makalabas kami ng gate.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay sa kotse niya.

Nang makasakay siya ay dun nalang uli ako nakapagsalita.

"Paano mo nabobola si dad?" Pabirong tanong ko sa kanya.

Humarap siya sakin at tumingin sa mga mata ko.

"Hindi ko siya binobola Aj.. Lahat ng pinapakita ko sa kanya totoo.." Ngiti niya sakin.

May kilig akong naramdaman dahil sa sinabi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Maya maya pa ay naalala ko yung seatbelt ko..dapat maunahan ko na siya maglagay this time!

Humarap ako sa gilid para abutin ito pero hinawakan niya yung braso ko.

"Let me do it.." Ngiti niya sakin.

Napalunok ako nang makita ko ng malapitan yung mga ngiti niya. Hindi ko mapigilang mabaliw nang masilayan ko ito. Naestatwa ako sa kinagagalawan ko habang siya ay pinapalibot ang mga kamay niya sakin para maayos niya yung seatbelt ko.. Naamoy ko nanaman yung amoy niya na bumubuhay sa katawang lupa ko. Hindi ko napigilang ilapit pa yung mukha ko sa leeg niya. Pasimple lang naman, yung tipong hindi niya mahahalata..

Pagkatapos niyang makabit yung seatbelt ko ay dahan dahan siya umayos ng upo, saka ko naman siya iniwasan ng tingin.

"Sa susunod magpapaalam ka kung aamuyin mo ako sa leeg ha? Nakikiliti kasi ako eh.. Baka hindi kita sa school madala niyan.." Nakasmirk niyang sabi sakin.

Nagsitaasan yung mga balahibo ko sa narinig ko. Oo nga pala, may kiliti nga pala siya dun kaya nakaramdam pa rin siya!!

Hindi ko siya matingnan, kaya nakangiti niyang pinaandar yung sasakyan.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon